Shannon's Pov
Nakahalumbaba akong nakatingin sa cellphone kong nasa ibabaw nang mesa. Sunday ngayon at kagagaling ko lang sa simbahan. Ang boring naman.
Haayst. It's been 3 month since nangyari yung gabing yun. At mula noon kahit dagdag gasto ay nagcocommute na din ako pauwi at sa loob ng ilang buwang madaming nagbago. Well normal pa rin naman ang takbo ng buhay ko pero may nadagdagan kase ngayon. And I bet you've already know it. Yes. Parati nang sumasama si Louie saming tatlo. At eto namang si Rica parati akong iniechos kay Louie. Haayst. Nga pala sinasamahan pala ako ni Louie papauwi twing may night class kami. Ewan ko ba sa taong yun. Gusto nya dawng makauwi ako ng ligtas. Hahaha ang weird nya diba.
Kinabukasan din pala nung gabing yun tanong ng tanong si Rica kung ba't ako nagkasugat. Sinabi ko na lang na natisod ako para di na sila mag-alala. Hahaha lame reason as ever. Pero taena. Ang importante ay buhay ako ngayon.
Napatingin naman ako sa cp ko ng bigla itong tumunog. Si Louie pala tumatawag. Ehh ano naman kayang kailangan nito?
"Hello" sabi ko pagkasagot ko ng tawag.
"Ahm hi Shan. Libre ka ba ngayon?" Rinig ko sa kabilang linya. Ano na naman kayang trip ng isang 'to.
"Hmm oo bakit?" Simula nung first day hanggang ngayon parati na siyang sumasama samin. Ewan ko ba kung anong trip ng lalaking ito. Minsan nga may naririnig na akong chismis na kesyo kaya parating sumasama si Louie sa grupo namin kase para makasama ang jowa niya which is ako. Hahaha wengya lang. Ang iissue nila sa totoo lang.
If nagtatanong kayo kung bakit may number si Louie sakin well itanong niyo kay Rica. Haha wengyang babae yun. Sinasabi niya pang siya ang leader ng ShanLou ship hahaha ewan ko na lang sa babaeng yun.
"Gala tayo? Hehe"
"Hahaha sure ka ba Louie? Wla ka bang ibang kaibigan na pwede kang samahan? "
Haha sabihin nyo. Hindi naman yata masyadong harsh ang tanong ko ehh noh? Kase naman eh. Halos kami na lang ang parating kasama nito. Hindi ba siya nab-bored or baka... ohh my gosh. Hindi kaya bakla tong si Louie kaya ganun? kaya parati siyang sumasama samin. Shems. Auto uncrush na this haha.
"Wala eh. Ang boring kase dito. Sige na. My treat." Halos lumuwa naman ang mata ko sa sinabi nito. Aigoo. Yan yung gusto ko haha.
"Wow hah. Sana all madaming pera" sabi ko at tumawa naman ito.
"Oh sige. San naman tayo magkikita?" Dagdag ko.
"Talaga?" Nahimigan ko ang tuwa at excitement sa boses nito. Nag nod naman ako kahit alam kong di nya ito makikita.
"Sige dadaanan na lang kita jan ok?" Sabi nito.
"Ok" sabi ko at pinatay na ang tawag.
Haayst. Pano ko ba kase mahihindian 'tong taong to ehh napakabait. Well I guess. I could call this gala of ours a friendly date hmm. Hahaha damn ayoko nang umasa noh ket crush ko siya pero dapat may limitation. Hahah limitation my lelang.
After kong maligo ulit. Hahah yes ulit kase dafat mabango tayo. Ang gwapo ng kasama natin tapos tayo amoy toyo? err no way hahahaha.
So ayun after kong maligo ulit ay pumili na ako ng magandang damit para sa friendly date namin. After a couple of minutes ay natapos narin ako. Nahirapan pa ako sa pagpili ng damit kase wala naman akong ibang magandang damit. Yun bang pwedeng pumantay sa beauty ni Louie babe. Ayoko namang magmukhang basahan noh. Haha.
Napasilip naman ako sa binatana ng kwarto ko ng marinig kong may bumusina sa labas. Kaya dali dali kong kinuha ang sling bag ko lumabas.
