Chapter Thirty Four Princess pov " khal, wait, kukunin ko lang muna yung bag ko sa office. Nandoon kasi yung phone ko, alam mo naman yung panganay mo, malamang lamang tadtad na naman yun ng missed call. Sandali lang ako, hintayin niyo muna ako dito nila jigs. " akmang tututol pa siya ng dampian ko siya ng halik sa labi ng mabilis. At dire diretso kong tinungo ang pintuan ng opisina niya pero bago ko pa maisarado iyon narinig ko pa ang mga sinabi niya. " be careful, mine. " Hindi naman malayo ang lalakarin ko papunta sa aking opisina dahil halos ilang hakbang lang naroroon na ako. Bawat hakbang na aking ginagawa, bumibigat ang aking pakiramdam, hindi ko maiwasang mag isip dahil nahaharap na naman kami sa isang napakalaking problema. Ngayong nalaman na ni molina ang katotohanan, hindi

