HINDI MAWAGLIT SA isip ko ang halik ni Sir Jace. Mula ng halikan niya ako sa elevator ay hindi na ito pumasok. Nalaman ko kay Sir Louie na nagbakasyon ito sa state upang puntahan si Ms. Giuliana.
It's been three weeks when the one night stand happen. At mayroon na akong kakaibang nararamdaman na hindi ko naman dating nararamdaman.
Kaya naman dahil day-off ko ngayon ay naisipan kong pumunta sa drug store para bumili ng pregnancy test. Nag-research ako about sa sintomas na nararamdaman ko at puro sa pagdadalang tao ang maaaring dahilan.
Nakayuko ako habang tinatakpan ang mukha ko. Narito na ako sa tapat ng pregnancy test pero nag-aalanganin ako dahil may mga tao rin sa paligid na makakakita.
Napakagat ako ng labi dahil nagmamatyag din ang guard. Umalis muna ako sa tapat ng pregnancy test at tinignan kung mayroon akong kailangan na ibang bilhin pa rito. Tumingin muli ako sa tapat ng pregnancy test at nang wala ng nakatapat doon ay nagmadali akong lumapit. Hindi ko na alam kung anong brand ang dinukot ko, basta kumuha ako ng mga tatlo para sure.
Agad akong nagmadaling lumapit sa cashier pero may nauna kaya hindi ako mapakali dahil baka may sumunod sa akin at makita ang bitbit ko. Pero wala na akong choice dahil kailangan ko talaga.
Nang ako na ang magbabayad ay agad kong nilapag ang tatlong pregnancy test maging ang iba na sinabay ko na ng bili. Napatingin sa akin ang cashier kaya medyo umiwas ako ng tingin.
Bilis, Ate, kwentahin mo na at i-plastick.
"850.50."
Pagkabanggit pa lang sa presyo ng nabili ko ay agad akong naglapag ng isang libo. Inunahan ko na rin siyang mag plastick na kinanganga niya.
"Sukli ko, Miss."
Inabot nito ang sukli ko kaya napahinga ako ng malalim at kinuha sa kanya ang sukli. Dali-dali na akong lumabas ng drug store kahit pinagtitinginan na ako ng cashier at guard sa pagkataranta ko.
Napabuga ako ng hangin dahil sobra akong nakahinga ng maluwag ng makalabas ako. Napakahirap pala bumili ng pregnancy test kung masyado kang nahihiya para doon.
Naghanap ako ng public comfort room at napahinga muna ako ng malalim. Kumuha ako ng isang pregnancy test at pinagmasdan ito. Tinignan ko ang instruksyon na nakalagay at nang maunawaan ko ay sinubukan ko na.
Ginawa ko ang procedure at kailangan kong umihi para malaman. Nang matapos ako ay tinignan ko ang pregnancy test. Nabasa ko rin na kailangan hintayin ng ilang minuto para tumalab.
Pumikit at nagdasal ako na sana ay mayroon na ngang lamang ang tiyan ko. Ayokong ma-disappoint dahil talagang umaasa ako na buntis na ako. Kinakabahan na unti-unti akong dumilat at sa pagdilat ko ay tinignan ko ang pregnancy test.
Nanlaki ang mata ko at unti-unti akong napamaang. Nang makita na dalawang linyang pula ay napasigaw ako sa tuwa.
"Buntis ako! Buntis na ako!"
Walang mapaglagyan ang saya ko dahil natupad na rin ang hiling ko. Lumabas ako ng cubicle pero nagulat ako ng may flash ng camera na sumalubong sa akin. Nagtataka na napatingin ako sa isang babae na may hawak na cellphone. Tila isa siyang estudyante base sa uniform niya.
"Totoo ba narinig ko na buntis ka, Miss? Bakit dito ka sa public comfort room nagte-test? Lihim ba 'yang pagbubuntis mo?"
