WARNING: VULGAR WORDS!!!
*****
Napakamot ako sa ulo at muling tinignan ang ilan pang pangalan na ibinigay ni Mumshie Marb. Kaso ang problema lahat sila tumatanggi. Iyong mga nakakakilala kay Ciro at may experience na ay ayaw na siyang makita pa dahil ibang trauma talaga ang inaabot nila at isa pang dahilan kaya ayaw nila iton makasamang muli sa kama dahil sa sobrang wild daw nito at hindi nila kinakaya. I am witnessed to that and I can prove it. Not prove na may nangyari na sa amin pero ayon nga, lagi ko naman siyang nakikita na may ka-s*x at ako ang nagbibigay sa kanya ng mga babae. At ang isa pang dahilan para naman sa hindi pa siya kilala ay nasabihan naman ng mga nakasama na si Ciro.
Kung gusto mong hindi mapagod kakabukaka malamang dapat tumanggi ka na.
Ciro games consist of so many varieties when it comes to s*x: exhausting s*x all day, b**m, threesome or sometimes four, sometimes they let others f**k and he was just there watching them. At lahat ng iyon sobrang wild. Laging may nahihimatay ang mga babae na pinapakilala ko sa kanya. Minsan nga akala ko namatay pero wala pa naman ganoong case. Swerte na lang kung hindi pero lahat ng mga iyon ay sobrang pagod.
Sa totoo lang talaga mas stressed out pa ako rito kaysa sa trabaho ko sa office. Minsan nga mas pinapauna pa niya ito sa akin kaysa sa mga papers na dapat kong aralin bago ipasa sa kanya.
Kating-kati ata lagi ang itlog at hotdog nun at hindi mapakali kung walang susubo, papasukan o gagalaw.
Naku! Pati tuloy utak ko nahahawa na sa kahiligan ng lalaki ng iyon!
“Marb, wala ka na ba talagang mairereto sa akin d’yan?” dismayado kong sabi habang nakasandal sa chair ko.
[“Naku… wala na eh. Iyong dalawa kong empleyado dati matagal ng umalis at feeling ko hindi rin papayag ‘yon na maging kalaro ng boss mo.”]
Sino ba naman kasing may gusto?
He’s cruel as a demon but he’s hot as hell.
That’s the fact. Pero umuulan ng red flags ang lalaking ‘yon. Kaya konti na lang din mandidilim na ang paningin ko sa kanya. Just a little bit.
“Ganoon ba…” hindi ko mapigilang hindi mapabuntong hininga. “Salamat Marb.”
[“Wala ‘yon at pasensya na kung wala na akong maibigay sa iyo paano daw lahat sila nagrereklamo na laging masakit ang pempem.”] malakas siyang tumawa na kinairap ko pero mahina ring natawa. [“Gwapo daw at hot pero ‘di keri ang haba at tagal sa kama. Ang dami pa din daw na acts. Jusme iyang Mr. Hey ah!”]
“Lagi atang tigang,” natatawa kong sabi na kinatawa niya din.
Hindi ata tigang. Tigang na tigang talaga.
Tatawa na ako ngayon dahil mamaya iiyak na ako dahil wala akong makitang babae.
Alam ni Marb ang ganitong bagay tungkol kay Mr. Hey o Ciro dahil sa kanya kami kumukuha ng babae. Isa pa, hindi lang naman si Ciro ang kliyente niya.
[“Kung tatanggap siya ng serenang malaki aba kahit isang linggo pa kaming walang hintuan sa paglalaro sa kama papatulan ko siya.”] may gigil na sabi ni Marb. [“Talong laban sa talong. Aba gora ako! May butas din naman ako no!”] kinikilig niyang sabi sabay malakas siyang tumawa kaya hindi ko na ring mapigilan pa na hindi matawa dahil nakakahawa siya.
“Kung pwede ka nga lang talaga.” I teased him.
[“Naku! Basic lang sa aking kumain ng jumbo footlong. Kahit sabay pa!” dugtong niya pa na nagpatawa sa akin ulit.
“Ang baboy mo Marb,” natatawa kong sabi.
[“Eh bakit ikaw ba never mong pinag-pantasyahan ang boss mo?”] bigla niyang tanong.
