PRINSESA PRIYA Hindi ko alam kung anong oras na ako dinalaw ng antok at nakatulog kagabi. Pinupuno ko ng galit ‘tong baliw kong puso na ayaw sumunod sa akin. Bakit ganun? Sa kabila ng nararamdaman kong sakit. Umaasa pa rin ako na babalik siya. Isa siyang malaking kasinungalingan. Sana naging masamang panaginip na lamang siya para hindi na ako gigising sa umaga ng ganito. Para hindi na rin ako aasa na babalik siya. Bakit ba kasi ako umaasa?! Wala naman siyang sinabi na mahal niya ako. Ang sabi niya lang ay gusto lang niya ako. Yun pala gusto niya akong paglaruan at paasahin. Bakit naman kasi ako aasa wala naman kaming relasyon. Bukod doon ninakawan pa niya ako ng halik. Halik na hindi ko lubos maisip na paulit-ulit na umuukit sa makulit kong isip. Masarap kasi! Kahit makati yung bigote n

