“We’re here.” Pinagbuksan ni Rave ang nobya nang makarating sila sa tapat ng bahay nito. Padaskol namang bumaba ng sasakyan si Janella. “What’s wrong?” tanong ni Rave dito. “What’s wrong? Really Rave? Hindi mo alam anong problema?” nakahalukipkip at nakataas ang kilay ni Janella ng balingan niya ang nobyo. “That’s why I’m asking kung anong problema,” mariing wika ni Rave. Mabuti na lang nasa labas sila ng sasakyan at busy ang anak sa kakalaro ng cellphone niya sa loob ng sasakyan. “Problema ko? Ikaw! Nakita mo lang na hinahalikan ng kapatid mo ang babaeng yon para kanang inagawan ng laruan na bumalik sa pwesto nila,” bulyaw sa kanya ni Janella. “Hindi ka pa kontento, talagang pinasakay mo pa sa sasakyan mo.” What’s wrong with that? Nagmamagandang loob lang naman ako,” rason ni

