Magluluto sana ng makakain ai Charlie May nang maalalang hindi pala siya nakapag-grocery. Kaya kailangan niyang mamalengke para may stock sila sa bahay. Tamang-tama dahil kakasahod lang niya kahapon. “Baby, grocery tayo,” agaw pansin ni Charlie May sa bata. “Okay po,” sagot ni Charrie at iniligpit ang mga laruan. Ganito talaga ang bata kapag tapos nang maglaro, siya mismo ang mag-liligpit ang laruan niya. Kaya tuwang–tuwa si Charlie May sa kanya. Dahil hindi pa naman sila nakapag-bihis ng pambahay ay diretso na silang lumabas. Tanging cellphone at wallet lang ang dala niya. Hawak kamay silang dalawa ni Charrie habang naglalakad palabas ng looban. Sumakay lang sila ng jeep papunta sa pinakamalapit na grocery store. Pagdating nila doon ay hinayaan niya na pumili ang pamangkin ng ku