Sa dami ng tanong ng babae ay nalito ako at ayokong sagutin ang tanong niya dahil baka kumalat pa ang video nillya. Kaya dali-dali ko siyang iniwasan.
"Miss! Miss! Sagutin mo ako! Sikat ako sa f*******:! Sisikat ka!"
Dahil panay ang lingon ko sa kanya ay hindi ko napansin na mababangga na ako sa isang babae kaya nabitawan ko ang hawak kong pregnancy test.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo."
"Sorry.."
Inis na pumasok ang babae sa banyo. Kaya napabuga ako ng hangin at pupulutin ko sana ang pregnancy test ko pero pagtingin ko ay wala na. Napatingin ako sa babae at nanlaki ang mga mata ko ng makitang hawak iyon ng babae at vinideohan na.
"Confirm nga, guys! Buntis ang babaeng ito at dito niya sa pampublikong palikuran ginagawa ang test. Sa palagay ko ay hindi siya pinanagutan ng lalakeng nakabuntis sa kanya kaya nililihim niya ito."
Agad na lumapit sa akin ang babaeng estudyante at kinausap na ako habang ako ay napanganga na lang sa siniwalat niya.
"L-Live ba 'to?" tanong ko habang namumutla ako.
"Oo, Miss.. Kaya, pagkakataon mo na ito na manawagan sa lalakeng nakabuntis sa iyo. Grabe talaga, hindi ka man lang pinanagutan."
Inagaw ko sa babae ang pregnancy test ko at nakayuko na nagmadali ko siyang tinalikuran. Tinatawag niya ako at hinabol kaya nagmadali ako sa paglabas. Binilisan ko ang paglayo sa lugar na iyon at napadpad na ako rito sa park.
Hingal na hingal na napahawak ako sa dibdib ko. Tumingin pa ako sa paligid dahil baka nasundan ako no'n.
Lumunok ako at hingal na hingal na tinignan ang pregnancy test. Napangiti ako at napahawak sa tiyan ko.
Sa wakas, ang pinakahihintay ko sa lahat. Ang kahilingan ko ay natupad na rin. Hindi na ako mangangamba na sa pagdating ng panahon ay walang maiiwan sa akin. Ngayon ay mayroon na. Poprotektahan at aalagaan ko ito na sobra pa sa buhay ko.
Nang makapagpahinga ay umalis na ako sa park at sumakay ng tricycle para umuwi na. Pagdating sa tapat ng bahay namin ay nagtataka ako kung bakit nakatanghod ang mga kapitbahay namin sa harap ng bahay namin.
Nagbayad ako sa tricycle driver at bumaba. Lumapit ako sa mga kapitbahay namin. Napatingin na sila sa akin at nanlaki ang mga mata ko ng ako na ang pagkumpulan nila.
"Nicole, congratulations!"
"Sinong ama n'yan?"
"Hindi ka ba talaga pinanagutan?"
"Sabagay, baka sa adik ka lang nagpabuntis, dahil wala namang papatol sa iyo na matino."
Tila nagpanting ang tainga ko sa sinabi ni Cheche na anak ng chismosa sa lugar namin.
Pagsasalitaan ko sana ito pero napatingin ako ng bumukas ang gate. Napalunok ako sa bumabalot na kakaibang puwersa kela Tita at Inay.
"Magsilayas kayo mga chismosa at chismoso!"
"Tsupi!"
Hinatak ako ni Inay habang sila Tiya ay pinapalayas ang mga kapitbahay. Naupo ako sa sofa namin ng makapasok na kaming lahat. Nakahalukipkip na nakaupo sa harap ko sila Tita habang napapagitnaan nila si Inay.
Napalunok ako at napapisil sa kamay ko.
Bakit ganito reaksyon nila? Nakakaba.
"M-Magpapaliwanag po ako, Inay, T-Tita.."
