Chapter 17

2471 Words
"Cinderella, magpapasa ka talaga ng sunog?" Napakunot ako ng noo sa sinabi ng one and only naming professor sa biology na si Sir Tres. "Cindy po, Sir." Binigyan niya ako ng bored na tingin at ibinalik ang focus doon sa skeletonized na dahon na pinasa ko na sunog daw. "Wala akong pakialam. Ngayon, anong grade ang ibibigay ko sa'yo kung out of ten na pinasa mo, isa lang ang matinong nagawa mo?" Inirapan ko siya na nakita niya naman. Sus, bahala siya riyan. Akala niya ba ang dali-dali ng pinagawa niya? Ang dami naming nagpasa na palpak halos lahat ng ginawa tapos ako lang ang pagsasabihan niya? Eh, kung salpakan ko kaya ng dahon 'yang bibig niya para manahimik na lang siya? "Bahala po kayo, Sir." "Ano bang grade ang gusto mo?" Tanong niya na hindi pinansin ang kagaspangan ng ugali ko. "Malamang, Sir, uno siyempre." Sagot ko. Nakakaloko lang yung tanong niya, ah. "O, sige. Tres ang grade mo para masaya." "Oh, edi wow," sagot ko ulit. Tinapik naman ako ni Juliet sa tagiliran at sinenyasan na huwag na akong sumagot pa ulit. Napaismid na lang ako at sinunod ang napakabait kong girlfriend. Bwisit kasi 'yang prof na yan. Ako lang talaga ang napuna? Kamusta naman yung gawa ng iba na halos konting ihip na lang ng hangin, e, magiging abo na? Masyado talaga akong favorite ni Sir, masyadong nagpapapansin sa akin. Kung bakit naman kasi ipinanganak ako na nuknukan ng ganda na hindi ko pinagsisisihan. "Okay, class," Pukaw ng magaling naming guro sa atensyon namin. Agad naman silang tumahimik at talaga namang nagpapanggap na akala mo ay nakikinig. "Kamusta na yung pinapagawa ko sa inyo? Kapag 'yan pangit, ibabagsak ko kayo." Lumingon siya sa'kin at ngumisi. "Katulad ng kung paano ko ibabagsak si Cinderella." Napasinghap ako at pinanlisikan siya ng mata. "Ako na naman, Sir! Yung totoo, gandang-ganda ka sa akin, 'no?" "Hindi. Favorite lang talaga kita." "Pwede iba na lang maging favorite ninyo? Huwag ako!" Naiinis na pakiusap ko. Palagi na lang ganito ang senaryo namin simula nung mahuli niya akong bina-bad mouth siya sa mga kasama ko. Aba, malay ko bang nasa cafeteria din siya no'ng time na 'yon! At ito na nga. Ang mga hinayupak ko namang mga kaklase, akala mo nanonood ng comedy at wagas kung makatawa. Akala ba nila natutuwa ako? Puwes, hindi! Eh, kung sila kaya ang makipagsagutan dito para maging bida sila sa subject namin? Nakakainis! Kinalabit na naman ako ni Juliet at sinenyasan na mag-relax lang. Duh, paanong magre-relax kung nakakainit ng ulo itong prof namin na sagaran ang pagka-praning! "Tumawa pa kayo at flat five ang magiging grade ninyo." Banta ni Sir na ikinatahimik ng lahat. Takot lang nila kay Sir. Ipinanganak yata sa sama ng loob. Alam mo 'yon, kung titingnan, ang bata pa naman niya pero parang araw-araw siyang broken hearted at ang trip ay asarin kaming mga estudyante niya. Lalo na ako na 'di hamak na maganda lang. "Class, yung mga gawa ninyo, pakiayos. Ang tagal-tagal na niyan pero hindi ninyo pa tapos. Sinasabi ko sa inyo, babagsak talaga kayo sa akin kung ganyan kayo katamad." At ayan po, namanata na naman siya at pinakain kami ng tone-toneladang sermon. At hindi pa nagtatapos diyan ang lahat, pinag-report niya agad yung isang group ng biglaan. Oh, well, nagbilin na rin naman siya na magkakaroon ng surprise report kaya dapat handa. In my case, nagpapasalamat akong hindi ako magre-report ngayon dahil wala akong ni-research na kahit ano. Napatingin ako kay Juliet na seryoso lang na nagsusulat at nakikinig sa report ng mga kaklase naming kasalukuyang sumasabak sa giyera dahil sa mga deadly na tanong ni Sir Tres. Ang ganda niya rin pala kapag seryoso. As in! 