Chapter 21 Danica Murillo Nasa kalagitnaan ako nang pagtatrabaho nang makita ko si Nicole at si Janine sa pintuan ng opisina ko. Nakasilip sila habang sumesenyas sa akin na kung p’wede ba raw silang pumasok. Ano na naman kaya ang kailangan ng dalawang ‘to? Nang sabihin kong oo ay nag-uunahan pa ang mga gaga na buksan sabay lapit sa akin. “Hoy! Danica! Kaibigan mo ba talaga kami ha?” nakapamewang na sabi ni Nicole sa akin habang nakasimangot. Tumaas ang kilay ko. “H-Hah? Oo naman. Bakit? May problema ba?” nagtataka na tanong ko. “Hindi mo sinabi sa amin na nanliligaw na pala si Fafa Luke sa’yo! Nakakatampo!” pagmamaktol ni Janine. “Oo nga! Naturingang kaibigan ka namin tapos hindi namin alam? That hurts, Danica! Kami pa naman ang nagpakilala sa’yo kay Fafa Luke!” Nag cross arms

