KABANATA 5

4217 Words
Kabanata 5 SUMASAKIT na ang ulo ko dahil hindi ako makahanap ng trabaho. Ang dami kong inapplyang hotel pero kapag naririnig pa lang ang pangalan ko ay agad nila akong inaayawan. Kumagat ako ng mamon na tinapay habang narito ako sa isang coffee shop. Tumitingin rin ako sa dyaryo na hiring at kapag nakakita ay agad ko ring pinupuntahan. Kaso mauubos na ang baon kong pamasahe ay hindi pa ako nakakahanap ng trabaho. Ano bang nangyayari? Bakit inaayawan nila ako? May matinong experience naman ako. Oo, alam kong thirty-one na ako pero hindi man lang ba sila magkakaroon ng konsiderasyon na pagbigyan ako at subukan ang makakaya ko. Ni hindi man lang nila ako bigyan ng chance. Tapos hindi ko pa rin nasasabi kay Inay at kela Tiya ang nangyari sa pera ko. Binalikan ko ang bangko at tuluyan akong nanlumo ng makitang sarado na talaga ang bangko. Pakiramdam ko ay lahat ng paghihirap ko sa pagtatrabaho para maipon iyon ay nawala ng parang bula. Ngayon na buntis ako at umalis sa work ay hindi ko na alam ang gagawin sa buhay ko. Ayoko namang umasa kela Inay dahil ang kinikita nila sa pananahi ay sapat lang para sa bills namin at mayroon rin naman silang pangangailangan na kailangang bilhin din. Kay nakakahiya kung aasa ako sa kanila. Humigop ako ng shake na inorder ko pero tumunog ang straw hudyat na ubos na ang hinihigop ko. Napahilamos ako ng mukha at napadukdok sa lamesa dahil naghahalo na rin ang pagod, antok, at gutom ko. Kahit kumain na ako ng mamon ay nagugutom pa rin ako. Dati naman ay hindi ganito, pero siguro ay dahil sa dinadala ko. Napahinga ako ng malalim at niligpit ko na ang gamit ko. Lumabas ako ng coffee shop dahil mag dadalawang oras na rin akong nakatambay doon. Naglakad lang ako baka sakaling makahanap ng maapplyan. Nakakita ako ng bench na malilim dahil mayroon doong puno sa tabi. Lumapit ako at naupo. Napahinga ako ng malalim at kinuha ko ang pitaka ko sa bag. Pagbukas ko ay nakita ko na barya na lang ang laman. Nanghihina ako sa kawalan ng pag-asa na makahanap ng trabaho. Natulala ako na nakatingin sa kawalan. Wala akong mahingan ng tulong. Si Beth ay tumatawag sa akin pero minsan ay hindi ko na siya sinasagot dahil panay ang tanong niya kung bakit ako nag-resign. Hindi ko naman alam ang idadahilan ko dahil ayokong sabihin na dahil kay Sir Jace kaya umalis ako doon. Lalo rin siyang magtataka kung bakit ako naghahanap ng trabaho. Sasabihin lang no'n ay nag-resign pa ako tapos maghahanap rin pala ako ng work. Isasara ko sana ang pitaka ko pero napatigil ako ng makita ang isang calling card. Galing ito kay Sir Jam. Umiling ako at natawa sa sarili. Never. Never akong manghihingi ng tulong sa kanila. Lalo na sa anak nilang demonyo. Tumayo ako at sinilid sa bag ko ang pitaka. Hapon na rin lang at naisip ko na umuwi na dahil nalilipasan na ako ng tamang pagkain. Puro tinapay ang kinakain ko na hindi naman healthy rin. Pagdating ko sa bahay ay pinagmasdan ko ang bahay namin. Pakiramdam ko ay may bumabalot na lungkot rito. Pumasok ako sa bahay at pagpasok ko ay napahinto ako ng makitang nakaupo sa sofa sila Tiya at Inay. Mga lugmok na lugmok ang itsura nila at para silang namatayan. "Inay? Bakit parang nalugi po kayo?" "Nalugi nga kami, Anak." Napakuno't noo ako at pumunta sa harap nila. "Ano pong ibig n'yong sabihin?" Tumingin sa akin si Inay at napabuntong-hininga ito, maging sila Tiya. Ngayon ko lamang nakita sa mukha nila ang lungkot. At hindi ko