PRINSESA PRIYA “Kilala mo siya?” Tanong ko sa kanya habang nakaturo ang daliri kay Fernan na nasa likuran ko. “Ah, eh… familiar. Pero baka kamukha lang niya.” Sagot sa akin ni Talya. “Sige pasok kayo.” Alok niya sa amin. Malaki at malawak ang klinika ni Talya. Pinasadya talaga ito ni Ama. Kaya kasya hangang sampo na pasyente dito. May sampu kasing papag na kawayan sa loob ng klinika may katamtaman ang kapal na kutson at isang unan. Semento din ang sahig at may mga bintana. Malamig din sa loob dahil sa tuyong dahon ng anahaw ang bubungan. Kahit may kakayanan kaming gawing modernisasyon ang aming mga tahanan sa lahat ng tribo na naririto ay mas pinili ni Ama na maging simple ang aming pamumuhay. Malayo sa luho ng mga taga suidad. Yun ay upang hindi kami masilip ng mga masasama ang inten

