Namumula ang mga matang tumingin si Dulce kay Savannah habang umiiling na nakatingin sa telepono na nakadikit pa rin sa tenga niya. Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso siya sa bake shop sa isang mall. Bumili siya ng paboritong cake ni Jewel na ni-request nitong pasalubong nang hindi inaasahan ay nakasalubong niya si Dulce. Umiiyak habang mabibilis ang mga hakbang. Tinawag niya ito na agad naman lumingon sa kanya kasabay ng pagbagsak nito dahil nawalan ng malay. Mabuti na lang at nasalo niya ito at na-revive pagkalipas lang ng ilang minuto. They were on their way to the hospital pero tumanggi itong dalhin doon. Nagtatakang sandali niyang tinitigan ang dalaga. Dati-rati ay ito mismo ang gumagawa ng paraan at dahilan upang makita ang nobyo pero ngayon ay pinipigilan siya nitong kausapin ito
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


