Dumilat ako at napatingin kay Hammer na pumasok na cool na cool. Tumingin ako sa orasan ko at napangisi dahil saktong-sakto ang ugok. "What's up?" "Let's start the role playing." Ngumisi sya at naupo sa sofa, "Call." Binaba ko ang mga paa ko at tumayo ako mula sa pagkakaupo.. "Ngayon ay may schedule sya sa first floor. Gusto kong makita ang reaksyon nya kapag nakita nya akong muli." "Okay, I'll start now. Just watch, Bro." aniya at tumayo na. Lumabas na sya kaya lumapit ako sa sofa at pabagsak na naupo. Kinuha ko ang remote ng t.v at binuhay ang t.v. Ngumisi ako ng makita ang hallway sa first floor. Naghintay ako at ilang saglit lang ay nakita ko si Nicole na tulak-tulak ang isang cart. Lalo akong napangisi ng makita si Hammer kasama pa ng board members. Hindi man lang nalaman ng bo