"Stop!!!" pigil ni Tita Rosas na napatayo pa. Nakatingala at nakapikit pa ito habang naka spread ang mga kamay na nakakuyom.
Napanganga ako sa ginawa nito. Napatingin naman ako kay Tita Rosalinda na napaluhod habang nakapikit din at ang mga kamay ay nakadaop palad.
Napatingin naman ako kay Tita Mary at Nanay na naghawakan ng kamay habang nangingilid ang kanilang luha.
Hindi ko alam ang gagawin dahil tila nasaktan ko sila. Tumayo ako at nagdaop palad ang mga kamay ko sa tapat ng noo ko bago pumikit.
"I'm sorry po, Mga Tita, Inay. H-Hindi ko po gustong ilihim sa inyo ito. Patawad po kung galit kayo sa sitwasyon ko ngayon."
Hinintay ko ang reaksyon nila kaya unti-unti akong dumilat.
"Yes! Buntis na siya! Magkakapamangkin na tayo!" sigaw ni Tita Rosalinda na napapatalon sa tuwa.
"We're so proud of you, NicNic!" tuwang-tuwang sabi naman nila Inay at Tita Mary na tuloy-tuloy na napaluha.
"Oh Diyos ko, salamat sa biyayang ito. Inalis n'yo ang sumpa sa pamilyang ito. Kami ay inyong biniyayaan kaya lubos ang aming pasasalamat. Oh, aleluya!" dasal ni Tita Rosas.
Napangiti na lang ako at agad na yumakap ako kela Inay at Tita Mary ng yakapin nila ako.
"Dahil ito na ang biyaya sa ating pamilya, magdiwang tayo!" sigaw ni Tita Rosalinda at nagyakapan na kaming lahat.
Hindi ko mapigilan ang saya ko dahil talagang suportado nila ako ngayon. At dahil kilala ko ang mga Tita ko kaya ngayon ay mayroon na agad pagkaing nakahanda na bago pa lang ako dumating at pagkapanood pa lang daw nila sa f*******: ng video ko na buntis ako ay agad silang umorder ng pagkain.
Maraming nag-text at tumawag sa aking mga katrabaho ko at kaibigan. At isa na doon si Beth na nagtatampo sa akin.
(Kainis ka! Dapat nagpasama ka sa akin na bumili ng pregnancy test.)
Naupo ako sa kama ko at kinuha ang unan upang ipatong sa kandungan ko.
"Hindi pa naman kasi ako sigurado ng oras na iyon, Beth, kaya sinarili ko na lang muna. Saka hindi ko pa naman sure kung talagang buntis ako, nakakaramdam kasi ako ng pagsusuka at ilan pang sintomas ng pagbubuntis."
(Oo na, hindi na ako magtatampo... Ano kaya reaksyon ng nakabuntis sa iyo? Paano kung siya ay nakilala ang mukha mo at napanood niya ang video?)
Napalunok ako at nakaramdam ng kaba. Pero umiling ako.
"Hindi niya ako nakilala, Bes, kaya hindi niya papansin iyong lumalabas sa social media."
(At bakit mo nasabi na hindi ka niya nakilala? Bakit, nakita at nakilala mo ba ang nakabuntis sa iyo?)
Napabuka-sara ang bibig ko at napatampal ako ng noo dahil nasabi ko pala iyon. Si Beth pa naman ay malakas ang radar.
"Hindi... I mean, Bes, kung nakilala niya ako, edi sana ay pinuntahan ako no'n o 'di kaya pinahanap, 'di ba?" palusot ko na sana ay makalusot.
(Okay, akala ko ay nililihim mo sa akin na nakita mo talaga ang itsura ng guy ng nakabuntis sa iyo.)
Sorry, bes, nagsinungaling ako pero ayoko na kasi ng gulo. Lalo't buntis na ako. At ayoko ng ipagsabi pa kung sino ang ama nitong dinadala ko.
(Waaahh! Ako ninang n'yan, Bes!)