'Yon nga lang, mas maganda pa rin ako. Tiningnan ko yung hand-writing niya, ang ganda rin, injerness. Napatingin naman ako sa sulat ko at, well...sabihin na lang natin na hindi nagmana sa kagandahan ko ang penmanship ko. Parang kinalahig lang ng dinosaur. Napaisip ako nang isulat niya ang date ngayon at na-realize na malapit na ang monthsarry namin. Ew, monthsarry? Seriously, Cindy? Ang korni ko na talaga. At kailan ko pa nabigyang pansin ang pagkakaroon ng monthsarry sa relationship? Ganoon na ba kalakas ang gayuma ni Juliet at nagiging sentimental na ako sa usaping pag-ebeg? Nakakaloka. Pero guess what? Napa-paranoid ako! Anong gagawin ko sa monthsarry namin? Isu-surprise ba siya? Anong klaseng surprise? Kakantahan? Sasayawan? Ipagluluto? Ipaglilinis? Regalo —anong regalo? Cellphone? Kotse? Bag? Damit? Relo? O sarili ko na lang kaya? Napailing ako sa huling naisip ko. Ang manyak mo, Cindy. Kasalanan ni Juliet 'to, eh! -- "Ate!" "Ano bang gusto mo?" Naiinis na tanong sa akin ni Ate Steff. "Ate ka ng ate diyan pero wala ka namang gustong sabihin! Isa pang ate mo—" "Ano? May gagawin ka sa'kin?" Nakataas-kilay kong tanong. Nakauwi na ako lahat-lahat pero ito, praning pa rin ako sa kung anong pwedeng gawin para sa monthsarry namin ni Juliet na mukhang walang problema sa buhay. Para naman siyang asong bumahag ang buntot at alanganin na ngumiti sa akin. "Wala siyempre! Ikaw talaga." "Kailangan mo akong tulungan." Sabi ko na lang at sinabi ang salitang napaka-bihira ko lang sabihin dahil sa palagi akong nagmamaganda... "Please?" At dahil maganda ako at kahali-halina sa paningin, plus na yung nakakaakit kong boses, lumambot ang facial expression ng cute kong sister at ngumiti na parang ngayon niya lang na-realize na dyosa pala ako. "Sure, anything for you, Cindy. Ano ba 'yon?" "Ibili mo ako ng kotse." Buong puso at kapal ng mukhang pakiusap ko. Nanlaki ang mata niya at walang kiyemeng binatukan ako ng malakas. "Gaga! Anong tingin mo sakin, sumusuka ng ginto?" Namimilipit na hinawakan ko yung noo kong napuruhan niya at ni-wrestling siya sa sahig. Nagpagulung-gulong kami habang wala akong tigil sa pagbatok at pagkurot sa kanya na ikinatili niya. "'Langya ka, Ate, masakit 'yon!" "Aray! Bumitaw kang hanimal ka! Ang sakit ng kurot mo! Ouch!" Sigaw niya pabalik habang pilit na iniiwasan ang mga kamay ko. Napunta siya sa ibabaw ko at kinagat yung kamay ko kaya napasigaw ako. "Aray! Susumbong kita kay Mama!" Naiiyak na sigaw ko habang gumaganti sa kanya. "Mama!" "Sige, pumunta ka ng Holland at isumbong ako! Hindi kita pipigilan!" "Pahingi pamasahe!" "Asa! Manlimos ka!" "Ang pangit mo!" "Mas pangit ka!" "Excuse me? Ikaw 'yon!" "Good evening, neighbors! Dandanadanan, dandanandanan, dandanandanan!" Natigil kami sa pagwr-wrestling nang marinig namin ang matinis, mataas, at nakakairitang boses ng pinsan kong si Yanyan na mukhang kakauwi pa lang at imbes na sa bahay nila dumiretso, eh, naglakwatsa pa muna rito sa napaka-humble naming pamamahay. Nakita namin kung paano siya kumandirit habang naglalakad at kung paanong exaggerated na nanlaki ang mata niya nang makita kami, "Hala, anong ginawa ninyo?" Napatingin ako sa ate ko na automatic na naging heart ang mata matapos masilayan ang babaeng matagal nang kumukulam sa kanya. "Yanyan ko, na-miss kita!" The end. Charot. Nagsimula na silang maglandian sa harap ko. Hindi yung landian na katulad ng ginagawa namin ni Juliet kung hindi yung landian na habulan-g****a ang peg. Umaalingawngaw na naman sa bawat sulok ng kabahayan ang nanghihilakbot na sigaw ni Yanyan at ang makapanindig balahibong tawa ni Ate Steff na alam mong may masamang binabalak na magpapa-berde ng pag-iisip ng kahit na sino. "Steff! Wah! Ayoko! 