maunawaan kung bakit? "Nagsara ang dinadalahan namin ng tahian. At dahil doon ay nawalan na rin kami ng supply ng tela at pinagkukuhanan ng hanapbuhay. Kaya hindi na namin alam kung saan kami makakakuha ng bodega ng tahian na mapagkakakitaan namin. Iyon lang ang hanap-buhay namin tapos ay nagsara pa." Napamaang ako at hindi makapagsalita. Hindi ako makapaniwala na kung bakit kami tila minamalas ngayon. "Hindi pa tayo nakakabayad ng bills ngayong buwan dahil naipangbayad ko sa karpintero at pagpapagawa nitong makina ko. Akala ko kasi ay makakasahod pa sa isang linggo, pero bigla-bigla namang nagsara ang tahian." sabi ni Tiya Rosas. "P-Po?" "Pasensya na, Nicnic, pero puwede bang makahiram muna ng pera sa iyo? Mapuputulan tayo ng kuryente dahil due date na." sabi ni Tiya Rosalinda. Hindi ko naman alam ang sasabihin sa kanila na wala na rin akong pera. "O-Opo. Sige po, Tiya Rosalinda. Pupunta po ako ng Jara ngayon at kukunin ko po ang huli kong sahod." Aalis na sana ako ng magsalita si Inay. "Bakit pupunta ka pa sa dati mong pinagtatrabahuan? Wala ka bang naipon? 'Di ba sabi mo ngayon ka magwi-wiithdraw." Hindi naman ako makatingin ng maayos kay Inay at bigla akong kinabahan sa kung ano ang dapat kong idahilan. "A-Ah, pangdagdag din po iyong kukunin ko sa Jara sa pangangailangan po natin habang hindi pa po kayo nakakahanap ng bagong tela n'yo.. At hindi ko po kasi ma-withdraw ngayon ang pera ko dahil holiday ang bangko kaya po day-off lahat ng staff." "Holiday? Hamak na araw ngayon at wala namang holiday sa araw na ito at susunod pa." ani ni Tiya Rosas. Napahigpit ang hawak ko sa bag at para ng sasabog ang puso ko sa kaba ng tignan ako ni Tiya Rosas na tila ba inaalam ang tinatago ko. "'Y-Yun po k-kasi ang sabi ng guard.. S-Sige po, pasok lang po muna ako sa kwarto." Hindi ko na sila hinintay na makapagsalita at agad akong tumalikod sa kanila at tinungo ang kwarto ko. Pagpasok ko ay napahawak ako sa dibdib ko at napabuga ng hangin. Napasadsad ako sa pinto sa panghihina dahil dumagdag sa iniisip ko ang lahat ng bayarin at kawalan ng hanapbuhay nila Inay. Ano nang gagawin ko? Sa akin ngayon umaasa sila Inay dahil ang buong akala nila ay may pera pa ako. Napatakip ako ng mukha at panay ang buntong-hininga ko. Paano na? Habang nasa ganoong pag-iisip ay may bigla naman akong naalala. Napatingin ako sa bag ko at agad na binuksan iyon at kinuha ang pitaka ko. Sa loob no'n ay ang business card ni Sir Jam. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Ayoko na patulan ito dahil hindi ko gustong pakasalan si Sir Jace demonyo. At ayokong maakit sa card nito na tila ba nagsasabi na ito ang makakaresolba ng problema ko. No.. Stop that thought, Nicole. Hindi ka magpapadala sa pang-aakit ng card. Hindi. Tumayo ako at hindi ako mapakali na napalakad-parito. Hawak ko ang card habang tinignan ito.. Napakaganda ng business card at tila ba may salapi doon na nakakaakit. Napahinto ako ng may naisip. Paano kung maganda ang deal na gusto niyang pag-usapan namin? With benefits pa iyon. Susubukan ko lang naman para malaman at makapagdesisyon. Wala namang pagkakasala doon dahil aalamin ko lang kung anong deal ang nais ni Sir Jam. Nang makapagdesisyon na talaga ako ay tinignan ko ang address na nakalagay. Malapit lang ito kaya makakapunta pa ako. Kinuha ko ang bag ko at muli akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko na nandoon pa rin sila Inay at napatingin sa akin. "Inay, Mga Tita, aalis