Pakiramdam ko ay nakalutang ang kaluluwa ko at hindi maipaliwanag ang iba't-ibang emosyon na ngayon ay nagpapasikip ng damdamin ko. Masaya ako na malaman kong si Louis ay si Tiago. Pero ewan ko, sobra akong nasasaktan dahil pinagkaisahan ako ng dalawa para lamang umaktong hindi sila okay sa harap ko, sa harap ng impostor na tiago, sa harap nila Aling Lilibeth at Mang Kano, at sa harap ni Inspector June. Nakaupo ako sa sofa ng aming bahay ng makauwi kami mula sa hindi inaasahan na gabi ng buhay ko at nang pamilya ko. Tahimik si Jace, Louis, at ang tatlo na si Mirasol, Hercules, at Quinn habang pinapakiramdaman ako. Seryoso ako at iniipon ang sama ng loob ko, lalo na kay Jace. "Explain to me everything." ani ko sa mariing tono habang nakatingin sa kawalan. "Honey, I know it's all my fa

