Nananahimik akong nakikinig kay Ma'am Esteloga sa kwento niya sa buhay pero ayaw atang makisabay ng mga clasmate ko. Napalingon ako sa likod nakita ko namang umakto sila na parang walang nangyari. Bumalik nalang ang tingin ko sa harap may tumapon ulit na papel sa ulo ko. Kanina pa yan sila tapon ng tapon ng papel sa ulo ko di ko naman makita kung sino kasi tuwing tumitingin ako sa likod biglang tumatahimik. Napalingon naman ako sa tabi ko yung Manuel nakita ko ring tinatapunan siya pero mukhang mag kaiba kami. TUwang tuwa siya samantalang ako na pipikon na. Bumaling naman yung tingin niya sa akin.
"Bat ka galit?"natatawang bulong niya
Doon ko naman naramdam na nakasulobong pala yung mata kon "nakakairita kasi" inis na bulong ko sakanya.
Napatawa naman siya "wag mo kasi ipakitang naiinis ka mas lalo silang pag papapansin" bulong niya
"Eh? Hi di ka ba magagalit eh halos ubusin na nila yung papel ng notebook kakatapon sa ulo natin"iritadong sabi ko sa pinakamabababang boses ko.
"Wag mo nga pansini--"di na natapos nung Manuel yung sasabihin niya nang...
"--is there a problem Mr.Manuel and Ms.Castro?"
Agad naman kaming nag ayusan ng upo.
"W-wala po sir--ay ma'am pala"utal kong sabi
"Okay moving on... blah blah blah"pagtuloy niya sa kwento niya.
Nanatili pa rin akong nakikinig sa kwento ni Ma'am. Char.
"Okay...DISSMISS"
Nagsitayuan naman kaming lahat,nagsilabasan na ang iba habang ako nag liligpit pa nang gamit.
Napa angat naman ako ng tingin ng mapansin kong may nakatayo sa harap ko. Ay yung manuel pala.
Nang-matapos ako sa pag liligpit,binitbit ko na yung bag ko pero di pako nakatapos ng isang hakbang,may tumama na saakin.
ay nandito pa pala siya
"Ouch"pag reklamo niya.
"Ano ba kasing ginagawa mo diyan?"iritadong tanong ko habang hinihimas yung noo kong tumama.
"Inaantay ka"
Eh?
"Di na kailangan"walang ganang sabi ko.
Nagpumauna narin akong maglakad kaso nakasunod pa rin siya. Di ko nalang pinansin baka parehas lang kami nang daan.
Pero sabi niya diba antayin niya ko? Bahala na.
Hangang sa makarating ako sa parking lot nanatili siyang nakasunod.
Nilingon ko naman siya "Ano ba" iritadong tanong ko.
"A-ahh asan ba kotse mo"tanong niya
"Bakit?"tanong ko na may pinag halong inis at pag tataka
Di ko rin alam kung ba't ako nagagalit.
"I-ihahatid nalang k-kita hanggang sa k-kotse mo"utal utal niya sabi.
Ba't ba siya nag kakaganiyan?
Nag patuloy nalang ako papalakad papunta sa kotse ko.
"W-wow ang g-ganda n-naman pala ng kotse mo"utal utal na pag puri niya.
"Ba't ka ba nauutal?"takang tanong ko medyo nabawasan yung galit ko dahil pinuri niya yung kotse ko hehe
Bahagya naman siyang umubo bago nagsalita "sorry barado kasi yung plema ko hehe"pilit na tawang sabi niya.
"Ano bang kailangan mo?"pag di deretso ko nang tanong.
Lakas makayabang kahapon tapos ngayon u-utal utal sa harap ko. Malamang may kailangan to.
"Wala bawal bang lumapit?"tanong niya rin
May point naman siya.
"Okay oh sige uuwi muna ako"pag paalam ko.
"Hindi wag muna...kwentuhan mo muna ako"nagmamadaling sabi niya.
"Anong kwento?"takang tanong ko
"Kwento tungkol sa buhay mo"sabi niya sabay ngiti ng malapad.
Kwento tungkol sa buhay ko?
"Ano bang gusto mong malaman?"tanong ko.
"Uhmm...may kapatid ka ba?"pangungunang tanong niya.
Bakit kapatid ko agad?
"Oo"tipid na sagot ko
"Anong pangalan niya?"tanong niya ulit
"Andrea"tipid na sagot ko...ulit
"Buong pangalan"
"Andrea Nicole Rivas"pag sabi ko ng buong pangalan ni Andi.
