KABANATA 58 MARIA POV Pababa na ako ng hagdan at nakita ko na agad na abala ang mag a- ama sa kitchen ngayon. Sumilip ako at napa ngiti na lang ng makita kong katulong ni Lorence sa pag luluto ang mga bata at masaya silang nag ku- kwentohan. Ang sipag naman ata ng mahal ko ngayon.. ibang iba talaga kapag may dilig e. Bumalik ako sa salas at na upo dahil naka ramdam ako ng pagka hilo. Para bang pagod na pagod ang katawan ko ngayon at walang gana kumilos. Pero, kailangan ko ng tapusin si Mr. Pamfilo. Ngunit, naka idlip pala ako sa aking pag kaka- hilig dito. At nagising na naka sandal na ang ulo ko sa balikat ni Lorence. “ Hon. Bakit hindi mo naman ako ginising? ” I ask. “ I guess you need some more rest so, I let you sleep for a while again. Kumusta ang pakiramdam ng mahal ko? ”