lang po ako sandali!" sigaw ko at nagmadali sa pagbaba ng hagdan. "Saan ka pupunta, Anak?!" hiyaw ni Inay. "D'yan lang po! Kukuha ng pera!" Nang makalabas ng gate ay pumara ako ng jeep. Napalunok ako at napatingin muli sa business card na mariin kong hawak. Kumakabog man ang dibdib ko sa kaba pero tinatagan ko ang loob ko. Para sa pamilya ko at para sa magiging anak ko. Ilang minuto ang biniyahe ko bago ako nakarating sa lugar na pupuntahan ko. Bumaba ako ng jeep at nilibot ko ang tingin habang hinahanap ang Esteban Agency. Lumakad ako at napatingin ako sa isang sign board kung saan may daan na sementado. Nakalagay ay private property. Wala naman akong makitang Esteban Agency sa pinagbabaan ko. Tumingin ako sa paligid at nang wala masyadong tao sa paligid ay sinubukan kong tahakin ang daan kung saan nakalagay ay private property. Malayo-layo rin ang nilakad ko ng makakita ako ng isang malapad at up and down building. Napangiti ako dahil nakita ko na ito na pala ang Esteban Agency. Nakatago pala at very private ang lugar. Naglakad ako palapit sa pinaka entrance. Tumingin ako sa gate at nabigla ako ng makita na gumalaw ang isang cctv. "Come in." Nagulat din ako ng may nagsalita. Napaatras ako ng biglang bumukas ang gate na bakal. Namamangha man ako ay humakbang ako papasok. Napatingin naman ako sa isang lalake na lumabas habang all black ang suot. Naka slacks na itim, polo na itim, habang may tila siya suksukan ng baril ng pulis na nakakabit sa katawan niya at may kasamang baril. "Boss Jam is waiting for you.. This way, Miss." Napatango lang ako dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Sumunod ako rito na nauna sa akin na maglakad. Tumitingin ako sa paligid habang naglalakad kami papasok ng bumukas ang automatic glass door. Pagpasok ko ay agad na bumungad ang tila opisina na puro computer ang iba. Para akong nasa lugar ng agent. Napasilip ako sa baba dahil napansin ko na mayroon pala itong underground floor. Narito na kasi kami sa first floor na pinasukan ko, pero hindi ko akalain na hindi lang two floors itong building dahil mayroon ding underground floors. Namamangha ako dahil napaka moderno ng bawat gamit at materyales sa building na ito. Huminto ang lalake sa pinto na brown kaya napahinto rin ako at naguguluhan na tumingin sa lalake. "Hindi na kita masasamahan sa loob, Miss. Pumasok ka na at nasa loob si Boss." "Huh? Pero bakit?" "Tanging mga Esteban lang ang maaaring pumasok." Napatango naman ako. Pero naisip ko na hindi naman ako Esteban para papasukin. Pero syempre baka espesyal dahil ang dinadala ko ay isang dugong Esteban. Napailing ako sa pinag-iisip ko. Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tumingin ako sa loob. Nagulat pa ako ng makitang nakatingin si Sir Jam tila hinihintay talaga ang pagpasok ko. Naka cross legs ang mga binti niya habang nakaupo at nakasiklop ang mga kamay at nakapatong ang mga siko sa arm rest ng recliner na kinauupuan niya. "Come in." Nahihiyang pumasok ako ng tuluyan at sinara ang pinto ng maingat. Inayos ko pa muna ang salamin ko sa mata at suot kong blouse bago lumakad palapit sa kanya. "Magandang hapon po.." bati ko. "Have a seat." Tumango ako at lumapit sa sofa.. Nang makaupo ako ay napatingin ako sa kanya ng tumayo siya mula sa pagkakaupo sa recliner. "Hindi ka naman siguro magpupunta rito ng walang rason?" panimula niya at hinawi niya ang suot na coat bago siya naupo sa isang sofa na kaharap ko. Muli