Umiling ako kahit hindi naman niya makikita. “Hindi no.”
Totoo naman. Never ko siyang pinag-pantasyahan except noong hindi ko pa nakikilala ang tunay niyang anyo. Matalim siyang tumingin at talagang kikilatasin ka at papakabugin ang puso mo sa kaba pero hindi mo maaalintala kung gaano siya kagwapo. I consider myself lucky kasi naisip ko na lagi kong makakasama ang gwapong CEO at paano kung magkagusto sa akin ‘di ba?
Pero binabawi ko na lahat ng iyon!
Bangungot ang makilala siya. Period na iyon. Sa sobrang heartless ng lalaking iyon at hindi na magbabago ang pagkatao niya.
[“Asus! Telege be?”] maarte kong inirap ang mata ko sa tanong ni Marb
“Totoo Marb. Nakakaumay rin kaya kapag lagi kong napapanood ang ginagawa nila. Itong last, the girl even passed out but he keeps on f*cking. He’s on heat everyday like a crazy bastard alpha. Hindi ko alam kung hindi ba siya natutuyuan.”
[“Kaya nga nakakaumay. Try mo rin kaya! Hindi laging nanonood lang. Galaw-galaw naman kasi.”] kaagad akong umiling pero hindi ako nagsalita. [“Imposibleng hindi naglalaway sa ’yo iyang boss mo. Maganda ka at sexy kaya baka hinuhubaran ka na nun kapag tinitigan. Iba-ibang posisyon na ang nagawa niyo at hindi mo lang alam.”]
Minsan nga gaano na ang pakiramdam ko lalo na kapag kami lang dito lagi sa office at wala siyang kalaro.
“Hindi ako papayag na matitikman niya ako,”
He loudly laughed. [“Ayan ang girl ko. Palaban! Pero try mo din sayang ang grasya ateng at malaki pa naman.”] I imagined him giving me a wink with a devilish smile as he said that.
“No thanks.”
[“Sigurado akong aabot hanggang sa matres mo ang haba nun.”] napairap ako sa exaggerated niyang paglalarawan sa kahabaan ni Ciro.
“Malabo Marb,”
May ganun ba? Ang normal lang naman na size ay 4 to 6 inches. Masakit na nga ata ‘yon kapag nasa loob. And does size really matter?
[“Baka malaman ko na lang ikaw na ‘yong umo-ohhh at ahhh,”] talagang nilandian niya ang paggawa ng tunog.
Nanlaki ang mata ko at nasapo ang noo. Buti pinili kong hindi i-loud speaker ang phone ko.
[“Minsan pa naman kung sino ang nagsasabi ng ayaw sila talaga ‘yong may gusto.”]
“Ewan sa’yo Marb. Sige na at kailangan ko pang maghanap ng ibang babae para kay Mr. Hey.”
[“Okay pero try mo ah. Tapos balitaan mo ako.”] pangungumbinsi niya pa.
Nasapo kong muli ang noo ko at nag-iisip kung anong sasabihin ko ngayon kay Mr. Hey. He’s probably waiting for me now on his penthouse and preparing for his acts tonight.
Nilukot ko ang papel na may listahan ng mga babae at tinapon iyon sa trash bin. I got no choice but to tell him that I cannot find him a partner. Kung ayaw sa kanya, hindi naman gusto ang mga acts na gagawin dapat normal s*x lang pero hindi ko iyon maipangako sa babae dahil hindi nga naman ako ang makikipag-s*x. Baka biglang may gawin si Ciro at nagkagulo pa. Ciro or Mr. Hey wants a woman who is willing to be submissive.
Hindi rin naman din ako pwedeng kumuha ng kahit sinong babae lang diyan dahil may test kaming ginagawa. Of course, he’s s*x maniac but he wanted to have safe s*x. Lahat naman ata iyon ang gusto lalo pa sa kagaya niya na iba-iba ang nakikilala.
Kaya iyong mga ni-refer ni Marb lahat iyon safe at may experience.
Biglang sumagi sa isip ko lahat nung napag-usapan namin ni Marb.
Me and Ciro?
Hell no! Hindi ko ma-imagine.
Sobrang nandidiri ako sa mga acts niya. In general, sa buong larong ito.