Natawa ako ng bigla siyang mapatili sa tuwa.
"Oo naman, pero matagal pa, Bes."
(Kahit na. Inadvance ko lang at baka makalimutan mo... So, kailan ka magpapa check-up? Gusto mo samahan kita?)
"Ah, 'wag na, Bes. Kaya ko naman ito."
(Ano ka ba. Syempre kailangan mo rin ng kasama, lalo't wala naman ang ama n'yan na aalalay sa iyo, 'di ba?)
"Okay. Bukas?"
(Ay, may date nga pala ako no'n, Bes.)
"Sa susunod na bukas?"
(Pupunta nga pala ako kela Lola no'n.)
Napailing na lang ako.
"Tignan mo 'to. Nag-suggest ka na sasamahan ako, full pala ang schedule mo. Lukaret ka talaga."
(Haha.. sorry, Bes, nadala kasi ako. Hayaan mo, sa susunod ay sasamahan na talaga kita. Sorry, Bes.)
"Oo na. Sabi ko naman sa iyo na ayos lang kung ako lang ang mag-isa."
(Elizabeth! Kanina pa kita pinaghuhugas ng pinggan. Anong oras na? Hindi kusang mahuhugasan ang mga pinggan!)
Natawa ako ng marinig sa background si Tita na Mama ni Beth.
(Opo, Mudra! 'Wag na 'wag n'yo lang akong tatawaging Elizabeth! Ang baduy!.... Bes, tawag na lang ulit ako sa iyo later, sasabunin ko lang si Mudra.)
"Sige, baka bumula pa ng sabon ang bibig mo kapag pinagalit mo ng todo si Tita."
(Hay! Ewan ko ba kung bakit napakabungangera ni Mudra. Sige, Bes. Bye. Congrats!)
"Thank you, Bes. Sige, bye."
Napangiti na binaba ko na ang tawag. Napatingin ako sa tiyan ko at napahawak rito. Pumikit ako at pinakiramdaman ang tiyan ko. Hindi ko mapigilan ang saya sa aking puso dahil ilang buwan lang ang bibilangin ay mahahagkan, mahahawakan, at magkakaanak na ako.
Dumilat ako at nilapag sa table ang phone ko. Sa baba no'n ay may drawer kaya binuksan ko ito at kinuha ang isang malaking scrap book ko.
Binili ko itong scrap book dahil ang cute at design pa ay isang baby. Sinabi ko noon sa sarili ko na oras na magkaanak ako ay dito ko lahat ilalagay ang bawat nangyayari sa pagbubuntis ko hanggang sa mapanganak at lumaki ang anak ko. At ngayon ay matutupad na.
Napatingin ako sa laptop ko at nilapag ko sa kama ang scrap book at kinuha ko ang laptop ko sa table. Pagbukas ko nito ay bumungad ang litrato ni Sir Jace. Kagabi ay napag-isip ko na hanapin ang mga litrato o account ni Sir. Kaso wala itong account kaya nag baka sakali ako na sa google ay mayroon.
At mabuti mayroon siyang litrato. Isang kuha sa sikat na magazine dahil na-feature na pala siya doon noon. Marami rin siyang kuha na stolen ngunit kasama si Ms. Giuliana, kaya itong nag-iisang litrato niya lang ang nakita ko na nakaharap talaga habang nakaformal suit. Seryoso ang tingin at napakagwapo niya doon.
Mayroon pala siyang kakambal. I mean ka-triplets. Nabasa ko sa magazine na nabanggit na mayroon siyang ka-triplets. Magkahawig nga silang tatlo, pero nakilala ko pa rin kung sino si Sir Jace. Dahil ang isa niyang kakambal ay mestiso at sobrang gwapo din. At ang isa ay medyo moreno rin kaso hindi katulad ni Sir Jace na sobrang moreno talaga pero mas nakakadagdag talaga ng appeal sa kanya iyon.