siyang nag-cross legs at humalukipkip ang mga braso niya habang seryosong nakatingin sa akin. Napalunok ako at napakutkot ang kamay ko sa tela ng palda ko. "A-Ah, S-Sir, itatanong ko lang po kung ano po yung deal na sinabi n'yo po sa akin." Nakita ko na umangat ang sulok ng labi niya at tila ba inaasahan na niya na iyon ang pakay ko. "Oh, wait.." pumitik suya ng daliri at napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon. Nakita ko ang lalakeng na nagdala sa akin rito. Yumuko siya kay Sir Jam. "Boss, here's the papers." ani nito. "Give that to her." utos ni Sir Jam. Inilahad sa akin ng lalake kaya nag-alangan akong kunin. Medyo yumuko ako upang pasalamatan ito. Agad na rin itong nagpaalam at umalis. Nang kami na lang muli ang natira ni Sir Jam ay napatingin ako rito habang hindi ko alam ang gagawin sa mga papeles. "Tignan mo ang agreement. Kapag pumapayag ka d'yan ay pirmahan mo." Tinignan ko ang papeles at nilipat ko sa next page. Binasa ko ang mga nakasaad at hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. "Marry my son, that's my deal to you. He's crazy in love to his girlfriend and I don't want his life to be in danger." "B-But Sir, I-I can't. Hindi ko po siya mahal para pakasalanan." "It's okay. Nakasaad sa magiging agreement natin na isang taon lang. That's it. Puwede na natin ipa-annulment ang marriage n'yo kung sakali.." Hindi ako makapag-isip at hindi ko alam ang sasabihin. "Twenty million ang ibibigay ko sa pamilya mo at ako na ang bahala sa lahat ng kailangan ng apo ko hanggang sa siya'y tumanda. Hindi ko siya kukunin sa iyo pero gusto ko na hindi mo aalisan ng karapatan ang anak ko sa magiging anak n'yo." Napatingin muli ako sa papeles at napatingin ako kay Sir ng ilapag niya sa table sa harap ko ang ballpen. Napahinga ako ng malalim at napapikit. Walang-wala kami. At inaamin ko na napakalaki ng halaga ang ibibigay niya sa pamilya ko. At sagot din niya ang lahat ng gagastusin ng magiging anak ko. Sa katunayan ay tila ako nakahinga ng maluwag doon dahil hindi ako mag-aalala sa kinabukasan ng anak ko. "P-Pero alam po ba ng anak n'yo kung sakali po na magpapakasal po kami? Hindi po ba parang masakit po sa part ng anak n'yo dahil ipipilit n'yo po siya sa ganitong klaseng set-up na hindi naman po niya ako mahal para pakasalanan. At mahal na mahal po tiyak niya ang nobya niya. At para sa akin ay napakasakit no'n." "I understand what you feel.. But I can handle my son. Walang problema doon. Basta ang nais ko ay kaligtasaan ng anak ko at ikabubuti niya." Tumingin siya sa papel at tumingin muli sa akin. "Before you sign, read my conditions first." Tumingin ako sa papel at nilipat sa next page. Binasa ko ang nakasaad na kondisyon. Una, oras na makasal kami ni Sir Jace ay dapat raw sa iisang bahay na kami titira ni Sir Jace. Pangalawa, dapat ko raw pagsilbihan si Sir Jace bilang asawa talaga at pakikisamahan ng maayos. Pangatlo, walang ibang dapat na makaalam sa agreement namin kundi kaming dalawa lang. Pang-apat, babaguhin si Sir Jace at kailangan na mapaibig ko ito upang hindi na masira ang kasal namin bago ang isang taon. Pang-lima, oras na hindi ko gampanan ang lahat ng nakasaad ay kukunin sa akin ang magiging anak ko at hindi ko na makikita pa. "T-Teka po, Sir, bakit parang lahat po ay pabor kay Sir Jace? Paano naman po kung hindi talaga mag-work? At paano po kung hindi ko naman kaya na paibigin siya? Parang hindi naman po tama na kukunin n'yo sa akin