Chapter Thirty Khal pov Halos mapunit ko ang mga pictures na aking hawak hawak, nanginginig ako sa sobrang galit. Gusto kong manakit, manapak at magwala dahil sa sobrang galit na aking nararamdaman. Nalukot ko ang mga litratong aking hawak hawak at inihagis ko iyon kung saan na lang. Kasalukuyan akong nandito sa headquaters kasama sina jigs at brad.. They were silent at mataman nila akong pinagmamasdan. Tahimik sila at walang kagalaw galaw, so ito pala ang sinasabi sa akin ni jigs na importante kaya wala sa oras na umalis ako sa bahay ng mga montefalco kahit ayaw kong iwan ang aking mag iina doon. Kitang kita ko pa ang lungkot at panghihinayang sa mukha ng aking bunsong prinsesa ng sabihin kong kinakailangan ko ng umalis. Nangako naman ako sa kanya na ako ay babalik para makabawi ako sa