"Ahh...ilang taon na siya?"tanong niya ulit.
Bakit ba niya gustong malaman?
"10 years old pa lang"sagot ko
Napansandal naman ako sa kotse ko. Mukhang marami pa kasing itatanong.
"Well marami pa talaga akong malaman tungkol sayo"sabi niya
Saakin?
"Baka nagugutom ka na?"tanong niya
Gutom talaga ako wala akong lunch kanina kasi nakalimutan kong sagutan yung assignments ko kaya nung lunch ko nalang ginawa.
"Medyo..."tipid na sagot ko
"Ayun oh! Kain tayo para mas marami pa akong matanong sayo"
Napatingin naman ako sa oras. 5:15 na
"A-hh baka di na ko payagan medyo madilim na eh"pagtatangi ko.
"Sige na libre ko naman"pag-pipilit niya.
Ayy libree! Bet!
"O sige paalam muna ako kila mama"pagmamadali ko sabay dial ng number ni mama.
Lahat ng pang uuto tricks ginawa ko na mapayagan lang. Masisisi niyo ba ako eh sayang naman yung libre. Matagal ko na ring di nakakasama kaibigan ko kaya walang nanlilibre sakin ngayon.
Dahil sa sipag kung umuto ang ending "O sige wag lang masyadong magpagabi" boses ni mama sa kabilang linya.
Yun ohh!
"Ipag paalam mo nalang ako kay papa! Thankyouu"tuwang sabi ko sabay patay ng telepono.
Mahirap na baka mag bago ang isip.
"Yeheyy piayagan ako!"tuwang pagshare ko sa kanya
Bahagya naman siyang napangiti "great" tanging sabi niya.
"Saan mo gusto kumain?" tanong niya saakin.
"Kahit saan basta libre"ngiting sabi ko.
"Ikaw nalang mag isip"sabi niya pa
Edi ako. Saan ba? Ay!
"Sa Pastilan nalang tayo!"pag suggest ko.
"Pastilan?"takang tanong niya.
Ayy bonak! Di niya alam yung 'Pastilan?
"Parang kainan tapos yung ulam ay tuna"pag-eexplain ko.
"Sige saan ba yung?"tanong niya.
"Malapit lang sundan mo nalang kotse ko" ngiti ngiting sabi ko.
Tapos sumakay na sa kotse nakita ko namang papalapit siya black na sasakyan.
Ang angas ng sasakyan niya.
Dumiretso ako doon sa palagi namang kinakainan ng Pastilan dati ng tropa.
Bumaba na rin ako nang makarating kami doon ako sa may gilid nag park para mabilis ko lang makita medyo marami kasing tao talaga dito.
Hinanap ko naman yung sasakyan niya papunta palang siya sinenyasan konnaman siya na sa tabi ng kotse ko mag park.
Sumunod naman siya sa akin pas punta sa may Pastilan. Nang makarating ako doon nakita ko naman si manang tumitinda. Nang makita niya ako ngumiti naman siya ng kay lapad.
"Oh iha asan yung mga kaibigan mo?"tanong niya pagkalapit ko palang sumilip naman siya sa likod ko.
"Busy po sila manang kaya siya nalang po sinama ko"sabi ko sabay pakita kay Manuel
"Magandang Umaga iho"pag bati ni manang doon sa Manuel.
Nginitian niya naman ito sabay sunod saakin na nag hahanap ng table. Pagkaupo lumapit agad saamin si manang.
"Ano ang bibilhin niyo iha?"nakangiting tanong saakin ni manang.
"Ako na mag o-order?"tanong ko sa kaniya na ikina tango naman niya.
"Uhmm...anim po na pastil tapos dalawang softdrinks"-ako
Tumango naman si manang tapos umalis na.
Napalingon naman ako sa lalaking nasa harapan ko. Lumi linga linga siya sa paligid.
"Pst"tawag ko sa kaniya pero mukhang di niya ata narinig dahil maingay dito.
"Huy"pag tawag ko ulit.
"Manuel"doon naman siya napalingon dala ang kunot noo niyang mukha.
"Anong Manuel?"tanong niya.
"Bakit? Manuel ka naman talaga ah"sabi ko
Bahagya naman siyang natawa.
"Pwede mo naman ako tawaging Edrix"nakangiting sabi niya.
"Ayokong mag tawag ng pangalan ng tao pag di kami close"sabi ko
"Bakit di ba tayo close?"