ang anak ko." Nakita ko na ngumisi siya kaya masama ang kutob ko doon. Wala akong masyadong alam sa mga Esteban dahil ang alam ko lang ay sobrang yaman nila. "Dahil kapag hindi mo nagawa iyon ay maaaring ikaw, ang pamilya mo, at ang magiging anak n'yo ni Jace ang mapahamak sa bandang huli. You know Esteban is a big threat to others. Those are can kill one of my child or family but I don't let that happen. So, you need to make him love you. At kapag nangyari iyon ay malaya kang putulin ang kasal n'yo after one year." Hindi naman ako makapaniwala na aabot sa ganoong punto na gagawin ng kaaway nilang iyon. Na talagang kaya nilang pumatay. "P-Pero bakit kailangan n'yo pong ilayo si Sir Jace sa girlfriend niya?" Nakita ko na ngumisi ulit siya. "You are more curious than I thought. Are you interested now to my son?" Hindi ako makahuma sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay namula ako. "A-Ah, hindi po.. Bakit naman po ako magkakagusto sa jerk n'yong anak?" Binulong ko lang ang huli dahil baka kung ano pa ang gawin nito sa akin. "So, are we clear now? Do you understand my reason?" Napatingin ako muli rito. Kahit na hindi malinaw ang hangarin niya kung bakit kailangan pang ilayo ang anak niya kay Miss Guiliana ay alam ko na baka totoo ang sinabi niya na mapapahamak ako, ang magiging anak ko, o ang pamilya ko oras na hindi ko tanggapin ito. Pero ang hirap nito dahil alam ko na malabo na mapaibig ko si Sir Jace. Kaso nakasalalay rito ang lahat. Kung hindi ko tatanggapin ay saan ako kukuha agad ng pera na pang bayad sa mga bills. At tiyak na hindi naman ako makakakuha agad ng work dahil mas priority ngayon ay mga new graduates o mga bata sa akin na may experience din. Kung mag-a-abroad ako ay hindi ako hahayaan nila Tiya. At mas lalong ayokong mag abroad lalo't magkakaanak na ako. Ayokong malayo rito. Mahigpit na hinawakan ko ang ballpen at pumikit ako. Huminga ako ng malalim at muling dumilat. Kusa nang gumalaw ang kamay ko at pinirmahan ang kasunduan namin. Nang mapirmahan ko ay tumingin ako kay Sir. Ngumiti siya na naglahad ng kamay kaya inabot ko sa kanya ang papeles. "Good decision. I'll make sure that you don't regret this." Tumayo ako ng tumayo sya. Naglahad sya ng kamay kaya nakipagkamay ako. Matapos ang paghaharap at pagkakaintindihan ay umalis na ako ng building ni Sir Jam. Habang naglalakad pauwi ay dala-dala ng isip ko ang ginawa kong desisyon. Nangangamba man ako na makasama si Sir Jace sa buhay ay wala naman akong choice kundi ang tanggapin iyon dahil ginagawa ko lang ito para pamilya ko at mahal ko. Kaya siguro naman ay hindi ako magsisisi. Pag-uwi sa bahay ay nanlalata na umakyat ako ng hagdan. Pero napahinto ako ng makita na masayang-masaya sila Tiya at Inay. Nakita nila ako kaya napangiti sila "Nicnic, mabuti't narito ka na.. May nagpunta rito at binagsakan kami ng tela. Gumawa daw kami ng mga damit at bibilhin daw nila ang mga magagawa namin para dalhin sa merkado. May pagkakakitaan na muli kami." Napabuka-sara ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwala. Isa lang ang naiisip ko na nagbigay kela Tiya ng pagkakakitaan at si Sir Jam iyon. "Hindi ko alam kung anong swerte ito at ang mga tela pa ay libre na binigay at walang bayad. Kaya halos tiba-tiba tayo dahil wala tayong gagastusin sa puhunan, magkakapera pa tayo ng double dahil ang gaganda ng tela at tila mga imported." masayang-masayang bulalas ni Inay. Wala pang halos dalawang oras