KABANATA 7

3137 Words
SAKTO lang ang laki ng guest room para sa akin at ayos na ako rito kaysa naman sa room ni Jace na parang hindi ako makakagalaw dahil sa kakaiba niyang ugali. Naguguluhan talaga ako sa inaasta niya. Parang kada oras ay naiiba ang ugali niya. Hindi ko tuloy alam kung bakit ako na-disappoint ng hindi man lang niya naalala ang nangyari. Paanong nangyari iyon? Nahihibang ba siya ng may nangyari sa amin at sabihin niya na sa kanya lang ako? Napabuntong-hininga ako at napahimas sa tiyan ko. Nagugutom na ako dahil hindi pa ako kumakain ng pang hapunan at hindi naman ako nakakain kanina dahil agad na nanghatak si Jace paalis sa office ng judge. Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Bumaba ako ng kama at sinuot ang flat shoes ko. Paglapit sa pinto ay binuksan ko at bumungad sa akin ang isang kasambahay. "Nakahanda na po ang hapunan n'yo, Miss. Nasa hapagkainan na rin po si Senyorito." "A-Ah, p-puwede bang mamaya na lang ako?" Nakita ko na napakuno't noo siya at umiling. "Sorry po, Miss, pero ang utos sa akin ni Mayordoma Ding ay pababain kayo at hindi po puwedeng hindi n'yo sabayan ang Senyorito." Kinakabahan ako pero tiyak naman na hindi aalis ito sa harap ko. Ayokong makita si Jace dahil tiyak na maiilang ako. Pero wala naman akong magagawa dahil kahit ilang beses ko pang gawin ang hindi pagsabay sa kanya na kumain ay siguradong magtataka ang mga tao rito kung bakit hindi ko sinasabayan si Jace. Sinara ko ang pinto at sumunod sa kasambahay. Napapapisil ako ng kamay habang palakas ng palakas ng kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. Lihim na napapabuga ako ng hangin at lumalanghap ng hangin. Hindi ako makahinga. Napakalayong lakaran bago narating ang eight seater na table habang may chandelier na pinakailaw ng dinning area. Maraming nakalapag na pagkain sa lamesa at mukhang masasarap. Kumakain na si Jace at seryoso lamang ito at tila walang pakialam sa paligid.. Sinenyasan ako ng kasambahay na sumundo sa akin at pinaghila ako ng upuan sa kaliwang side ni Jace. Nasa gitna kasi siya nakaupo. "Next time obligahin mo ang sarili mo na bumaba ng hindi ka na tinatawag." Uupo pa lang ako, e, agad na siyang nakasermon. Napakasungit niya at nakakatakot. Pero hindi naman parating dapat niya akong itrato ng ganito. Hindi ko na siya sinagot at napatingin ako sa kasambahay na ipaglalagay sana ako ng kanin sa plato. "Ako na. Kaya ko 'to, salamat." Ngumiti ako rito kaya binigay niya sa akin ang bowl ng rice. Sumandok ako ng sapat na kanin at nilapag na sa table. Napatingin ako sa mga ulam at mga pagkaing restaurant ang mga nakahanda. May roasted chicken, vegetable salad, shrimp soup, grilled pork, patatim, at sweet and sour fish fillet. Kumuha ako ng lahat ng klase ng ulam. Takam na takam ako at nais ko silang kainin lahat.. Nang tikman ko ay napatango ako dahil ang sarap. Sunod-sunod ang pagkain ko at wala na akong pakialam sa paligid kapag ganitong sarap na sarap ako sa pagkain. Dinilaan ko ang mga daliri ko ng dumikit ang pinaka-katas ng grilled pork. Napatingin ako sa kasambahay ng salinan niya ako ng tubig. "Salamat." Kinuha ko ang tubig at uminom ako. Grabe busog na busog ako at tila ngayon lang ako naparami ng kain. Nang mapatingin ako kay Jace ay nakita ko na nakatingin pala ito sa akin. Umiwas siya ng tingin at tumayo na siya. Wala siyang imik na umalis kaya nakiba't balikat ako. "Miss, mayroon ka pa bang nais na kainin?" Tumingin ako kay Mayordoma Ding at ngumiti na umiling ako rito. "Wala na po. Busog na busog na po ako." "Mabuti naman. Kung may nais