Pagkalock ko ng pinto ay halos maestatwa ako sa nakita ko. A young fresh handsome guy is looking directly at me habang nakasandal sa kulay pula nitong motor. Damn. Ang gwapo nya. Napalunok naman ako bago lumapit sa kanya.
Ang linis nyang tingnan sa kulay puti nitong tshirt na pinatunangan ng skyblue checkered at may pambaba na pale brown ripped jeans with white converse. Damn. Ang fresh niyang tingnan samantalang ako eh naka fitted jeans lang at pink tshirt na may nakalagay na I love my life with dollshoes. Pero bahala na. Haha wala kase akong dress kaya ganun. Pero buti na rin na nakapantalon ako kase motor pala yung sasakyan namin. Haha. But wait, di naman fashion show yung puluntahan namin diba? HAHAHAHA.
"So san lakad natin ngayon?" Tanong ko pagkarating ko pwesto nya. Deym ang bango nga bessss.
Hahhaha relax self. Di mo jowa yan lara pagpantasyahan mo ng bonggang bongga. Tumawa naman ito na tila ba nabasa nito ang nasa isip ko kaya napasimangot na lang ako.
"Haha I'm actually hungry right now." Sabi nito sabay kamot sa batok nito. Hahaha ang cute. Sarap niyang ibulsa.
"Hmm sige. Jolibee tayo? Hihi" ngumiti naman ito bago pinaandar ang sasakyan. Pero bago pa kami nakaalis nakita ko pang nakangiti samin si Aling Emy habang kumakaway kaya kinawayan ko din 'to. Hahaayst. Buti na lang di masyadong chismosa yung mga kapitbahay namin. Kase pagnagkataon ewan ko na lang. Hahaha.
Pagdating namin sa Jolibee ay siya na ang umorder kaya ako na ang naghanap ng mauupuan namin.
Napatingin naman ako sa katapat naming lamesa. Halos gusto kong tusukin ang mata ko para di na makita iyon. Ang sakit. Ang sakit makitang yung mama mo kasama ang bagong pamilya nito. Ang saya nilang tingnan. Ni-hindi man lang ako namukhaan ng lingunin nya ako. Para akong tinusuk ng kutsilyo. Konti na lang babagsak na yung luha ko.
"Ok ka lang?" Nag-aalalang sabi ni Louie habang nakahawak yung isang kamay sa balikat ko at yung isa ay nakahawak sa tray. Ngumiti naman ako to assure him na ok lang ako.
Tinungnan ko muna sina mama saglit bago tinuon kay Louie yung atensyon. Maybe this gala of ours would not be happy anymore dahil unti-unti nakong nawawalan ng gana. But I don't want to be selfish. I don't want to spoil the fun and take that happiness na meron si Louie ngayon sa gala namin.
Bumuntong hininga na lang ako bago lumingon kina mama na nakatingin din pala sakin pero saglit lang. Haayst. Buhay nga naman.
PAGKATAPOS naming kumain ay papunta na kami ngayon sa timezone ng makasalubong nami sina Rica at Jackson. Oh-ohhww.
"Shannon Marie!!!" Sigaw ni Rica without minding the atensyon na nakuha nya dahil sa pagsigaw nya.
"Ahehe hello Rica" Napatingin naman ito saming dalawa ni Louie with those intruging facial expression.
Naknang! Ano na naman kaya 'tong naiisip neto. Nagulat naman ako ng tumawa ito kaya mabilis kong tinakpan ang bunganga neto naku baka ano na namang sabihin nito.
"Uyy kung ano man yang nasa isip mo hindi yan totoo." Sabi ko bago nito tinganggal yung kamay ko na nasa bibig nito.
"Hahahah sabi ko nga. Pero dem! Ang cute nyong tingnan ngayon. Ayieeee kayo hah nagdedate na pala kayo hindi man lang kayo nagsasabi kung anong ganap. Hahahaha" natatawang sabi nito. Feel ko pulang pula na yung mukha ko dahil sa kahihiyang pinagsasabi ng babaeng 'to.
"Hahaha ehh anong tawag niyo sa ginagawa niyo ni Jackson ngayon?" Napatahimik naman si Rica at nagblush kaya napatawa naman ako.
Bigla naman siyang inakbayan ni Jackson na lalong nagpapula sa kanya. Hahahaha. Huli ka balbon.
