Chapter Twenty Eight Jigs pov " Look at this, jigs." napatingin ako sa brown envelop na ipinatong niya sa aking harapan. Kasalukuyan kaming nandito sa headquarters ni brad. Kapag kasi hindi ako nakakadalaw kayna cess at sa kambal dito ako naglalagi sa opisina para asikasuhin ang mga nakabinbin naming kaso. Ako kasi ang nagsisilbing boss ngayon dito dahil wala si khal. Marahan ko iyong dinampot at binuksan. Kinuha ko isa isa ang mga litratong nandoon, bawat tingin at sulyap ko doon pabilis ng pabilis din ang t***k ng aking puso. Why? How? What is really happening? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin dahil napakaraming gumugulo at naglalaro sa aking isipan. Ilang beses ko pang paulit ulit na tiningnan ang mga litrato pero talagang hindi ko talaga maalis yung kakaibang kaba a

