Sa wakas ay natapos din ang halos isang oras na meeting ni Dos sa isang canadian investor para sa bagong branch na itatayo niya roon. Tumingin siya sa labas ng sasakyan at pinagmasdan sandali ang harapan ng isang pribadong paaralan. Halos isang oras na rin nakaparada ang sasakyan niya roon at naantala ang plano niya dahil sa emergency meeting na iyon. Binasa niya ang nakasulat sa harap ng building. Ayon sa private investigator ay doon nag-aaral ang batang kaibigan ng Mama niya. Ibinaba niya ang bintanang salamin ng kotse saka muling tumingin sa loob ng paaralan. Maya-maya pa’y nagsimula nang magtakbuhan ang mga batang galing sa kani-kanilang classroom. Bumaba siya sa sasakyan at lumapit sa security guard. Pagkatapos magpakilala at ipakita ang kanyang ID ay magalang siya nitong pinap

