Clutching her bag, Savannah walked towards the hall. Bumungad sa kanya ang karamihan sa mga tao na nabibilang sa alta-sociedad na halos lahat ay abala sa pakikipag-usap sa mga kapwa-bisita. Kilala niya ang ilan sa mga ito but they didn’t seem to recognize her even though Hayson introduced her to some of the guests who were constantly greeting him as they walked side by side. Maya-maya pa ay napilitan itong magpaalam sa kanya para pagbigyan ang isang bisita roon na lapitan ang isang grupo ng mga kalalakihan na seryosong nag-uusap. Tahimik niyang tinungo ang sulok na bahagi ng bulwagan pagkatapos ay inilibot ang mga mata sa paligid. Hayson was glancing at her direction from time to time while conversing with other men in suits. Maya-maya pa ay nagsimula nang umilaw ang bahagi ng stage