Tumayo ako at lumapit sa printer ko. Prinint ko ang litrato niya sa small picture size at nang makuha ko na ay napangiti ako na lumapit muli sa kama.
At least, kapag nagtanong ang anak ko ay makikita niya ang itsura ng ama niya. Pero sasabihin ko pa rin sa kanya na hindi siya pwedeng magpakita o makilala ng ama niya dahil tiyak na may masasaktan o magagalit.
Napabuntong-hininga ako at kinuha ko ang sticker. Ito ang ginawa kong dikit para hindi maalis sa scrap book ang picture ni Sir Jace.
Napangiti ako at nahiga sa kama ko. Tumingin ako sa kisame at nag-isip ng bawat gagawin ko para paghandaan ang isisilang kong baby.
Pero biglang naisip ko ang mangga na may bagoong. Parang nangasim ako at nais kong kainin iyon ngayon. Alam ko mayroong nagtitinda sa kanto namin kaya naman bumangon ako at kinuha ang wallet ko.
Hindi na ako nagpalit ng suot dahil ayos lang naman ang ayos ko. Isang bulaklaking bestida na hanggang paa ang haba at ang manggas ay hanggang kamay ko. Nakapusod din ang buhok ko at nakasalamin ako.
Kinuha ko na lang ang payong para naman lakarin ko na lang at hindi rin ako mainitan ng husto. Makakapag-exercise rin ako nito.
Nasa kanilang kwarto sila Tiya at Inay tila namahinga sa kabusugan. Kaya nakalabas ako ng hindi nagpapaalam sa kanila. Sinara ko ang gate at naglakad ako sa daan kung saan patungo sa kanto namin.
Pero habang naglalakad ako ay pansin ko na may isang itim na magarang kotse ang mabagal na nakasunod sa likod ko. Kaya naman ay binilisan ko ang lakad dahil baka mamaya ay may gawin sa akin ang sakay no'n.
Lalo akong kinabahan dahil walang tao sa lansangan at tila mga nag-siesta. Nagmadali ako sa paglakad ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse.
Tatakbo sana ako ngunit napahinto ako at napaatras ng may dalawang lalake na maayos ang suot at tila mga bodyguard ang sumulpot sa harap ko.
"Nais kang makausap ni Senyorito."
"Ho? H-Hindi ko kilala ang senyorito n'yo.." umatras ako para sana tumakas pero mayroon pang isang lalake kaya napalibutan na nila ako.
Nagtanguan sila at napatili ako ng hawakan ako ng dalawa sa magkabilang braso at binuhat, kaya napapadyak ako ng paa para makapiglas sa hawak nila pero hindi ko magawa dahil masyado silang malakas at matigas.
Binuksan ng isa ang pinto at pinapasok ako sa loob. Napaayos ako ng upo at napaayos ako ng salamin sa mata ng malalagyan ito sa ilong ko. Napatingin ako sa loob ng sasakyan. Ang dalawa ay nasa magkabilang gilid ko naupo at ang isa ay sa passenger seat. Ang isa ay driver kaya bale apat itong kumidnap sa akin.
"M-Mga Kuya, baka nagkakamali lang kayo. Hindi ko kilala ang senyorito na sinasabi n'yo."
Tinignan ko ang mga ito at hindi ako inimikan ng mga ito kaya hindi ko alam ang gagawin. Napahawak ako sa tiyan ko kaya napatingin sila doon at tila sila nabalisa.
Nagtaka naman ako pero agad din silang umiwas ng tingin. Mahaba ang biyahe at nakarating kami sa isang penthouse na kinanganga ko dahil ang bongga at ang ganda.
Nang makapasok sa gate at makapark ang kotse ay binuksan nila ang magkabilang pinto. Ang isa ay inalalayan ako sa pagbaba.
