"Aray...aray, aray—aray! Cinderella!"
"Ano ba? Maka-aray ka naman parang kinakatay ka!" Sigaw ko kay Yanyan habang kinakaladkad siya paalis. Sino ba naman kasing may gustong makipagsiksikan doon para lang panoorin iyong Juliet and friends na 'yon na rumampa sa daan? Kung sila, gusto, ako naman ay hindi! I personally think na mas maganda pa ako sa tatlong iyon. Duh! Nakakaasar, ang init-init na nga tapos gumagano'n pa. Aba, matindi.
"Paanong hindi ako aaray kung makahila ka sa'kin, wagas! Kanina pa ako natitisod dito, oh. Asar ka!" reklamo niya sa'kin.
Huminto ako kaya napadiretso siya sa akin dahilan para mabunggo niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay at hinawakan ang bag ko na animo ay may kukunin. "Kinakalaban mo na ako, Yanyan?"
Ngumiti naman siya ng alanganin, mukhang na-gets na niya agad ang maitim kong balak sa kanya. "He-he. Sabi ko nga hindi, eh. Bilis, kaladkarin mo pa ako!"
Dinedma ko lang siya bago hilahin ulit. Naghiwalay lang kami nang lumaon dahil doon daw siya sa building na para daw sa mga engineering students. Eh, ako sa isang building ako, basta building din iyon, tapos ang usapan.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na, si Yanyan? Isang aspiring engineer? Parang...wow lang, ah. Ni hindi nga 'ata marunong mag-subtract 'yon. I'm taking comsci pero siya, course ng mga mababagsik ang kinuha! Ang taas lang talaga ng pangarap ng loka-lokang 'yon. Pero malay ko ba kung may tinatago pang brain cells ang babaita.
Naglakad-lakad lang ako habang hinahanap yung building. Hay, nako naman, bakit naman kasi sobrang laki ng school na 'to! Pwede namang isang buong super mahabang building na lang ang pinagawa nila tapos organized na lahat ng rooms para hindi na pahirapan maghanap o kaya sana, may taga-assist sa bawat student na papasok para walang naliligaw, hindi 'yong pagkatapos ibigay ang schedule mo, ikaw na ang bahala sa buhay mo.
"Mine!"
"Ay, mine!" napasigaw ako sa gulat. Hindi talaga magandang umiinom ng kape sa umaga, eh, nagiging magugulatin ako.
Sino ba kasi yung nasigaw na 'yon? Ang ew lang maka-mine. Anong year na, 'te! Hindi na ito jejemon era! Lalakad na sana ako nang may biglang humila at yumakap sa aking babae na hindi ko naman kilala kung sino. Nilayu-layo ko siya sa akin dahil kinikilabutan ako sa mga skin contacts na gano'n. Pero in fairness, mabango, pak!
Napatingin ako sa kanya at medyo nagulat. Sabi na, eh, naglulumandi lang 'tong si Juliet! Nagtaka naman siya sa ginawa kong pagpapalayo sa kanya at talagang kumapit pa sa braso ko. "Is there a problem, Mine?"
Nanindig ang mga balahibo ko sa tinawag niya sa akin pati do'n sa you know where ko. Tinapik ko ang braso niya palayo. "Wow, ah, kailan pa naging Mine ang pangalan ko?"
"Eh...I don't know your name yet that's why I called you mine." Napakamot siya sa ulo nya. Binigyang diin niya pa talaga yung huling word.
"Oh, my gosh." Tumingala ako at hinawakan ang magandang ilong ko. "Nosebleed!"
Napaka-ano naman ng babaeng 'to, hindi ba 'to marunong mag-Tagalog? Shems, duduguin na yata ako! Pwede bang magback-out tapos magbakasyon na lang ulit ako ng isang taon pa sa bahay? Hindi ko keri.
"Juliet name mo, tama?" Tanong ko sa kanya, naninigurado lang kahit alam ko naman na talaga.
"Yup!" hyper na sagot niya. Ang saya masyado, matutuwa na ba ako niyan? Inirapan ko siya pero mukhang wala lang sa kanya.
"Ganito, instead na tawagin mong mine lahat ng taong hindi mo kilala, gumawa ka na lang ng maganda, okay?" Iminuwestra ko ang kamay sa paraang maiintindihan niya. "O, tara, hanapin natin yung room ko para naman may pakinabang ka."
Sure naman ako na since siya ang anak ng may-ari ng school na 'to, eh, alam niya lahat ng mga pasikut-sikot dito.
"Uh, okay, let me see your schedule, Mine." sabi niya.