mula ng mag-usap kami ni Sir Jam. Tapos ngayon ay agad-agad na binagsakan ng tela sila Tiya. "At kapag naubos daw ang tela ay agad ding babagsakan muli tayo ng tela." sabi ni Tiya Rosas. "Kanino po ba galing ang lahat ng iyon?" tanong ko kahit alam ko kung kanino. "Hindi sinabi ang pangalan. Basta mayroong nagpunta rito na naka formal na lalake at pinakita niya na lehitimo ang intensyon niya at walang halong panloloko. Heto nga't binigay kami ng paunang bayad." Nilabas ni Tiya Rosalinda ang sobre at napamaang ako ng ilabas ni Tiya ang laman no'n na bugkos ng makapal na isang libo. Para akong nalulula. Lahat ng ito ay dahil sa naging desisyon ko. Pero nakaramdam ako ng saya ng makita na tuwang-tuwa ang mga Tita ko at si Inay dahil paulit-ulit nilang sinasabi na isang napakalaking blessing ang dumating. Pumasok ako ng room ko at nahiga sa kama ko. Ngayon ako nakaramdam ng pagod pero sobrang gaan ng loob ko dahil nawala ang lahat ng problemang iniisip ko. Pero mayroong ako isang problema. Paano ko sasabihin kela Tiya na magpapakasal ako kay Sir Jace? Tiyak na hindi sila papayag. Napaupo ako at napahilot ng noo ko. Nawala nga ang problema ko sa financial pero ang problemang pansarili naman ang problema ko ngayon. Nahiga muli ako at naisip na itulog na lang muna ito. Baka sa paggising ko ay magkaroon na ako ng lakas ng loob na magsabi. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog pero nagising lang ako ng makarinig ng galabog ng pinto. Inaantok na bumangon ako ng higa at nagkusot ng mata. "Nicnic! Lumabas ka nga riyan at may bisita ka!" si Tiya Rosas. Kinuha ko ang salamin ko sa side table at napabuntong-hininga ako na bumaba ng kama. Sino naman kaya ang bisita ko? Inayos ko pa muna ang sarili ko at nanlalata na lumabas ako ng kwarto. Tinungo ko ang sala pero napahinto ako at nagulat sa bumungad sa akin. "Magandang gabi, Hija." bati ni Ma'am Hera. Napatingin ako kay Sir Jam na tumango sa akin. Napamaang ako na napatingin sa katabi nilang mag-asawa. Dalawang kamukhang-kamukha ni Sir Jace. Tinignan ako ng mga ito at parehong napangisi ang mga ito kaya napalunok ako sa kaba. Napatingin ako sa katabi ng dalawa at napamaang muli ako ng makita ang dalawang magkamukha ring magagandang dalaga. Ngumiti ang isa at ang isa ay ngumisi sa akin. Ang ganda nila. At cute tignan. Napatingin naman ako sa katabi ng dalawang babae at mas lalo akong nagulat ng makita ko si Nana. "Nicole!" ani nito. Napangiti ako at hindi makapaniwala na narito si Nana. At isa lang ang ibig sabihin nito. Ang Kuya na sinasabi niyang nagtatrabaho sa Jara ay si Sir Jace! Napatingin naman ako sa katabi ni Nana at isang batang lalake na maliit pa. At tila natutulog habang nakasandal kay Nana. "Wala rito ang bunso naming anak kaya sila lang ang nasama ko." sabi ni Mam Hera. "B-Bakit po narito kayong lahat?" "'Yun ang nais namin itanong sa iyo, Anak? Bakit sabi ng mag-asawa na ito ay mamamanhikan daw sila? Anong ibig sabihin no'n?" Napalunok ako at kumabog ang dibdib ko sa kaba. Tumingin ako kay Sir Jam at tinignan ako nito na tila sinasabi sa akin ang mga pinag-usapan namin kanina. Bago pa ako makapagsalita ay nakarinig kami ng nagwawalang sigaw. "f**k! Let me go or else I will kill you!" Nakita ko na hawak ng dalawang lalake si Sir Jace at sapilitan na pinasok sa bahay. Napatingin sa amin si Sir Jace at napatiim-bagang ito. "Dad, Mom, what's the meaning of this?" galit niyang tanong. "Sit here, Son. 