Nagtataka na tumingin ako sa penthouse dahil bakit dito nila ako dinala? Nag-e-expect ako ng bodega o 'di kaya lumang bahay na siyang gagawing hideouts nila. Doon nila ako itatali at tatawagan nila si Inay para manghingi ng ransom.
Ginabayan ako ng mga ito na pumasok. Hindi man ako makapalag dahil bawat gilid at likuran ko ay mayroong kidnapers. At ang isa ay nauna sa paglalakad tila siya ang susundan namin.
Nang makapasok sa tila hotel lobby ng penthouse ay nagtaka ako ng umalis ang tatlong lalake para bumalik sa labas. Ang isang nauuna na lang sa paglalakad ang naiwan kaya sumunod ako rito dahil lumingon ito tila pinapasunod ako.
Napapisil ako ng daliri dahil kumakabog ang dibdib ko. Pero hindi ko mapigilan na humanga sa style ng penthouse na makikita talaga na super rich ng may-ari nito.
Napadaing pa ako ng mauntog ako sa likod ng lalake ng huminto ito. Napaatras ako ng tumabi ito sa gilid ng mabuksan niya ang isang pinto. Yumuko ito na kinailang ko.
"Pumasok ka na at hinihintay ka na ni Senyorito." magalang ang boses niyang sinabi iyon at seryoso.
"P-Pero sino ba ang senyoritong sinasabi n'yo?"
Hindi ito sumagot at umayos ito ng tayo bago umalis na kinalito ko. Napatingin ako sa pintong nakabukas at huminga ako ng malalim. Haharapin ko ito kahit hindi ko kakilala. At least alam niyang mapapahiya sila oras na malaman niyang nagkamali ng dampot ang mga alagad niya.
Humakbang na ako papasok at agad na nilibot ko ang tingin ko sa loob ng makapasok ako. Sinara ko ang pinto at napatingin ako sa isang matangkad na lalake na naka body fit black shirt at jeans na nakatayo sa harap ng isang glass wall habang nasisinagan siya ng pang hapong araw.
Inaaninag ko kung sino ito. Dahil parang pamilyar ang likod niya. Tapos moreno at itim na itim ang buhok.
"'Yung mga tauhan mo, nagkamali ata sila ng dadapkin. Hindi naman kita kilala kaya bakit ako?... So, pwede na akong umalis? Bye!"
Tumalikod na ako pero nanigas ako sa kinatatayuan ko ng magsalita ito.
"Don't f*****g move."
Pamilyar ang boses niya kaya dahan-dahan akong humarap muli habang nanginginig na ang mga kamay ko. Unti-unti itong humarap at may hawak itong alak.
Nang masilayan ko ang mukha niya ay nagulat ako ng makumpirma ko kung sino ito.
"S-Sir Jace.."
"Yes, it's me." malalim nitong tono na pagkakasabi.
Napayuko ako at napalunok sa kaba dahil bigla itong ngumisi tila may alam siya sa akin.
"B-Bakit n-nyo po a-ako pinapatawag?"
Lalo akong kinabahan ng maglakad ito palapit sa akin. Huminto ito sa harap ko kaya lalo akong napayuko at napapikit sa kaba.
"You know what, you look familiar to me."
Nanginig ako ng gamit ng daliri nito ay inangat niya ang baba ko kaya napadilat ako at napatingin sa mukha niya. Pinagmasdan niya ang mukha ko at bumaba ang tingin niya sa leeg ko.
"A-Ah, s-syempre po sa J-Jara world po ako n-nagtatrabaho.."
Binitawan niya ang baba ko at napalunok ako ng gumapang ang daliri niya sa leeg ko.
"Are you familiar in Rockwell?" tanong niya habang humahaplos ang daliri niya sa leeg ko.
