PRINSESA PRIYA Tinangal ko ang tali na telang nakapaikot sa aking beywang upang ipantali sa sugat niya sa braso. Habang pinagtutulungan nila ang pag buhat kay Tori para mailagay sa balsa pabalik ng banwa. “Sayo muna ito, para tumigil ang pagdurugo ng braso mo.” Nakayukong sabi ko sa kanya. Habang tinatali ko ang tela sa braso niya. Alam ko kasing sa akin siya nakatingin at hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga mata. Ngayon pa lamang ay pipigilan ko na ang umuusbong na damdamin ko para sa kanya. Ramdam ko na hindi siya nababagay dito. At ayoko din na siya ang pumalit sa trono ni Ama. Dati iniisip ko lang na hindi siya karapatdapat pero ngayon may kakaiba sa kanya akong nakikita. Ibang-iba ang itsura niya kanina habang nakikipaglaban kami kaysa noong mga nakaraang araw na pagiging lam

