Tumigil si Savannah sa paghakbang papasok sa ospital saka nakakunot ang noong niyuko si Jewel. Maaliwalas ang mukhang tumingala ito sa kanya saka humawak sa kamay niya. “Let’s go, Mommy! Baka hinihintay na ‘ko ni Lola. Kawawa naman siya,” excited na sambit nito saka hinila siya nito papasok sa ospital. Pero pinigilan niya ito at hinila papunta sa lounge area ng ospital. Sa totoo lang ay hindi niya kilala kung sino ang tinutukoy nitong lola na ayon dito ay matagal na nitong kaibigan. Though Jewel told her how that friendship started, she still felt something amiss. Kahit na para sa kanya ay walang pinipiling edad ang pagkakaibigan ay hindi pa rin niya maiwasan ang mag-alala. Kaya minabuti niyang kumbinsihin ito na bisitahin ang tinutukoy nitong kaibigan pero nagulat siya nang imbes s

