CHAPTER 83 ARWIN’S POINT OF VIEW "Hanggang sa nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Isang gabi, hindi na lang kita magising. Sobrang takot ko no'n. Pa'no kung mawala ka sa akin? Hindi ko kakayanin iyon. Mas gugustuhin ko pang nasasaktan ako ng paulit-ulit kaysa mawala ka sa akin nang tuluyan. Ang sabi sa akin ni Dok, mabuti daw at nadala kita kaagad sa Hospital dahil kung hindi, baka hindi ka muli pang magigising." "Ibig sabihin utang ko pala ang bu-hay ko sa'yo Hon. Kung wala ka pala Hon, paniguardong wala na rin ako. Sa-salamat dahil lagi kang nandiyan kahit gano'n ang gi-ginawa ko sa'yo." "Ginawa ko lang naman ang tama, Hon." "Dahil diyan, ituloy na natin ang kasal. Han-handa na ako pa-ra pakasalan ka. Ikaw ba?" tanong ko sa kaniya. "Handa na rin akong talikuran ang pag-aartista k