'Wag!" "'Wag kang matakot, wala akong gagawin na hindi mo magugustuhan. Relax lang." "M-mama!" Naiiling na pumanik na lang ako ng kwarto. Napasalampak ako sa kama at bumuntong-hininga. First love ko yung Juliet na 'yon, at first girlfriend ko siya. Kung pag-uusapan ang salitang effort, mas marami na siyang nagawa sa akin. Minsan nga siya na ang gumagawa ng assignment ko, eh. Pero hindi ko naman siya pinipilit. Mabait lang talaga si Juliet. Ang baduy mang isipin, normal at nararapat lang siguro na gumawa rin ako ng effort para mapasaya siya sa monthsarry namin. Gusto kong may magawa din naman ako para sa kanya. Alam ko namang tatanggapin niya ang kahit na anong gawin ko pero siyempre, 'di ko pa rin maiwasan maging ewan. "Ay, palaka!" Halos mapatalon ako sa gulat nang mag-ring at vibrate ang phone ko. Tiningnan ko yung caller ID at nakitang si Juliet na kanina pa tumatakbo sa isip ko ang natawag. Para namang nananadya ang pintig ng puso ko at bigla silang bumilis nang sinagot ko ang tawag, "H-hello? Hawmeyayhelpyu?" Tawa niya agad ang una kong narinig na nagpangiti sakin. Well at least, nawala na ang kaba ko. "I missed you," sabi nito sa kabilang linya. "Duh, Juliet, kanina lang tayo magkasama. Miss agad?" Pambabara ko kahit deep inside, gumugulong-gulong na ako sa kilig. "You really love to ruin the moment, Mine." Madamdaming pahayag nito na sa hula ko ay nagpapahaba na naman ng nguso niya. Natawa tuloy ako sa na-imagine ko. Ang cute. "Now you're laughing at me. Why so mean?" "Wala. The feeling is mutual na lang." Totoo naman, miss ko na siya kahit ilang oras pa lang kaming hindi nagkikita. Well, ganyan siguro talaga ang nagagawa ng peg-ebeg. Hooray! Nabiktima ako ng espiritu ng kalandian, ang saya lang. "Really? You missed me?" "Hmm, medyo." "So...do you want to see me?" "Bakit? Lilipad ka ba papunta rito sa bahay?" "Nah, nandito na ako sa tapat ng bahay niyo." Napabangon tuloy ako dahil sa sinabi niya."Weh?" "Oo nga, nasa tapat ako ng house niyo." "Hindi nga?" "Oo nga." "Tatanggalin ko mata mo 'pag nagsisinungaling ka." Pananakot ko. Bigla akong na-excite, eh. "Hmm. I'll kiss you kapag nasa labas talaga ako. Deal?" Palihim na nagdiwang ang malanding bahagi ng utak ko. Kiss daw, oh. "Deal." Pinatay ko na ang tawag. Agad akong lumabas ng kwarto at naabutan sina Yanyan na nakaupo lang at malayo sa isa't-isa. As in, nasa magkabilang dulo sila ng mahabang sofa. Bukas yung tv pero mukhang wala naman doon ang attention nila. Napairap tuloy ako. "Anong drama 'yan?" "Wala." Sabay nilang sagot. "Ow. Kidoks," Kibit-balikat kong sagot. "Puntahan ko lang si Juliet sa labas." "Okay." Napailing na lang ako. Umaandar na naman kabaliwan ng mga 'yon. Binuksan ko ang pinto at dahil mata-linaw ako, kitang-kita ko agad ang isang magandang dilag na nasisinagan lang ng ilaw ng poste na mukhang magp-photoshoot sa tapat ng bahay namin. Nakasuot siya ng denim short at hoody na itim. Naka-tsinelas lang siya pero mukha pa ring model. Manang-mana talaga sa'kin. Lumapit ako sa kanya at agad naman siyang napangiti. "Hoy, babae." "Good evening, too, Mine." Yumakap siya at walang pasabing kinagat yung tainga ko na ikinawindang ng kaloob-looban ko. "You owe me a kiss." Nakasimangot na tinulak ko siya at tinampal sa braso. "Kailangan talaga mangagat? Nakakainis 'to!" Ngumiti siya ng kakaiba sa akin at talaga namang ang kapal ng pagmumukhang hinapit ako palapit sa kanya at inulit ang paglapastangan sa inosente kong tainga. "J-juliet, isa! Napakamanyak nito!" "Ssh," Nanayo ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ang hininga niyang pumapaypay sa balat ko. "Baka may makarinig sa'yo, akalain pang nire-r**e mo ako." Nanlaki ang mata ko at pinalo siya sa likod. "Ay, ang