Unfortunately, busy si Andrus dahil may klase pa siya. Bigla tuloy akong nahiya dahil sa padalos-dalos kong pagtawag sa kanya. Babawi na lang daw siya sa susunod. Guilty tuloy ako na baka maisip ni Andrus na tini-take advantage ko ang kabaitan niya dahil may gusto ako sa kanya. Pinukpok ko ang ulo ko at humilig sa may bintana ng sasakyan. “Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?” Halos mapatalon ako sa loob ng sasakyan dahil sa gulat. Napahawak ako sa dibdib ko at tiningnan mabuti si Ciro nang may panlalaki ang mata. “Putcha ka! Akala ko kung sino!” inis kong turan. His forehead creased. “Bakit? Mukhang malalim ang iniisip mo at hindi mo man lang ako naramdaman. Is it about your date?” may pananantsya ang kanyang tingin. Mabagal akong tumango at tinago ang phone ko. “Did he do someth

