PRIYA Narinig ko ang pinag-usapan nila ni Xandro kaya narito kami sa kuwarto upang pag-usapan yun at hindi ako papayag na siya lamang ang mag-isang haharap sa kanyang Lolo. Ayoko nang magtago at palagi na lamang siyang lulutas ng problema. Dahil kung tutuusin problema yun naming dalawa. “Pero Priya? Mapanganib, hindi mo kilala si Granda. Ayaw niya sa relasyon natin dahil mas gusto niyang makasal ako kay Madie.” Katwiran ni Fernan. “Pero hindi sapat na dahilan yun para itago mo ako Fernan!” Singhal ko sa kanya. Hinarap niya ako at hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Hindi kita itinatago Priya, ayoko lang na may mangyari na hindi natin inaasahan. At isa pa, buntis ka kaya uunahin ko muna ang kapakanan mo.” Dagdag pa niya. Sinalubong ko ang tingin niya sa akin. “At sa paanong p