kapal ng mukha! Tama na nga, 'wag dito!" Humarap siya sakin at nginisihan ako. Magsasalita na sana siya nang pinanlakihan ko siya ng mata. "Titigil ka o buong buwan kang hindi makaka-kiss?" Mukha namang natakot siya at parang batang ngumuso. "Sabi ko nga, eh." "Good." Hinawakan ko siya sa kamay at hinila papasok sa loob. Hindi na namin nadatnan sina Yanyan at Ate. Patay na rin ang tv. Baka nasa kwarto na. Pumunta na kami sa kwarto ko at walang paalam na humiga siya sa kama ko. "I'm gonna sleep here tonight." "Ano? Hindi pwede!" Tanggi ko agad. Agad na ngumuso siya sa akin at nagpaawa effect sa pamamagitan ng walang kamatayang puppy eyes. "Why? Girlfriend mo naman ako. You don't want me to be sad, hindi ba?" "So?" Nameywang ako at tinaasan siya ng kilay. "So, you will let me sleep on your bed." Taas-confidence na sagot ng maganda kong girlfriend. "May bahay ka naman. Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" tanong ko. Speaking of, halos wala sa usapan namin yung tungkol sa magulang niya. "No. I'm alone at home." Flat na sagot niya. "Nasa Canada sila." "Sinong kasama mo sa bahay?" tanong ko pa ulit. Mukhang hindi naman siya apektado. "Maids and guards." Okay. Bigla akong naawa sa kanya. Masayahin siyang tao kaya hindi pumasok sa isip ko na ganoon pala ang siste kapag nasa bahay lang siya. Bumuntong-hininga ako. Wala parents namin ni Steff pero kasama ko naman kasi ang kapatid ko. Hindi rin malungkot lalo na't laging nandito si Yanyan. "Well, since isa akong magandang nilalang na may magandang kalooban...sige, dito ka na matulog." Animated na kumislap ang mata niya at ngumiti ng malaki. Aw...ang cute ng babaeng 'to. "Talaga?" "Oo." "Walang bawian, ah." Mabilis na sabi niya sa akin. "Oo nga—woah, Juliet! Ano ba!" Bigla ba naman akong itulak pahiga sa kama ko. Ang lagay, eh, nasa ibabaw ko siya ngayon at hawak niya ang dalawang cute kong kamay sa ibabaw ng ulo ko. Inilapit niya ang bibig sa tainga ko at halos mapamura ako nang hinagod 'yon ng, ehem, ng dila niya. "J-juliet!" "You owe me a kiss, right?" bulong niya. Ako lang ba 'to o talagang nang-aakit yung boses niya? Humarap siya sa akin at walang paalam na sinakop ang mga labi ko. Kusa na lang napapikit ang mata ko at hinalikan siya pabalik. Ayoko sana magmukhang manyak sa naiisip ko pero, ang sarap talaga ng lips niya. Ang sarap pa humalik. Mas idinikit niya ang katawan sa akin at pinalalim ang ginagawa. Napapasunod na lang ako sa bawat galaw ng labi niya. Ang lambot, shetness. Napakislot ako nang masuyong kinagat niya ang lower lip ko at padaanan ng dila niya. Takte, ano bang ginagawa namin? "Open your mouth, love," Usal niya sa pagitan ng mga halik. At bakit ko io-open? Inulit niya yung ginawa niya pero this time, may puwersa na ang pagkagat niya. Napaawang ang bibig ko at nanlaki ang mata ko nang ipasok niya yung, ehem, yung dila niya sa loob ng bibig ko. Napapikit ako ulit. Dalaga na akong tunay, landi! Pakiramdam ko naging kulay kamatis ako nang mapaungol ako sa ginagawa niya. Anong magagawa ko? Ang shalap, eh. May dalang kilabot at init ang halik niya. Iba talaga. Huminto rin kami matapos ang ilang minuto. Parehas hinihingal. Ako namumula, siya naman wagas ang ngiti. Napaiwas ako ng tingin. "H-huwag ka ngang tumingin!" "Nakakaadik ka, Cindy. Your kiss is really intoxicating." "Ewan ko sa'yo." Humarap ako at inirapan siya. "Let's do that often." "Ayoko nga." "I love you." At ayan na. Automatic na naglumandi ang puso ko. Bakit ba ang sweet pakinggan no'n? Hay nako. Napangiti na lang ako. Yung mga inaalala ko kanina, nabura 'yon nang dahil sa kanya. Iba talaga 'tong babaeng 'to. "I love you, too." _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD