Cindy's "Sabay ka na sa akin mag-lunch." "No. Sa akin ka na sumabay." "Ililibre kita." Tumingin ng masama si Juliet kay Nikki na chill lang nakatitig sa akin, ni hindi man lang apektado sa karibal niya. "I can treat her, too." "So?" "So back off." Tsinupi siya ni Juliet na akala mo ay asong pinapalayas lang. Parang gusto kong ngumisi na parang gustong kiligin. Ang cute niya kasi magmaldita. "I came to her first." Tumaas naman yung kilay ni Nikki. "Oh. Okay." Baliwalang sagot niya bago ako harapin ulit. Ngumiti siya ng ubod ng tamis. "So, sabay ka sa akin mag-lunch?" "Hey!" "What?" "I told you to back off!" "Eh, ayoko." "Nikki!" "Yes, Juliet?" Tiningnan siya ng matalim ni Juliet. Feeling ko, kaunting push na lang magp-pout na siya, eh. Parang inaping bata. Pero hindi ako natu