'Wag kang magwala at nakakahiya sa pamilya nila Nicole." "f**k! I don't care." hinawi nito ang dalawang tila bodyguard at tumingin sa akin si Sir Jace kaya napababa ako ng tingin. "Ano ba talaga ang nangyayari? Pumasok kayo ng bahay namin na walang paalam at para pa kayong mga hari na hindi man lang nahiyang naupo." pagsusungit ni Tiya Rosas. "Misis Lacubtan.." panimula ni Sir Jam. "Hindi ako misis. Miss pa lang, okay?" pagsusungit muli ni Tiya. "Okay. Miss Lacubtan, narito kami dahil pumapayag na ang pamangkin 'nyo na magpakasal rito sa anak ko. At gusto kong pag-usapan ang kasal nila." "W-What? Don't kidding me, Dad." bulalas ni Sir Jace. "Shut up, Son." tinignan ni Sir Jam si Sir Jace at natahimik naman si Sir Jace tila nasindak sa Dad niya. "Kami ba ay pinagloloko n'yo? Hindi namin hahayaan na makasal ang pamangkin namin sa anak n'yo. Kaya makakaalis na kayo." "Tiya.." Hinawakan ko ang braso ni Tiya Rosas para patigilin. "Sabihin mo sa kanila na hindi mo pakakasalan ang anak nila, Nicnic." Napayuko ako sa sinabi ni Tiya Rosalinda. Hindi ko alam ang sasabihin dahil naiipit ako. "Actually pumayag na siya na pakasalan ang anak ko. Right, Nicole?" Tumingin ako kay Sir Jam at napapikit ako habang pisil-pisil ko ang kamay ko. "Totoo ba iyon, Anak?" tanong ni Inay kaya napadilat ako at napatingin rito. Dahan-dahan akong tumango kaya napasinghap sila Tiya. "Tsk. Yeah right. She's agree but I'm not. This is a joke." sabi ni Sir Jace kaya napatingin ako rito. Masama itong nakatingin sa akin kaya natigalgal ako sa kaba. "Son, stop it. Magpapakasal ka sa kanya at naihanda ko na ang petsa ng kasal n'yo kaya hindi ka puwedeng tumanggi." "Bakit? Dahil inofferan n'yo ang babaeng ito ng pera kaya pumayag? Ganoon?" tumingin sa akin si Sir Jace at lumapit, "Magkano ang binayad ni Dad para pumayag ka sa ganito?" Napayuko ako at hindi makatingin sa kanya dahil nakakaba ang tingin niyang hindi ko maipaliwanag. Napasinghap ako ng haklitin niya ang braso ko at mahigpit na hinawakan. "Answer me!" "Hoy! Sino ka para pagsabihan ng ganyan ang pamangkin namin? Bitawan mo nga siya." sita ni Tiya Rosas. "Hindi ako magpapakasal at walang makakapilit nito." Pagkatapos sabihin ni Sir Jace iyon ay malakas na binitawan niya ang braso ko at tumalikod na ito paalis. Napapikit akong muli at tila ako nakahinga ng maluwag ng makalayo ito. "Pasensya na sa inasal ng anak ko. Pero isaalang-alang n'yo na lang ang magiging apo natin, Miss Rosas Lacubtan. Lahat naman tayo ay kailangan natin na gawin ito para sa bata." Hindi nakasagot doon sila Tiya. Napadilat ako at napapisil ako ng mariin sa daliri ko. "Mga Tita, Inay, napagdesisyon na po ako at kailangan ko po itong gawin." Hindi makapaniwala na tumingin sa akin sila Tita at Inay. Napailing sila. "Kung nakapagdesisyon ka na pala ay ano pa ang karapatan namin na tumutol sa desisyon mo. Tutal ay hindi ka nakikinig at gumawa ka ng sarili mong desisyon, sige, bahala ka na.." Nangilid ang luha ko at pipigilan ko sana si Inay para magpaliwanag ngunit tinalikuran na kami nito. Napatingin ako kela Tiya at kita ko na hindi rin sila sang-ayon. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil tila nagalit si Inay at ganoon na rin sila Tiya. Pero masama bang gawin ko ito para sa kanila rin? Mali ba na nagdesisyon ako para sa pangangailangan rin namin. Hindi na lang ito para sa akin. Kundi para sa kanila at sa magiging anak ko. © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD