Yanyan's "Yanyan ko." Napakamot na ako sa ulo ko habang tinitingnan siyang magpagulung-gulong sa kama ko. Kanina pa 'yan, eh. Parang bulateng inasinan, hindi mapakali. Humarap ulit ako sa laptop ko para magbasa. Minsan na nga lang ako mag-aral, eh, edi lubusin na! "Yanyan. Pansinin mo 'ko." Parang bata niyang sabi. Pumikit ako at nagbilang ng tatlo bago siya lingunin. "Kanina ka pa, ah! Ano bang problema mo?" Ngumisi-ngisi siya. Lumapit siya sa'kin at hinila ako. "Hindi mo 'ko pinapansin, eh." "Ay, ano ba 'yan!" Napasigaw ako nang itulak niya ako pahiga sa kama saka siya pumaibabaw sa'kin. Nakatukod yung mga siko niya sa magkabilang side ng ulo ko. Tinulak ko siya sa parteng dibdib pero tumawa lang siya. Nakakaasar naman 'to! "Alis nga riyan, Steff!" Tinaasan niya lang ako ng kilay.

