Cindy's Hay, buhay. Parang life. One. Two. Three. Four. Five. Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. Ilang oras na rin na wala siya. Ay wow, naging pink na dito mata ko't lahat-lahat tapos wala pa rin siya? Ano 'yon, na-amnesia? Nalimutan nang may girlfriend siya? Galing! Usually nandito na agad 'yon at nakikipaglandian sa'kin. Lalo na't walang pasok. "Walang poreber!" Tiningnan ko nang masama si Yan. Bwisit 'to, kita nang naba-badtrip na 'ko tapos sasabihin pa 'yon? Porke nagka-develop-an na sila ng kapatid ko, ganern? Gano'n na 'yon? "Hoy, babae! Manahimik ka riyan!" "Hala. Depensib, eh." Painosente niyang sagot sabay angat ng hawak niyang phone. "Nanonood kaya ako!" "Anong pinapanood mo, aber?" "Tom and Jerry!" Masigla niyang tugon. "Letse!" Iritableng sagot ko. "Palamon ko sa