Tinitigan ko siya nang masama. At nakangiti pa nga ng nakakaloko ang babae. Nakakainis, hindi man lang matakot kahit kaunti? Wow naman, immune na masyado. Akala niya yata basta-basta lang ako. Hah! Akala niya lang!
Kinuha ko sa bag ko yung schedule ko at iniabot sa kanya. "Oh, ayan. At tsaka excuse me lang, okay? Hindi Mine ang pangalan ko. Cindy. Cindy po."
"Whatever you say," Ngumisi siya ng pang-asar. "Mine."
Kung alam ko lang kung saan pupunta edi sana kanina pa kita iniwan diyan! Gusto ko sanang sabihin iyon kaso baka mamaya iligaw niya ako. Bwisit, bakit kasi hindi ako binigyan ni Lord ng nag-uumapaw na sense of direction? Pero Lord, hindi ako nagsisisi na binigyan mo ako ng nag-uumapaw na kagandahan. Taray! Ayon nga lang, pati si Juliet nagiging shiboli na dahil sa akin. Hay, perks of being maganda.
Binasa niya yung nakalagay sa schedule ko tapos bigla na lang nag-plastered sa mukha niya ang isang ngiting tagumpay. Kumunot naman ang noo. Anong problema nito, parang naaaning makangiti.
"Seems like you're not just mine but also my super classmate." Lumapit siya at walang kahiya-hiyang inakbayan ako.
Lumayo naman ako sa kanya at ipinag-cross ang mga daliri ko. Ginawa ko siyang masamang espiritu sa ginawa ko. "Huwag ka ngang maharot! Pake ko kung super classmate tayo?"
Tatawa-tawa naman siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Inaalis ko nga ang kaso ang kulit naman, hinigpitan pa niya ang hawak. May kamay naman siyang sarili niya sa akin pa yung hinawakan!
"Come on, baka ma-late na tayo."
Napatingin ako sa kanya. Linshak, eh, marunong naman pala siyang mag-Tagalog! Gusto pang pinapadugo ang ilong ng mga kausap niya! Kung inglisera lahat ng mga nandito, naku po, baka sa ospital ang bagsak ko dahil sa extreme blood loss.
"Marunong naman pala mag-Tagalog, ini-English pa ako." asar na bulong ko. Pangiti-ngiti lang siya habang naglalakad kami. Kuh, madapa ka sana!
"Hey, Juliet!"
Sabay kaming napalingon sa dalawang babaeng nagtatakbuhan palapit sa amin. Sina Dianne at Trisha sila kung tama ang pagkakatanda ko. Hingal na hingal na lumapit sa amin si Dianne habang pinipilit siyang alalayan ni Trisha.
"Baby naman, eh, sabi nang huwag tatakbo at baka sumpungin ka. Ang kulit, oh." paalalang bilin ni Trisha.
Hinalikan naman siya ni Dianne sa cheeks. Napangiwi ako. Ew. "Sorry na, baby...kiss kita mamaya."
Napairap naman ako sa kanilang dalawa. Kailangan talaga hanggang sa harap ko maglalampungan sila, e, 'no. Kiss daw, kaka-kiss lang nila, ah! Hindi naman ako against sa same s*x relationship ang kaso lang ang awkward lang talaga kapag nakakakita ako ng mga couples na super PDA, mapa-girl to boy pa 'yan, girl to girl or boy to boy. Awkward talaga, nakakapanindig balahibo.
Napatingin sa'kin yung dalawang mag-jowa nang mapansin nila sigurong parang ewan akong nakatingin sa kanila. Bumaba ang tingin no'ng dalawa kaya sinundan ko yung tinitingnan nila. Linshak, eh, paano ba namang hindi sila titingin sa kamay namin ng maharot na babaeng 'to, eh, naka-intertwined na yung mga daliri namin na hindi ko alam kung paano nangyari. Ang bilis kumilos.
Sinubukan ko ulit alisin yung kamay ko pero ayaw pa rin niyang bumitaw, hinigpitan niya pa lalo kaya tumigil na lang din ako. Ang sakit kaya. Nakakainis naman, eh!
"Hoy, kayong mag-jowa, hindi ba kaibigan niyo 'to?" tanong ko. Tiningnan ko nang masama si Juliet. "Pwedeng pakilayo siya sa akin? Masahol pa sa linta kumapit, eh."
Napangiti naman silang dalawa tapos sabay na umiling-iling. What! "Uh, mukhang nag-e-enjoy pa kayong dalawa riyan, eh. Bye!" Hinila na ni Dianne si Trisha paalis na muntik pang matisod dahil sa pagmamadali ng girlfriend niya.
No, don't leave! Kainis!
