CHAPTER 73 Brean’s Point of View Huminga ako ng malalim. Naglakad ako palapit sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niyang nakataas. Sinapo ng dalawang palad ko iyon saka ko inilapit sa aking bibig kasabay ng pag-upo ko sa ulunan niya. Dumilat siyang muli. Ngumiti ngunit may namumuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Napalunok ako. Hindi siya 'yon. Hindi siya palaiyak. Lalo na akong kinakabahan. "Huwag ka naman ganyan, please?" "Ganyang alin?" garalgal niyang tugon. Huminga siya nang malalim. Tumitig muna siya sa akin kahit alam kong hilong-hilo na siya. Hanggang sa nauna pang lumakbay ang luha niya patungo sa kaniyang tainga bago muling nagsalita. "Kung sakaling may mangyari sa akin, kung hindi na ako magising, hindi na kita makitang muli o hindi kita makilala man lang, tandaan m

