At iyon nga ang ginawa ko, hindi ako umasa sa kung anong umuusbong kong nararamdaman para sa kanya. Pinigilan ko ang sarili ko na isipin na baka may hihigit pa. Nakalimutan kong wala nga pala kami sa isang nobela na posible lahat ng bagay. Binalik ko ang sarili ko na handang makipaglaro sa kung anong gusto niya. Hindi natapos ang laro namin ni Ciro at aminado akong napakahirap nung una, iyong tipo na gusto mo pa ng higit pa sa kung anong meron kayo pero hindi pwede. Kasi alam mong hindi niya kayang ibigay kung anong hinihingi mo. Marahil hindi pa naman huli ang lahat. Sa loob ng anim na buwan, hindi ko na napansin kong hanggang saan lang dapat ako. Walang pagkukulang si Ciro dahil malinaw naman ang usapan namin. Ako kasi mismo ang lumabas sa pader na tinayo ko para protektahan ang sari

