Salvia’s POV
Maaga akong gumising para maipagluto ang anak ko. Masaya ako kahit dalawa lang kami dahil mabait at masunurin na anak si Diane. Wala pa itong naging boyfriend sa buong buhay nito. Maaga pa naman alas-sinco pa lang ng umaga. Habang nagluluto ako hindi ko napansin kong nasa likod ko na pala ito sabay yakap sa akin. Malambing ito pagdating sa akin. Hindi ko alam kapag sa ibang tao.
“Anak, tapos ka na bang maligo?”
“Hindi pa, Ma. Maaga pa naman, mamaya na lang, pagkatapos ko na lang mag-almusal. Ano po ang niluto mo?” malambing niyang tanong sa akin.
“Ginisang kangkong, anak. Paborito mong ulam.”
“Wow! Kaya pala ang bango, Ma!” excited niyang sabi.
“Pakilagay na lang ng plato sa mesa, anak.”
“Sige po, Ma.”
“Oh, damihan mo ng kain anak, para hindi ka gugutumin sa loob ng opisina mo?” “Salamat Ma.
“Nga pala, Ma, mamaya lalabas tayo. Half-day lang ako ngayon sa trabaho susunduin kita mamaya dito sa bahay.
“Sige, anak, tapusin ko lang ang trabaho ko rito.”
“Ma, may katulong naman tayo dito sa bahay hindi mo na kailangan magtrabaho pa?” boglang tanong niya. Hindi rin kasi ako sanaya nang walang ginagawa rito sa bahay kaya ako na ang madalas na nagluluto.
“Anak, alam mo naman sanay ako sa gawaing bahay,” sagot ko sa kanya.
“Basta Ma, bawal sa ‘yo ang mapagod.”
“Oo na kaya umalis ka na ma-late ka pa sa trabaho mo. Bakit kasi wala ka pang boyfriend, para naman mabigyan mo ako ng apo,” sabi ko. Baka sakaling makalusot. Gusto ko na rin namang may makasama riot sa bahay. bukod sa mga kasambahay.
“Ma, naman! Alam mo naman ayaw ko pa mag -boyfriend Ma,” ani ng anak ko. Natawa ako nang palihim.
“Eh, kailan pa magbo-boyfriend? Tatanda na ako wala man lang ako apo sa ‘yo.”
“Sempre Ma, hindi pa sa ngayon.”
“Hay naku bata pareho talaga kayo ng ama mo,” sumusukong untag ko sa kanya.
“Sige Ma, alis na po ako yung mga bilin ko ha ‘wag kang, lalabas ng bahay hintayin mo ako.
“Humalik muna ito sa akin bago lumabas ng bahay.
Napakasuwerte ko sa anak ko dahil mapagmahal ito sa kanyang magulang. Pinagmasdan ko lang ang papalayong sasakyan nito hanggang sa hindi ko na ito nakita.
Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang may biglang tumutok sa akin, ng baril .
“Sino ka?”
Hindi ito nagsalita ang lalaking nasa harap ko. Panay atras ko papasok sa loob ng bahay ko. Ito na nga kinatatakutan ko mangyari sa buhay namin mag-ina. Iisa lang ang taong alam ko na may galit sa pamilya namin alam ko hindi ito titigil hangga't hindi niya ako makuha kapalit ng anak ko. Galit rin ito sa asawa ko dahil nabuking niya ito kung ano ang negosyo niya. Nakulong ito ng isang taon.Akala ko habang buhay na ito sa kulungan pero nagkamali ako ngayon nakalaya na ito mula sa kulungan. Labis na kinatatakutan ko para sa anak, ko?”
“Ano ang kailangan mo sa akin?” saad ko rito.
“Ako wala, pero ang amo ko meron.”
“Sino ang amo mo?” pasimpleng tanong ko. Pero ngumisi lang siya. Bigla akong kinilabutan. Mabuti na lamang at nakaalis na ang anak ko.
“Si Rondo Bang, siguro naman kilala mo siya? Sumama ka na lang sa akin, para hindi ka masaktan.”
“Ayaw ko sumama sa ‘yo, kahit patayin mo pa ako!” mariing sabi ko. Huwag sana bumalik ang anak ko rito sa bahay. Mas maigi na lang na ako ang makuha nila ‘wag lang ang anak ko. Kahit kinabahan ako pilit ko pa rin makipagsagutan sa lalaking ito. Pero tumutok ito ng baril mula sa tagiliran ko.
Naglakad ako na para bang walang nangyari sa akin.
“Bitawan n’yo ako!” Nagpumiglas ako ngunit wala akong magawa.
“Misis, sumama ka na lang sa amin para hindi ka masaktan.”
Lihim akong nanlaki nang makitang kong dahan-dahang nagtungo ang anak ko sa gilid ng halaman. Papalapit sa namin. Nandito na pala siya! Alam ko kaya niya labanan ang tatlong lalaki na ito pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan at baka may mangyaring masama sa kanya.
Maya-maya ay biglang napahandusay ang isa sa mga kasama nito sa lupa at agad na snaigo sa sarili nitong dugo.