I don’t want to end up tied up on his bed and let him do what he wanted. Imagine seeing him wearing nothing and staring at you so intimately… wait! Did I just imagine him?!
“Wohh!” ginawa kong pamaypay ang kamay ko dahil bakit biglang nag-init ang mukha ko.
I browse again sa iba pang site na pwedeng makahanap ng magiging ka-partner niya.
“Kailangan ko na talagang makahanap kaagad.” tumingin ako sa writs watch ko.
Mag-aalas singko na at wala pa rin akong makitang babae. Dapat before mag-8 p.m. nandoon na ako dala ang babae niya. This is insane! Bakit ba lahat sila hindi pumapayag?!
“I’m dead,” iyon na lang ang naibulong ko sa sarili ko nang makitang 7:30 p.m.
Napakabilis naman tumakbo ng oras. Kinuha ko ang gamit ko at kaagad na bumaba papuntang parking. Kailangan ko ng magpakita sa kanya at tanggapin ang kapalaran ko.
Whether he fires me or not, it’s okay for me. Basta masabi ko sa kanya na walang makikipaglaro sa kanya. Ito ang unang beses na sasabihin kong wala siyang kalaro.
Makailang ulit kong pinindot ang doorbell ng penthouse niya pero walang nasagot. Hindi ko alam kung nandoon ba siya sa loob dahil patay ang ilaw. Hindi rin naman kasi bago na walang ilaw dito sa loob.
First time kong pumunta rito na ako lang mag-isa. Hindi ako nagtatagal rito lalo pa’t hinahatid ko lang naman ang mga babae niya.
Nagtipa ako ng text sa kanya at sinabing nandito ako sa labas pero hindi ko pa sinabing wala akong dalawang babae.
Humugot ako ng malalim na hininga bago ito binuga. “Kaya ko ‘to.”
Napatalon pa ako saglit ng biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Mr. Hey!
“Hello Mr. Hey,” panimula kong sabi at batid ang pagkakaba sa boses ko.
[“Did you bring them?”]
Napalunok ako. Bahagya ko pang nilayo ang phone sa bibig ko ng tumikhim ako. “Ahmm…” mariin kong kinuyom ang kamay ko. “May sasabihin sana ako…”
[“So, hindi mo nga sila dinala?”] napapikit ako saglit sa malamig niyang tono. [“You failed to do your simple job Ms. Felicity.”] halos mapapikit ako nang marinig ang malamig niyang boses.
Simple job?! Simple my ass!
Bakit hindi siya ang maghanap ng babae niya kung simple?! Gusto kong isagaw ‘yon ngayon.
“Kasi-“
[“Come in.”]
Natigilan ako saglit bago wala sa sariling tumango.
“O-okay…”
Bumukas ang pinto at siya ang tumambad sa akin. Matindi akong napalunok nang makita siyang walang saplot pang itaas. Aminado talaga akong maganda ang lahat sa kanya pagdating sa pisikal na anyo kasi lahat ng pangit nasa kalooban niya. Itinikod niya pa ang kamay niya sa may pader sa taas ng ulo niya habang hinihintay akong pumasok.
Lagi ko siyang nakikitang hubo’t-hubad pero lagi pa rin akong namamangha sa ganda ng kanyang katawan. Bagay na bagay sa kanya ang muscle niya at kumpleto ang walong abs. Sobrang ganda rin ng V-line shape niya sa may baba at…
Tama na eyes! Ang likot mo kung saan-saan ka dumadapo!
Pero mas grabe siya tumingin, makakanginig ng tuhod at tingin ko iba na ang iniisip niya.
Tama bang pumunta pa ako dito mag-isa?!
“Ano pang hinihintay mo? Pasok.” I caught him smile.
Natauhan ako sa sinabi niya at pumasok na. Nasa may pinto pa rin siya kaya sobrang ingat ko para hindi man lang siya masagi. Tila may kuryente sa katawan niya na sobrang nakakatakot dikitan – nakakapaso ang lalaking ito.
Napakapusok na nilalang ika nga.
The great seducer, Ciro Xamiel Ignacio a.k.a. “Mr. Hey”. Kailangan kong mag-ingat lalo pa’t dalawa lang kami ngayon sa playground niya.