Pinag papawisan ako habang nag lalakad papasok sa bahay ng pamilya ni Uno. Late na ako at malamang ay lagot na ako nito kay Uno. At tulad ng inaasahan ko, lahat ng mga mata ay naka tutok saakin. “ Uhh. Pasensya na po kayo late ako. Magandang gabi po. ” Nahihiyang sambit ko. Tumayo si Uno at hinila ang isang upuan para maupo ako. Malakas ang kabog ng aking dibdîb. Para bang hinuhusgahan ako ng kanilang mga tingin. “ You're gorgeous Hija. Ano ba ang skin care mo? ” Nanlaki ang mata ko sa narinig kong sambit ng isang ginang.. napa tawa naman ng mahina si Uno at umiling pa. “ S'ya si Tita Austere ang nag palaki saamin ni Dos. ” Pag papakilala ni Uno. “ Ay! Hello po ako pala si Maria. Wala po akong gamit na skincare. Mahal kasi ang mga iyon Tita. ” May pagka kwelang sambit ko. Alangan