pa kayo para sa panghimagas ay mayroon nakatabi." Tumango ako. "Sige po, salamat." Uminom muli ako ng tubig at nang makapagpababa ng kinain ay tumayo na ako at umalis sa lamesa. Naglakad-lakad ako at walang anumang larawan sa sala dahil tanging mga appliances lamang ang makikita sa paligid. Nakita ko ang isang papasok na hindi ko alam kung anong side ng bahay iyon. Tumingin ako sa paligid para tignan kung may tao ba sa paligid at nang makitang wala ay naisipan kong tunguhin iyon. Napatingin ako sa mga dingding at nakita ko ang mga art painting na nakasabit. Ang gaganda naman. Nang makarating sa mismong dulo ng daan nito ay napahinto ako ng makita na parang bar area pala ang parteng ito. Para akong nasa bar ang style pero iisa lang ang costumer at si Jace iyon. Hindi na lang ako tumuloy dahil tiyak na susungitan ako nito. Bumalik na lang ako sa dinaanan ko at naisipan kong bumalik na lang sa room kung saan ako matutulog. Naayos ko na ang mga damit ko sa closet at panatag ako sa room na ito. Kaso namimiss ko sila Inay. Sinubukan kong tumawag kay Inay pero hindi niya sinasagot. Sobra talaga silang nagtatampo sa akin at hindi ko mapigilang mag-isip para sa kanila. Lumapit ako sa kama ng mag-ring ang phone ko na doon ko pala naiwan. Nakita ko na si Beth ang tumatawag kaya huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag niya. (Bes!) Nilayo ko konti sa tainga ko ng phone ko ng ibungad niya sa akin ay sigaw na inis. (Bes, anong sinasabi ng Inay mo na nagpakasal ka raw sa isang mayamang lalake?) Napabuga ako ng hangin at muling tinapat sa tenga ko ang phone ko. "Beth.." (Ang daya mo. Hindi mo man lang ako binalitaan sa nangyayari sa buhay mo. Mula ng may naka-s*x ka ay parang naging malihim ka na.) Nagtatampo siya. "Pasensya ka na, Beth. Hindi ko kasi puwedeng sabihin sa iba ang pagpapakasal ko. Sana ay 'wag kang magalit sa akin kagaya nila Inay. Ginagawa ko lang naman ito dahil din kela Inay." (Anong ibig mong sabihin? Bakit hindi mo puwedeng sabihin kahit sa akin? Tingin mo ba ay hindi ako mapagkakatiwalaan sa mga sekreto?) "Hindi sa ganoon. Maipapaliwanag ko rin sa iyo, pero hindi pa ngayon.. Pasensya na, Bes, sana ay 'wag kang magalit sa akin." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. (Ano pa nga ba.. Nagtatampo ako dahil parang wala kang tiwala sa akin. Pero nauunawaan ko, basta sabihin mo sa akin ang dahilan kapag puwede mo nang sabihin.) Napangiti naman ako. "Salamat, Bes. Love you." (Heh! Babu!) Napailing ako at napangiti na inalis sa tapat ng tainga ko ang phone. Mabuti na lang at malaki talaga ang pag-uunawa niya. Pero pangako na sasabihin ko rin sa kanya, para naman hindi ko na kinikimkim ito ng sarili ko lang. Kailangan ko rin siguro ng kaagapay. Nilapag ko sa table ang phone at inalis ko ang tali ng buhok ko maging ang salamin ko sa mata. Nilapag ko rin ang salamin sa table at sinuot ko sa wrist ko ang panali ko. Hinawi ko ang kumot at umusog ako sa kama para mahiga. Nang makahiga sa malambot na kama na ito ay para akong nagiginhawaan. Nitong nakaraang araw ay madalas na akong mapagod at gusto na lang humilata ng katawan ko na hindi ko naman ginagawa noon. Dahil dati ay bahay at work lang ako. Ngayon ay bahay na lang at sa ibang bahay pa. Hindi naman ako makahanap ng pwesto dahil namimiss ko rin ang higaan ko. Napahinga ako ng malalim at inisip muli si Jace. Naalala ko na kailangan ko nga pala siyang paibigin. Pero paanong mangyayari iyon kung lagi siyang nakasikmat at kung hindi ay ngayon napapansin ko na parang may kakaiba sa pag-iiba ng ugali niya. Napahawak ako sa tapat ng puso ko at kahit na hindi ko aminin ay alam kong nakaramdam ako ng saya ng maging maayos ang pakikipag-usap sa akin ni Jace ng may nangyari sa amin kanina. Asang-asa ako na magbabago siya pero ilang sandaling oras lang akong nalingat ay bumalik na agad siya sa pagsusungit. Umiling ako at pumikit. Kung ano mang mangyari sa pagtira ko rito ay dapat kong tatagan ang loob ko. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang isiping iyon at hindi ko malaman kung ilang oras na ako nakatulog. Pero nagising lamang ang diwa ko ng makaramdam ng paghaplos sa legs ko. Dumilat ako at nang bumungad sa akin si Jace na shirt less at tanging boxer ang suot habang nakaupo sa gilid ko at siya ang humahaplos sa legs ko. Napaupo ako at napatakip ng kumot sa legs ko. Napaatras ako habang gulat na gulat na napatingin sa kanya. "A-Anong ginagawa mo rito?" "Ako ang dapat na magtanong n'yan. Anong ginagawa mo rito? Bakit dito ka natutulog at hindi sa room natin?" "H-Huh?" Umusog siya at napaidtad ako ng humawak siya sa braso ko at hinaplos. "Hindi ko akalain na asawa na kita." "J-Jace, hindi kita maintindihan..." Napatigil ako ng ilapat niya ang daliri sa labi ko. Tumitig siya sa akin kaya heto na naman at naramdaman ko na naman ang pagkabog ng dibdib ko. "Shhh.. Let's go to my room." napahinto siya at natawa, "I mean.. to our room." "P-Pero.." Inalis niya ang kumot sa akin at nabigla ako ng pangkuin niya ako. Napahawak ako sa leeg niya at kahit medyo malabo ang paningin ko ay napatitig ako sa mukha. Tinitignan ko kung si Jace nga ba ito. Kasi nakakapanibago at ngayon ay ibabalik niya muli ako sa room niya. Nang makalabas ng kwarto ay pumasok naman kami sa kwarto niya. Nang makarating sa kama ay inilapag niya ako doon at binitawan. Napausog ako ng sumampa rin siya pero napalapit ako sa kanya ng hapitin niya ako. Napatitig ako sa kanya at nakita ko na nakatitig din siya sa akin. Hindi ko alam kung totoo ba itong pinapakita niya. Hinalikan niya ako kaya napasinghap ako at naramdaman ko ang lambot ng kama ng ihiga niya ako. Hinawakan ko siya sa mukha at nilayo ko ang labi niya kaya napabitaw siya sa labi ko. "Lasing ka ba?" "No, I'm not drunk. Let's continue this." Kinuha niya ang mga kamay ko at pinako sa ulunan ko para siguro hindi ako makapalag. Muli niya akong hinalikan at pilit kong 'wag tumugon dahil parang may mali sa kanya. Hindi ko malaman kung bakit ganito siya muli. Naguguluhan ako. Nalulunod ako sa halik niya at hindi ko mapigilan na mapaliyad ng pagpartehin niya ang mga binti ko at pumagitna siya doon para lang ipadama sa akin ang umbok niya. "S-Stop please.." "I can't stop owning you. I miss you so much." Bumaba ang labi niya sa panga ko at napapikit ako sa kiliti na ginagawa niya sa katawan ko. Napakuyom ako ng kamay at bumibigat ang hininga ko. Binitawan niya ang kamay ko at napadilat ako ng iusog niya ako sa kama. Umalis siya sa ibabaw ko at nagtaka ako ng may abutin siya sa drawer ng side table. Nang makita ko ang kinuha niya ay napaupo ako at napaatras. "S-Sandali.. A-Anong gagawin mo d'yan?" Nakita ko ang mga posas kaya kinabahan ako. Ngumiti siya. "This is for you. I need to make sure that you can't runaway from me." "A-Ano?" Umusog ako at nais ko na sanang bumaba sa kabilang side ng kama para takbuhan siya ngunit agad niya akong nahuli. "Runaway again, honey?" bulong niya sa likod ng tainga ko. Natakot ako sa kinikilos niya at hindi ako nakapalag ng ihiga niya muli ako at halikan. Mahigpit siyang nakahawak sa mga kamay ko habang dinadala niya ako sa mapusok niyang halik. Nang