Andito ako ngayon sa classroom nakikinig sa lesson ng History prof. namin ewan ko ba nakakatamad naman talaga kasi pero para sa future.
PARA SA FUTURE!
"Group yourselves into five"Utos ni Sir Domingo-History Teacher namin.
Di na ako makapili ng ka grupo dahil may humila na saakin. Ay si Kierra pala. Yung kumausap saakin kahapon.
"Grupo tayo Jamella my friend"Kierra
Simpleng tango lang sinagot ko.
"You know sobrang saya kahapon..."share niya
"...kasi pag uwian lumapit saakin si mico then inaya niya ako lumabas"pagpatuloy niya.
"Then we eat at French Restaurant. Tapos sobrang sarap pa nga mga meals doon"kwento niya habang hinahatak ako sa pinakaharap na grupo ng upuan tapos umupo siya sa tabi ko doon ko narin nakita mga ka grupo ko.
"Then after we ate he drive me home pa tapos nung nasa harapan na kami ng bahay namin he just....kissed me"kinikilig na kwento niya.
Nanlaki naman ang mata ko at agad na napatingin sa kaniya.
"Nag halikan na agad kayo?"gulat na tanong ko
"Yes ofcourse"proud na sagot niya.
"Okay so...are you guys already in your picked group?"tanong ni Sir Domingo.
"Uhmm...sir apat lang po kami kulang po nang isa"reklamo nung lalaking ka grupo namin.
"Uhmm yes because you guys are only 29 in this classroom. But don't worry we will add new student here"si Sir Domingo.
Tumango lang yung mga ka-grupo ko
"So this is your activity"sabi ni sir na may pinakitang picture rin sa screen
"This is your first activity you are going to be cooking Carbonara for your first activity this first grading. I will give three days to prepare. In three days,you should buy stuff. Sa ating Cooking room meron na tayong mga lutuan kaya ingredients na lang bibilhin niyo. UNDERSTOOD?!"-Sir Domingo
"YES SIR!"sagot naming lahat.
Nag usap usap ana kami tungkol sa first activity.
DISSMISSAL
Sa totoo exited na ako sa Monday hilig ko kasi talaga ang mga ganong bagay kaya nga HRM ang kinuha ko.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Paalis na sana ako ng bahay para pumunta sa school kaso tinawag ako ni papa.
"Bakit po?"tanong ko habang nag lalakad palapit sa kaniya.
"Anak hindi ka ba mag aagahan?"tanong niya
Napatingin naman ako ng oras sa cellphone ko. 6:40 na shooks!
"Ahh... male-late na po ako"nag-mamadaling sabi ko humalik pa ako kay papa sa pisngi at agad ring tumakbo palabas.
Ayyy sh*t nakalimutan ko yung susi ko. Eksakto namang may dumaang trycicle pumara naman agad ako.
Sumakay narin ako sigurado namang sa school ang punta may lalaki rin kasi akong kasabay na parehas rin ng uniform ng mga lalaki sa school tapos di rin ako tinanong ni kuya driver.
Pagdating sa harap ng school nag bayad ako sabay ng pag tingin ko ng oras sa phone ko 6:55
5 minutes nalang
Napatingin naman ako sa likod ko nakasunod yung lalaking kasabay ko kanina. Pero hinayaan ko nalang dumiretso nako papasok lakad takbo yung ginawa ko.
Nagulat naman ako kasi nasa tabi ko na yung lalaking kasabay ko kanina. Dumiretso lang ako papuntang room nandito na ko sa building ng HRM pero nanatili parin siyang nakasunod. Napatingin naman ako sa oras ko 6:58
Nasa harap na ako ng room nandoon na si Sir Domingo. Nakayuko akong pumasok tapos dumiretso sa upuan ko.
Pag angat ko ng tingin nakita ko naman yung lalaki na papasok dito sa room.
"Okay class,this is Edrick Ron N. Santos your new classmate" pakilala ni Sir
A-ahh so...siya yung bagong classmate?
Napatingin pa siya sakin bago dumiretso sa pag lakad. Napansin ko ring papunta siya sa direksiyon ko.
"May nakaupo ba dito?"walang ganang tanong niya
Simpleng iling lang sagot ko. Dahan dahan naman siyang umupo sa tabi ko.
"So...Ms. Manuel okay na group niyo?"tanong ni sir
So makakagrupo ko rin siya?
"Okay na po sir"sagot ni Kierra
Nag usap usap na kami tungkol sa activity mamayang uwian nalang daw bibili
DISSMISSAL
Nandito kami ngayon sa parking lot ng school inaantay mga ibang kagrupo namin. Tatlong babae lang kami ang nandito dalawang lalaki naman inaantay namin andoon pa sila sa room cleaners.
"Hay nako ang tagal naman nila"reklamo ni Dyan
Nag text narin ako kay papa na matagal ako makaka uwi.
"Andito na kami!"sigaw ni Jayson
Napalingon naman ako sa gawi nila. Kasama nila yung bagong classmate namin.
"Tara na"walang ganang pag yaya ko
Isa isa naman kaming sumakay sa mga kotse nila sumabay na ako kay Kierra niyaya niya rin akong sumabay nai kwento ko rin na naiwan ko yung kotse ko.
*
Habang papuntang mall nag kwento naman si Kierra tungkol sa mga pangyayari daw sa school niya last year. Nalaman ko rin na nag transfer lang siya dito dahil nandito pinsan niya.