"Let's go!" Hinili naman ako ni Juliet paalis. Sobrang hyper, nakakaloka!
Halos lahat napapatulala kapag nakikita kami ni Juliet, more on sa kamay naming nakapulupot sa isat-isa. Ipangalandakan ba naman daw kasi. Ako ang nakakaramdam ng hiya, eh. Baka isipin ng mga 'to napatol ako sa babaeng mas angat ako ng kagandahan! Nakarating din naman kami sa first subject namin. Iyon nga lang, pagod at hikahos. Pinahinto ko muna siya bago ako humugot ng super lalim na inhale at exhale. 'Di pa rin kami pumapasok ng room tutal wala pa namang prof.
"Ano ba? Taghirap ba ang school kaya kailangan natin magpakapagod sa paglakad-takbo sa hagdan? Aba, matindi!" reklamo ko. Nakaka-haggardo versoza, nag-effort akong magpaganda na, well, natural na sa akin tapos masisira lang?
"Actually, there's an elevator," pasimpleng sagot niya.
"Ano!" Sigaw ko. Meron naman pala, bakit hindi kami gumamit? Nakakainis! Bakit ba kasi hindi ko inalam kung may elevator. Ang very good!
Itinaas nya ang kamay namin na magkahawak pa rin at halos mangiyak-ngiyak ako sa sobrang asar at pagkailang nang hinalikan niya ang knuckles ng kamay ko kahit na pinipilit kong kumalas. Babarilin ko na 'to, eh!
"I want to hold your hand a little longer that's why I chose to take the stairs." Malambing na pahayag niya—what the, malambing? Hindi!
Napatili ako ng impit sa sobrang inis. May kasama pang pagpadyak para effective. "Bad trip ka!"
"Halika na, Mine. I want to have a seat beside you—"
"Anong have-a-seat-beside-you-seat-beside-you ka riyan!" Halos mawala na ang itim ng mata ko sa tindi ng pagkakairap sa kanya. "Layuan mo ako!"
Sa wakas ay nakuha ko rin ang kamay ko na pasmadong-pasmado na sa kakahawak niya. Walang abog na pumasok ako sa loob ng room. Naghanap ako ng upuan sa may unahan at do'n umupo. Nasa tabi ako ng bintana, may nakaupo na sa tabi ko pati sa may likuran kaya hindi na makakalapit sa'kin 'yong haliparot na Juliet na 'yon. Nakakabwisit siya.
Hanggang ngayon, kinikilabutan pa rin ako sa ginawa niya sa'kin. Kulang na lang sumigaw ako ng r**e.
Lumapit sa'kin si Juliet habang nakataas ang isang kilay sa akin. "Stand up. We're going to sit sa likuran."
Nakakaloka siya! Makautos akala mo siya ang boss.
"Wala akong pake. Umupo ka mag-isa mo." pabalang na sagot ko.
"You," Kinalabit niya yung lalaking katabi ko.
"Me?" Turo ni kuya sa sarili niya.
"Hindi, ako 'yon, kuya, ako." pambabara ko. Nakakainis.
"Switch seat with me...now." utos ng mahal na boss.
Tatayo na sana si kuya nang hilahin ko ulit siya paupo. Pinanlisikan ko si kuyang wala namang kamuang-muang pero nadadamay sa amin ni Juliet. "Subukan mong lumipat, promise, babalian kita ng buto sa katawan."
"Try to obey her and I will kick you out in this school." pananakot naman ng isa.
Mukhang natakot si kuya kaya umalis agad siya at naghanap ng upuan. Nakakaasar. Napaungol na lang ako sa inis. Bad trip! Ang daya, pinantakot kasi yung gano'n, eh!
Ngumiti siya sa'kin nang nakakaloko at umupo na sa tabi ko dahil umalis na si kuya. Siniksik ko ang sarili sa tabi ng bintana para makalayo sa kanya ang kaso inusod niya yung armchair niya palapit pa sa'kin kaya dikit na dikit na kami. Panay pa ang lapit ng mukha niya sa mukha ko! Bwisit! Natatakot na ako! Baliw yata ito, eh!
"Ayan,we're going to be together always na, Mine," wika nya. Sayang-saya ang loka-loka.
Tumingin ako sa bintana para hindi ko siya makita. Naramdaman ko na lang yung hininga niya na malapit sa pisngi ko. Nanlalaki ang matang tumingin sa kanya pagkatapos niyang hipan ng hangin yung tainga ko. Natatakot na talaga ako!
Nag-wink siya sa'kin at hinawi ang mga strands ng hair ko na humarang sa mukha ko. Tinapik ko palayo ang kamay niya.
Yanyan, nasaan ka na ba!
____