makarinig ng click ay sinubukan kong pumalag pero nagulat ako ng hindi ko maalis ang mga kamay ko. . Ngumisi siya na umalis sa ibabaw ko. Napatingin ako sa mga kamay ko at dinumbol ako ng kaba ng makita na nakaposas na ang mga ito sa headboard ng kama kaya hindi ko maigalaw. "A-Alisin mo 'to! B-Bakit mo 'to ginagawa? Hindi mo alam ang ginagawa mo." Napaidtad ako ng haplusin niya ang legs ko at halikan. Pilit kong nilalayo ang mga binti ko pero napatigil ako ng ipirmi niya ang mga binti ko. "You know what, after that night I can't stop thinking of you. Lalo na ng malaman ko ang totoo na pinagbubuntis mo ang anak natin." Napapikit ako ng hubarin niya ang boxer niya. Napalunok ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Open your eyes, honey." mariin niyang utos. Napadilat ako at hindi ako makatingin ng bumulaga sa akin ang tayo-tayo niyang pagkalalake. "See, ikaw ang rason kung bakit ako nakakaramdam ng ganito tuwing makikita palagi." "H-Hindi ikaw si Jace.. Galit ang totoong Jace sa akin." "Look at me." Napatingin ako sa kanya at malabo ang paningin ko kaya hindi ko alam kung tama ang nakikita ko o hindi. "I'm Jace." "B-Bakit nag-iiba ka? P-Pinalayas mo nga ako rito sa kwarto." Napatingin ako sa kamay niya ng gumapang sa hita ko. Hinawakan niya ang garter ng panty ko kaya sinubukan kong pumalag pero agad niyang nahatak pababa ang panty ko. "Stop this conversation." Mariin niyang pinagparte ang mga binti ko at napasinghap ako ng agad siyang sumubsob sa pagitan ng hita ko. Napapaliyad ako at napahalinghing ng mabilis ang mga labi niya sa paghalik sa p********e ko. Hindi ko alam ang gagawin sa kiliting dinudulot niya sa katawan ko. Napapikit ako at hindi ko mapigilan na mapaisip kahit nahihibang ako sa kakaibang sarap na dinudulot niya. Natatakot ako sa kinikilos niya. Parang kada nasa ganito siyang katauhan ay laging hangad niya ang katawan ko. Pero kapag nasa katauhan siya na isa ay sobrang sama naman ng ugali. Naguguluhan ako. Ano ba ang totoong siya? Bigla akong nanginig ng maramdaman ko ang pagpasok ng dila niya sa b****a ko. Mabibigat ang hininga ko na tinignan siya. Tumigil siya at paakyat na gumapang sa katawan ko habang hinahalikan ang bawat balat ko na madaanan ng labi niya. Tinaas niya ang suot kong bestida at napakuyom ako ng kamay ng hayok niyang isubo ang dibdib ko habang gigil ang mga kamay niya sa pagpisil rito. "Damn your boobs. It's big and I like it." aniya habang hayok na hayok sa pagsipsip at pagkagat sa dibdib ko habang para siyang nagmamasa ng tinapay. Napakapit ako sa unan habang ang mga daliri ko sa paa ay namumuluktot na sa sensasyong hatid ng paghalik niya sa dibdib ko. Nang tigilan nkya ang dibdib ko ay umakyat ang halik niya sa leeg ko hanggang sa likod ng tenga ko. Napalunok ako at napabuka ng bibig pero agad akong nalunod sa sarili kong hininga ng sakupin niya ang labi ko. Napaidtad ako ng idiin niya ang pagkalalake niya sa akin habang pinapadama sa pamamagitan ng mabagal niyang paggalaw ng katawan. Napapaungol ako sa kanyang bibig at napapaliyad ako sa kiliti. Hindi ko makontrol ang sarili ko at kusa kong nasasalubong ang bawat galaw niya. Napabitaw kami ng labi at napapikit ako ng unti-unti siyang pumapasok. Muli niya akong hinalikan at napaidtad ako ng isagad niya ng mariin ang pagpasok ng pagkalalake niya. Muli kong naramdaman ang tila abot sa aking matres na pagkalalake niya. Lalong namuluktot ang katawan ko at lahat ng parte ng katawan ko ng magsimula siyang umindayog. Muli niya akong hinalikan habang mabagal ngunit puno ng diin siyang bumabayo sa