Umiling ako kahit alam ko na iyon ang bar kung saan ako nalasing at kung saan mayroong nangyari sa amin. Nakita ko na napatiim-bagang siya na kinatakot ko. Mas lalo akong natakot ng basagin niya ang basong hawak niya na may laman pang alak at binasag niya iyon gamit mismo ang kamay niya. Kaya napamaang ako sa gulat. Dumugo agad ang kamay niya na kinatakot ko.
"I ask you again and don't f*****g lie to me.. You are pregnant at I am the father, right?"
Namutla ako na napatingin sa kanya. Nakatitig siya ng matiim tila binabantayan ang reaksyon ko. Napaatras ako at umiling sa kanya.
"H-Hindi po, Sir.. I-Iba po ang ama nito.."
Tila napuno siya kaya napaatras ako lalo at napapikit ng mabilis na lumipad sa ere ang kamao niya at akala ko ay ako ang tatamaan no'n. Kumalabog ang pinto sa lakas ng suntok niya at halos mahigit ko ang hininga ko dahil malapit sa mukha ko ang kamao niyang sumuntok sa pinto.
"Ikaw ang babae that night! We had s*x! Tell me the truth or else you are dead!"
Napaiyak ako sa takot at ang tanging nagawa ko ay malakas siyang tinulak at binuksan ko ang pinto. Sobrang takot ko kay Sir Jace ay bumilis ang pagtakas ko hanggang sa makalabas ako ng penthouse. Agad akong tumakbo palayo doon at pinagpapasalamat ko na hindi na ako sinundan ng bodyguard niya.
Takot na takot ako dahil para niya akong papatayin ng hindi ako magsabi ng totoo. Hingal na hingal na pumara ako ng taxi at nang makasakay ako ay napahawak ako sa tiyan ko at napapikit.
Hindi ganito ang inaasahan kong mangyayari. Tinatanong niya kung ako ba ang nakatalik niya nung gabi. Napanood niya rin ako sa f*******: video. At ang masama ay tila malakas ang pakiramdam niya na ako ang babaeng nakatalik niya.
Napuno ng takot ang dibdib ko dahil kay Sir Jace. Mas lalo akong natakot oras na makumpirma niya na siya nga ang ama nitong pinagbubuntis ko. Pero hindi. Lalo pa't sa pinakita niya ay tila nasa panganib lang ako at ang magiging baby ko. Kaya kahit anong mangyari ay hindi ako aaminin. Hindi.
Bakit ba biglang tila siya naghahabol? Puwede namang hindi niya na kumpirmahin dahil hindi naman ako naghahabol sa kanya.
Napahawak ako sa leeg ko at napatingin ako sa rear mirror ni Manong. Tinignan ko ang tinitignan ni Sir Jace sa leeg ko kanina. At nang makita ko ang nunal ko sa gilid ng leeg ko ay napalunok ako dahil baka ito ang dahilan kaya niya kinukumpirma. Baka ito lamang ang naalala niya sa akin.
Napapikit ako at pinalo ang leeg ko kung nasaan ang nunal ko. Sa lahat ng maalala niya ay nunal ko pa talaga. At saka madampian lang ng daliri niya ang balat ko ay para nang may elektrisidad na gumagapang sa katawan ko.
"Miss, saan ka ba?"
Napaidtad ako sa gulat ng magsalita si Manong taxi driver. Nakalimutan ko nga pa lang banggitin ang bahay ko.
"Sa bahay ko, Manong. Joke, d'yan, liko n'yo po."
Hindi ko alam ang gagawin. Dahil bukas ay papasok na ako sa trabaho. At baka magkita kami ni Sir Jace doon. Kung kailangan na iwasan ito ay gagawin ko. Hindi niya puwedeng malaman na siya nga ang ama ng baby ko. Ayoko ng gulo, gusto ko ng maayos na buhay para maibigay ko sa anak ko pagkapanganak ko sa kanya.
May girlfriend si Sir at alam ko na magiging katatawanan lang ako oras na malaman ng iba na si Sir Jace ang ama ng dinadala ko.
© MinieMendz