"At ang pinaka worst na nagyari saakin doon sa school na iyon ay yung malapit akong mag ka boyfriend"kwento niya
Worst talaga?
"Bakit naman worst?"takang tanong ko
"Siyempre mag nag ka boyfriend ako bugbog sirado kay daddy"natatawang sabi niya.
"So...bawal ka mag ka boyfriend?"tanong ko ulit
Tumango naman siya habang diretso ang tingin sa daan.
"Di ka pa nag ka boyfriend pero nag ka first kiss ka kay mico?"-ako
Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko
"Correction fourth kiss ko na yon"natatawang ani niya
A-apat? Legit?
"Sino first kiss mo?"-ako
Tumingin pa siya saakin bago binalik ang tingin sa daan.
"Matataguan naman siguro kita ng sikreto ano?"nag aalinlangan niyang tanong
"O-oo naman"
"Si...si jayson"kabadong sagot niya.
Jayson?
"Yung kaklase natin?"-ako
Tumango naman siya
"Kaklase ko rin siya noon sa last year na school ko..."kwento niya
"...sinundan niya lang ako dito"pagpatuloy niya
"Pwede mo bang i-kwento kung bakit?"tanong ko
Bumuntong hininga naman siya.
"Mag kaklase kasi kami noon palagi kaming magkasama kaya naging mag kaibigan kami. Palagi kaming gumagala wala lang naman sakin yun kasi mag kaibigan talaga ang turing ko sa kanya. Pero...nag bago lahat ng isang araw...bigla nalang niya akong hinalikan tapos sabi niya nag sisimula na raw siyang mahulog sakin. Di ko alam nangyari saakin non bigla nalang akong tumakbo papalayo. Pumapasok ako sa school ng di siya pinapansin tapos siya naman habol ng habol. Hanggang sa natapos ang school year. Pinilit ko si daddy na lilipat ako ng school pumayag naman siya kaya nilipat ako. Di ko naman alam na lumipat di siya and ang worst mag kaklase pa kami. Tapos nung first day umaakto siya na parang hindi niya na ko kilala. Di ko alam pero sobrang naapektohan ako kahit nga ngayon tinuturing niya akong kaklase niya lang,para bang gusto niyang patunayan na kaya niya kahit wala na ako palagi sa tabi niya"malungkot na pag kwento niya.
Tumigil na ang sasakyan at doon ko napansing nasa mall na pala kami. Napalingon naman ako sa kanya may pinupunas siya sa mata niya.
U-umiiyak siya?
Lumingon siya saakin at ngumiti.
"Tara na"aya niya na nag pumaunang lumabas
Bumaba narin ako.
*
Cream
Spaghetti
Bacon
Egg
Cheese
Garlic
Black pepper
Milk
Yan listahan nga mga bibilhin namin.
"Onti lang yung nasa listahan pero mag hati nalang tayo"pag suggest ni Dyan
"Great idea"
"Oh pano sabay nalang kami ni kuyang gwapo"pag hila niya doon sa bago naming kaklase.
"O edi sabay nalang kami nila Jamella"-Kierra
Tumango naman sila.
"Hatiin na natin yung listahan"
Cheese Cream
Spaghetti Egg
Milk Bacon
Black pepper Garlic
*
Pagkatapos naming humiwalay kila Dyan nakaramdam ako ng akwardness. Bakit ganon noong hindi ko pa alam hindi ko naramdaman to tapos nung nalaman ko na parang sobrang akward.
Hinila na ako ni Kierra habang si Jayson yung may hawak ng basket.
"First on the list is Cheese"panimula ni Jayson
Sumunod lang kami ni Kierra kay Jayson.
Kumuha siya ng tatlo yung Eden ba.
Next is Yung Sapagetti. Kumuha narin siya tapos nilagay sa basket.
"Jamella ikaw nalang mag hanap ng milk wala dito eh"utos ni Jayson tumango naman ako.
Napasilip pa ako sakanila bago umalis. Sana okay lang kayo HAHAHAHA. Dumiretso narin ako sa may mga fresh milk mula dito masisilip ko pa sila, uy nag uusap sila.
Pag kakuha ko ng gatas bumalik na rin ako doon tapos napansin kong medyo namumula yung mata ni Kierra.
"T-tara na Jamella tapos naman na lahat"nginitian niya ako tapos nag pumauna nang lumabas
Napatingin naman ako kay Jayson nakita ko siyang bumuntong hininga bago dumiretso sa cashier. Nilapitan ko naman siya.
"A-ahh Jayson ikaw nalang mag uuwi niyan?"tanong ko
Lumingon naman siya tapos tumango.
"Ahh okay sundan ko nalang muna si Kierra?"pag babakasakali ko kung may pake siya
"Yes please"pilit na ngiting sabi niya
Ayy may pake pa ang koya niyo.
"Uuwi nalang rin kami bye bye"paalam ko
Tumakbo ako papalabas nakit ko naman siyang pasakay sa kotse niya.
"K-Kierra okay ka lang?"tanong ko
"M-mm i'm fine. U-uwi na tayo?"
"Hindi sasakay na alang ako"
"You sure?"
Tumango lang ako.
"Sige ingat ka"paalam ko
Umalis narin ako tapos pumara ng jeep.