Kanina pa ako tumatawang mag isa dito sa loob ng magandang kwarto. Naitaob ko agad si Lester na bunsong kapatid ni Lorence. May masamang balak siya ngunit, agad ko na siyang naitulak palabas ng kwarto. Akala ata niya ay makaka isa siya. Akala ata niya ay ako pa rin ang dating Natasha na kilala nila. Malamang ay iku- kwento niya ito sa kanyang pamilya at hindi naman sila maniniwala dahil nga may amnesia ako at kaka balik ko lang. Iisipin lang nila na nababaliw na si Lester. Tumayo na ako para hanapin ang mga hidden voice recorder. Alam kong napaka rami nito at alam ko rin na may hidden cctv camera dito. Napa ngiti ako ng isa isa kong mahanap ang mga ito. Sinira ko ito at hinanap ang iba pa. Meron sa drawer, luxury walk in closet, sa loob ng banyo at meron din sa ilalim ng kama. Talag

