Chapter 27 Danica Murillo “Ate Abby?” pagtataka na sambit ko nang buksan ko ang pinto ng condo ko. Namumutla ang itsura niya at hindi mapakali. “Can I come in?” tanong niya at agad naman akong sumangayon. Dali-dali siyang pumasok sa condo ko na walang sinasabi na kahit ano. Sa tingin ko ay hindi alam ni Luke na narito si Ate Abby kaya lumingon-lingon pa ako sa hallway bago ko isara ang pinto. Simula nang gabi na malaman kong buntis siya ay hindi na kami nagkausap pa. Pinagsabihan niya rin ako nang gabing iyon na ‘wag na ‘wag sasabihin kay Luke ang nangyari lalo na sa pamilya niya. So I promised her. Nangako ako na hindi ko sasabihin ang bagay na nalaman ko. Wala akong rights para pangunahan ang mga desisyon ni Ate Abby. Ayoko ring maging ugat ng gulo kung sakali mang hindi nila ma