“F**k!” mura ng lalaki humawak sa akin.
“Sa tingin mo ba makakalabas ka nang buhay rito sa bahay ko?” saad ko sa lalaki.
Akmang babarilin niya ako nang bigla na lang ito humandusay rin sa lupa kasama ang dalawa pa nitong kasama. Nakahinga ako nang maluwag kahit nanginginig ako sa takot.
“Ma, ayos lang po ba kayo? Mabuti na lang bumalik ako,” untag ni Diane.
“Oo, anak, okay lang ako.”
Yumakap ito sa akin sabay halik sa noo ko. Hindi alam ng anak ko na si Rondo ang may gawa nito. Hindi ko sinabi rito alam ko susugod ito kung saan si Rondo. Kaya nilihim ko na lang sa kanya ito. Pumasok kami sa loob at pinakawalan ang katulong na nakatali sa kusina.
“Ma, dito ka lang may tatawagan lang ako,” saad nito sa akin, kaya hinayaan ko lang ito. Maya-maya ay may narinig ako na may paparating na sasakyan.
Tinignan lang ko lang ang anak ko habang may kausap ito sa labas ng bahay namin. Kinuha na rin nila ang bangkay ng tauhan ni Rondo. Nakahinga ako nang maluwag ng umalis ang mga pulis sa bahay namin. Lumapit ang anak ko sabay yakap nito alam ko nag-alala rin ito sa akin.
“Ma ,sigurado ka ba na okay ka lang may masakit ba sa ‘yo?”
“Oo, Diane. Maayos lang ako,” paniniguro ko.
“Ma, kilala mo ba sila?” biglang tanong niya kaya saglit akong natigilan.
“Hindi, anak. Ngayon ko lang sila nakita,” sabi ko. Ayaw kong malaman niya dahil tiyak na mapapahamak siya. Ayaw ko itong mapahamak, kaya mas maigi na ilihim ko tungkol kay Rondo Bang. Matagal na itong may gusto sa anak ko pero ayaw ng asawa ko sa kanya dahil sa negosyo niya at masamang tao rin ito.
Isang beses lang kami nagkita ni Rondo, habang nasa mall kasama ko noon ang anak ko. Akala ko ay titigil na ito sa pagsunod sa amin pero nagkamali ako. Para itong baliw, nakasunod sa anak ko.
“Ma, bakit tulala ka?”
“Wala, anak, may naalala lang ako.”
“Ma, sasabihin mo sa akin, kung may alam ka para matigil na ito gusto ko lang na protektahan ka, Ma, mula sa kalaban ni Papa.”
“Anak ‘wag kang mag-alala kung may alam ako sasabihin ko sa ‘yo,” pagsisinungaling ko sa anak ko.
May isang lalaki pumasok sa loob ng bahay namin inabot niya sa anak ko na kulay brown envelope. Agad rin ito umalis siguro tauhan niya ito sa trabaho.
“Ma, tara na po saad nito sa akin sabay hawak sa kamay ko.
“Anak, bakit ka pala bumalik sa bahay tanong ko mula sa anak ko.
“Ma, naiwan ko po ang cellphone ko sa kwarto ko kaya bumalik po ako. Pero nagtataka lang ako bakit may sasakyan sa tabi ng bahay natin. Kaya nagmadali akong pumasok sa loob. Mabuti na nga lang mubalik ako kung hindi nakuha ka na ng mga ‘yon, kailangan ko na rin lagyan ng CCTV sa paligid Ma. Para makita ko kayo kahit sana trabaho ako,” aniya pa.
Nakatingin lang ako dito habang nagmamaneho ng sasakyan nito. Seryoso ito nakatingin sa daan.
“Ma, okay ka lang ba? Bakit bigla kang natahimik d'yan?” usisa niya.
“W—Wala, anak. Naisip ko lang lang, paano kaya kung hindi ka dumating kanina. Tuluyan na siguro ako makuha ng mga armadong kalalakihan na iyon,” sabi ko para hindi siya magsuspetsa.
“Hindi ko hahayaan na makuha ka nila, Ma. Dadaam muna sila sa akin bago ka nila makuha. Handa akong pumatay ng tao kapag nalaman ko may nangyari masama sa ‘yo, Ma. Ikaw lang ang meron ako.” Parang hinaplos naman ang puso ko sa sinabi niya.
Nakarating kami sa isang restaurant sa Makati. Bumaba muna ito bago umikot para pagbuksan ako. Ang sweet talaga ng anak ko. Pumasok kami sa loob ng restaurant. Ipinaghila n'ya ako ng upuan saka ito umupo sa harap ko. Lumapit sa amin ang isang babae naka -uniform ito ng puti may nametag pa ito sa taas ng dibdib nito.
“Hi po, Ma’am. Ano po ang order natin?” sabay ngiti sa amin.
Tumingin muna ako sa menu bago umorder ng pagkain namin.
“Anak, ikaw anong gusto mo?
“Ma, kung ano sa ‘yo, iyon na rin sa akin,” saad nito.