"Ehehe sorry Shan di ko pinagpaalam si Rica sa inyo. Hehe wag kayong mag-alala't alalagaan ko sya at mamahalin." Sabi ni Jackson bago tumingin kay Rica. Hahahaha yun ohh. Ang epic ng banat. HAHAHA pero ang bruha bigla lang siniko at binatukan si Jackson. Hahaha poor Jackson. Bat pa kase sa amazonang bestiee ko pa ikaw na fall haha.
"Aray babe. Ang harsh mo."
"Che! Babe mo mukha mo. Ano ako biik?" mataray na tanong nito. Bago pa makasagot si Jackson ay nagsalita ulit si Rica.
"Eh kayo san ba yung punta niyo?" Sasagot na sana ako ng maunahan ako ni Louie.
"We're having a friendly date" sabi nito at nakangiting nakatingin sakin. Speechless ako. Huhubells.
Makahulugang tingin naman ang pinukol ni Rica sakin bago ngumisi.
"Hahahah yun oh. ShanLou is sailing!!!" tili ni Rica kaya may mga taong napapatingin sa direksyon namin. Damn. This is sooo embarassing.
"Haha kung ganun ba't di na lang natin 'to gawing double date?" nakakalokong ngiti ang pinukol ni Jackson kay Louie at ang gago nag-agree pa. Damn.
"Haha sounds fun" sagot ni Louie at nginitian ako. haaayst. Bet this would be a long tiring day isn't it?
I thought this day would turn out worst but I was wrong. I really have fun and enjoy this day. Naglaro kami sa arcade. Pumunta sa enchanted kingdom at nag foodtrip. Ang saya nilang kasama. Haay.
Quarter to 9 na at nandito kaming dalwa ni Louie sa ferris wheel. Sina Rica at Jackson andun padin sa roller coaster. Ehh kasi naman itong si Jackson ayaw talagang sumakay dun kase takot daw sya hahaha at eto namang si Rica ehh sinabing di nya ito sasagutin pag hindi sya pinagbigyan. Hahaha loko 'tong babaeng 'to. Matagal na palang nililigawan ni Jackson pero di man lang sinabi samin kesyo nahihiya daw sya. Hahaha damn.
Hinintay talaga namin 'tong time nato ni Louie kase may firework display at mas nice pagnasa tuktok ka kase makikita mo kung ganu kaganda ang mga fireworks. Nakakalulang tingnan sa baba pero ok lang atleast natry ko din tong experince nato once in a lifetime.
"Hindi ka ba natatakot?" Biglang tanong ni Louie. Napangiti naman ako bago sumubo ng cotton candy.
"Hindi naman. Anjan ka naman at handa akong protektahan diba?" Ewan ko ba kung bakit iyon ang nasabi ko. I have fear of heights pero dahil nandito si Louie feel ko napakasafe ko. Ngumiti naman ito bago lumapit sakin at hinug ako. Nagulat ako sa ginagawa niya pero di ko pinahalata.
"P-proktektahan kita" Pagkasabi nyang yung tila hinabol ng mga kabayo ang puso ko sa sobrang kaba.
Kumalas ito sa pagkakayakap at seryoso akong tiningnan sa mata.
"At di ko hahayaang mapahamak ka pa. Nobody can lay a finger on you except me. No one's gonna lay a finger even on a single strand of hair of my property" napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Ano daw?
Pagkasabing pagkasabi niyang yun may mga naalala ako.
"At last, I found you. My Queen"
"I will always be here to protect you... My Queen"
Para akong nanigas. Bakit di ko naisip yun. Magkaboses nga sila. Pero pano?
Para akong nabibingi sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Feel ko nahihirapan akong huminga.
I tried to shake that thought away. Maybe I'm just imagining things. Siya at yung tumatawag sakin na queen kuno ay iisa? Luhh asa ka.
"And inorder for me to protect you no matter what. Will you welcome me in your life? Will you be my girlfriend Shannon Marie Puertorico?" Feel ko malalagutan na yata ako ng hininga ngayon.
Did he just confessed on me and ask for permission to be his girlfriend?
What the heck!
Bigla namang huminto ang ferris wheel at nasa pinakatuktok na kami nito kasabay ng pagsabog ng mga naggagandahang fireworks.
I'm very very speechless. Can someone tell me what to do? Can someone slap me to make me feel that this ain't a dream. Coz if it's a dream then probably I was the luckiest girl ever.