"Hindi naman talaga"
"Edi hindi,pero Edrix nalang itawag mo sakin"sabi niya pa.
"Mag kano ba babayaran ko?"tanong niya.
"Di yun aabot ng 100"sabi ko
Nanlaki naman mata niya.
"Di aabot ng 100? Eh pano pa masasabing libre yun eh 100 lang naman pala babayaran ko."sabi niya.
Wow ni la-lang niya lang yung 100 samantalang ako baon ko na yon. Mayaman siguro to.
"Libre parin yun"nasabi ko nalang.
Salita lang siya ng salita hangang sa makarating na yung order tapos nag bayad siya kay manang.
"Uhmm ma'am i don't have change buo po yung pera ko"sabi niya kay manang sabay abot ng isang libo.
Sabi ko nga mayaman siya.
"Eh sir wala po change nito"sabi ni manang.
"Wag na po kayo mag change"nakangiting sabi niya na nag pangiti rin kay manang.
Ayyy. Sayang yung 1k!
"Salamat po sir"ngiting sabi ni manang sabay alis.
Humarap naman siya sa pag kaing inoreder ko.
"So...paano to kainin"tanong niya.
Binuksan ko maman yung dalawang pastil tapos nilagyan ng toyo. Inabot ko naman sa kas niya yung isang pastil.
"Mag kamay ka"sabi ko
"D-di ako marunong"
"Grabe pati pag kamay nalang di mo pa alam"
"Eh marumi kamay ko"
Inabot ko sa kaniya yung cellophane.
"Isuot mo sa kamay mo"utos ko sa kaniya.
Ginawa naman niya yun at yun din ginawa ko.
"Pwede naman siguro ako manghingi nalang ng spoon"suggest niya.
"Walang kutsara dito"sabi ko na nag simula nang kumain.
Nakita ko ring siniubukan niyang mag kamay.
Marunong ka naman pala.
"Eh paano kita makausap eh ang ingay ingay naman dito"reklamo niya
"Pwede ka namang mag tanong"sabi ko.
Bumuntong hininga naman siya animoy walang choice.
"Di ba sabi mo kanina ang pangalan ng kapatid mo ay Andrea Nicole..."huminto siya na animoy nakalimutan niya.
"...Rivas"pag dugtong ko sa sinabi niya.
Tumango naman siya.
"So basically Rivas yung surname niya?"tanong niya na ikina tango ko naman.
"Eh bakit ikaa Castro apilyedo mo?"tanong niya.
"Magkaiba kami ng papa"diretsang sagot ko.
"A-ahh kasama niyo sa bahay yung papa niya?"tanong niya.
"Oo na tumayong papa ko na rin"sagot ko.
Tumango naman siya.
"Sige kumain ka muna"sabi niya.
Nag patuloy naman akong kumain kahit medyo nawalan ako ng gana dahil naalala ko nanaman yung walang kwenta kong papa na iniwan kami ni mama.
***
"Salamat sa libre ah"ngiting pag papasalamat ko sa kaniya nung matapos kaming kumain.
"Wala yun.sa susunod ulit?"
Tumango naman ako bilang sagot.
Onting pag uusap pa ang ginawa namin bago nag ka ayaan na umuwi.
Pagkarating sa bahay nasa gate pa lang ako rinig ko na ang sigawan sa loob.
Pag ka pasok ko bumungad saakin ang pamangkin ko.
"Nag aaway nanaman sila?"tanong ko kay Andrea na umiiyak.
Tumango naman siya
"Ano daw dahilian?"tanong ko.
Napapadalas na kasi yung awayan nila.
"B-bumalik nanaman kasi si papa sa pag iinom"sagit ni Andrea habang humihikbi.
"Tapos kanina ate Jam punag tatapon ni tito yung mga bote"kwento ni Erika-isa sa mga pamangkin ko.
Nasa ibang bansa kasi yung mama nila kaya dito saamin iniwan. Apat ang pamangkit ko ana nandito. Dalawang lalake at Dalawang babae rin.
Iniwan ko kay Andrea yung mga bata. Pagpasok ko pa lang nalita ko namang hindi pa sila tapos sa sigawan nila.
Kaya pumagitna narin ako.
"Tumigil nga kayong dalawa! Natatakot yung mga bata oh!"sigaw ko sa kanilang dalawa na naging dahilan ng pag tigil nila ng sigawan.
Inis rin akong dumiretso na sa kwarto at dumiretso ng higa. nakakapagod!
THANKYOU FOR READING
Sorry sa typo's
GODBLESS YA'LL