akin. Wala na akong ibang naiisip kundi ang ligayang dulot niya. Para bang mayroon kaming sariling mundo at hindi makaalis doon hangga't hindi namin parehong nararating ang nais naming marating. Habang tumatagal ay pabilis siya ng pabilis at lalo siyang nanggigigil sa pabayo sa akin. Napahalinghing ako ng pumasok ang dila niya sa bibig ko. Nangingilo ako at hindi ko alam ang pumapasok sa isip ko at sinalubong ko ang dila niya. Napadilat ako at nakita ko ang mga mata niyang nakapikit. Bumitaw ako ng halik kaya napadilat siya. Nakita ko ang pagngiti niya at tinukod niya ang mga kamay sa pagitan ng ulo ko habang nakatitig siya sa akin at patuloy sa pagbayo. "Akin ka lang. Ako lang ang nagmamay-ari sa iyo." Tinignan ko siya habang sinasabi iyon. Hinahanap ko ang Jace na matindi ang galit sa akin pero isang soft Jace ang nakikita ko. "S-Sana maalala mo ang lahat ng sinabi mo." "Of course I know what I'm saying." Muli niya akong hinalikan at napapikit ako na tumugon sa kanya. Lihim akong napangiti at hindi ko mapigilan na kumabog ang dibdib ko para sa kanya. "I'm coming, s**t!" bulalas niya ng magbitaw muli kami saglit ng labi. "A-Ako man.." hingal kong tugon. Nagkatinginan kami habang para kaming hinahabol sa paghinga. Muli niya akong hinalikan at napakapit ako sa unan habang ang mga binti ko ay yumakap sa baywang niya. Ilang sandali lang ay pareho kaming nanginig at napasinghap sa isa't-isa. Napasubsob siya sa leeg ko habang mabagal na gumagalaw na lang. Napapikit ako habang hingal na hingal. Para akong nanlata at hinihila ng antok. Nanlalata na dumilat ako ng medyo umangat ang katawan niya mula sa pagkakadagan sa akin. Nakita ko na tinignan niya ang makasugpo naming ari at ramdam ko ang nilabas ng pagkalalake niya sa loob ko. Pumikit na ako at hindi ko na nakayanan ang pagod at tuluyan na akong kinain ng antok. "f**k! s**t!" Nagising ako ng may malakas na hiyaw na siyang nagpagising sa akin. Kita ko si Jace na napapasabunot sa buhok niya habang nasa edge ng kama. Napatingin ako sa mga kamay ko at nakaposas pa rin ako. Nanakit na ang mga kamay ko sa tagal na nakaposas. "This is not true!" Napatingin muli ako sa kanya at naguguluhan ako na para siyang galit sa sarili. "J-Jace.." Lumingon siya at kita ko ang pagdilim ng mukha niya. "You. Seduce. Me." puno ng diin niyang bintang. "A-Ano?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at sinipa niya ang kama. "'Di ba sabi ko ay 'wag kang papasok ng kwarto ko? Bakit narito ka at nagising ako na nasa ibabaw mo?" "M-May nangyari sa atin muli, 'di ba? Hindi mo ba maalala?" Napapikit siya at napahilot sa noo niya. Naguguluhan ako sa kinikilos niya. Dumilat siya at tinignan ako. Pansin ko ang pagsuyod ng mata niya sa akin pababa sa katawan ko. "No.." Umiling siya at tumalikod. Nagpalakad-lakad siya habang kanina pa niya tila kinukumbinsi ang sarili habang napapailing. Lumapit siya sa gilid ng kama at nang makita niya ang susi ng posas ay kinuha niya iyon at inalis ang posas sa kamay ko. "Remember this: Stay away from me. You didn't know what I'm going to do if you let me to this again to you." "A-Anong ibig mong sabihin?" "Just leave this room, damn it!" Agad akong bumaba ng kama at pinulot ang mga saplot ko. Nilingon ko siya at nakatalikod siya. Naguguluhan ako sa kanya at para bang hindi rin niya alam ang ginagawa niya. Pagbalik sa guest room ay napasandal ako sa pinto at napatulala. Ako man ay gulong-gulo na. Para akong nahuhulog sa isang bangin na hindi ko alam kung alin ang kababagsakan ko. © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD