Chapter 43.1 Danica Murillo “Danica, will you marry me?” Nanlaki ang mata kong nakatitig sa kanya. Halos tumalon din ang puso ko sa sobrang saya dahil sa mga sinabi niya. Napahawak ang kamay ko sa aking bibig at tila hindi ko na inalintana ang lugar kung nasaan kami ngayon. Nangingilid ang luha ko sa sobrang saya. “Luke,” nakangiting tawag ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. Inalalayan ko siyang tumayo at niyakap. “I’m sorry kung dito ko na ito ginawa. Hindi ko na kayang patagalin pa ‘to, Danica, dahil sa mga nangyari ngayon, I just realized na hindi natin alam kung hanggang kailan na lang tayo sa mundong ‘to, and before I left the universe, gusto ko munang makasama ka ng matagal sa mga natitirang araw, oras at panahon na mayroon ako. I want to marry you at gusto ko magkaroo