“Miss, dalawang rice with chicken dalawang mango juice pati dalawang pasta with sauce,” sabi ko sa babae. Napatingin ako kay Diane dahil parang malalim ang kanyang iniisip.
“Sige po, Ma’am.” Agad umalis ang babae sa harap namin.
“Anak, okay ka lang ba, bakit parang balisa ka?” untag ko. Pero may hinala na akong iniisip niya pa rin ang mga nangyari. Kilala ko ang anak ko, hindi siya titigil hangga’t hindi niya nalalaman ang taong may pakana sa naging kapalaran ng ama niya.
“Wala Ma, may konting problema lang sa trabaho ko.”
“Anak, kung may problema ka sabihin mo sa akin baka makatulong ako sa ‘yo,” untag ko sa kanya.
Maya-maya ay dumating na rin ang order namin, alam ko paborito ito ng anak ko kaya ito ang in-order ko para sa kanya. Nag-umpisa na itong kumain nakatitig lang ako rito ngayon ko lang napansin naging seryoso ang mukha nito.
Hanggang sa natapos kami kumain at nagtungo kami sa mall ng Makati.
“Ma, may gusto ka bang bilhin dito?” tanong niya sa akin.
“Oo, anak.” pumasok kami sa department store. Mas maigi an rin ito para malibang siya at makalimutan niya ang mga nangyari.
“Anak, ito bagay sa ‘yo.”
“Ma, ikaw na lang bibili marami na akong damit sa bahay hindi ko na nga ma suot ang iba dahil sa sobrang dami na,” aniya. Napailing ako.
“Iba naman ‘yon, anak. Alam mo naman bihira lang tayo magkasamang lumabas, tulad ngayon. Kaya pagbigyan mo na ako, ngayon lang naman.”
“Sige po, Ma. Ano pa ba magagawa ko?” aniya. Nakahinga ako nang maluwag.
Pero maya-maya ay may narinig kami sumisigaw sa loob ng mall na ito. Agad kaming lumabas para tignan ito limang lalaki na tinutukan ang babae ng patalim sa leeg nito.
“Anak, dito ka lang ‘wag kang lalapit,” mariing hawak ko sa kanya.
“Ma, kailangan ko tulungan ang babae,” aniya. Napabuntonghininga ako. Alam ko naman na wala akong magagawa dahil likas talaga siyang matulungin sa kapwa niya, kagaya ng kanyang ama.
“Sige mag-ingat ka, ha?”
“Opo, Ma. Dito ka lang babalik ako.”
Nagtago ito sa malaking poste habang ang limang kalalakihan hila-hila ang babae papasok sa isang pinto.
“Tulong!” saad ng babae.
Alam ko kaya ng anak ko ito dahil sanay itong makipaglaban. Ngunit nag-alala pa rin ako sa kanya baka may masamang mangyari. Pinagmasdan lang namin ang mga kalalakihan.
“Huwag kayong lalapit dahil papatayin ko ang babaeng ito.!” saad ng lalaki. May mga pulis na rin sa paligid. Kita ko kung paano tumilapon ang isang lalaki.
“Anak, mag-ingat ka!” bulong ko sa hangin.
Kita ko kung paano makita pagsuntukan sa mga lalaki ang anak ko mabilis ang galaw nito hindi ito gumamit ng patalim dahil alam nito maraming tao sa paligid. Ayaw nitong may madamay na inosenteng tao.
Lihim ako nanalangin sa diyos na sana walang masama sa anak ko. Hanggang sa naubos ang mga lalaki. Agad ako lumapit sa anak ko sabay yakap dito .
“Anak, okay ka lang ba?”
“Opo Ma, ayos lang po ako ‘wag po kayong mag-alala sa akin.”
“Dalhin ‘yan at ‘wag ninyong hayaan makatakas,” aniya sa mga pulis.
“Yes, Ma’am.”
Lumapit naman ang babae sa anak ko. “Ma'am, salamat po sa pag-ligtas ng buhay ko kung hindi dahil sa inyo pinaglamayan na ako ngayon ng pamilya ko.”
“Wala ‘yon, Miss, sa susunod mag-ingat ka?”
“Opo, Ma’am. Salamat po talaga.”
“Sige alis na kami” saad nito sa babae. Inakbayan ako ni Diane. “Tara na po, Ma.”
“Anak, ano yan,?” turo ko sa bandang gilid nito sabay hawak kung saan may pula sa gilid ng damit nito.
“Anak, may sugat ka!”
Dali-dali ko itong pinaupo sa upuan.
“Hindi ka nag-ingat, Ayan tuloy may tama ka!”
“Ma, malayo pa naman sa bituka hindi pa naman ako mamatay riyan,” kalmadong sabi lang niya, samantalang ang kaba ko ay abot-langit na.
“Anak, kahit na. Hindi ka kasi nag-ingat, ‘di ba sinabi ko na sa ‘yo?”
“Opo. Sorry na, Ma. Hindi ko naman po alam na natamaan pala ako ng gagong ‘yon.”
Nakangisi pa ito tumingin sa akin. Kung wala lang itong tama ng baril ay baka kinurot ko na ito. Makulit rin ito na parang walang
kinatatakutan.