Chapter 7
Danica Murillo
It’s 6 am in the morning. Matapos ko iligpit ang higaan ko ay lumabas ako ng kwarto at nagsimulang maghanda at kumain ng agahan.
Today is Sunday at ito lang ang araw na wala akong pasok sa isang buong linggo. Sa wakas makakapag pahinga na rin ako sa nakakapagod na week na ‘to. I’m planning to spend the whole day in my condo. Magkaroon man lang sana ako ng peace of mind kahit ngayong araw lang. Masyado na akong na-sstres sa mga nangyari lalo na sa bago kong trabaho. Hindi rin pala madali ang bago kong posisyon. Ang dami kong ginagawa at reponsibilidad na kailangan gawin. Marami rin akong bagay na kailangan ko pang matutunan mabuti na lang at mabilis ako maka-adapt sa mga tinuturo ni Sir David. Nasstress din ako kasi hanggang ngayon, hindi pa rin namamatay ang issue ko lalo na sa video na kumalat.
Kahapon lang ay sinabi sa akin ni Sir David na tinanggal na daw niya sa trabaho si Kiel dahil sa poor performance nito. He also said that we will file a harassment case dahil sa ginawa niya sa akin. Sinabi ko na ‘wag na dahil ayoko nang lumaki ang gulo pero hindi siya nagpapigil dahil alam niyang magagalit ang ama ko pag nalaman niyang wala akong ginawa sa nangyaring ‘to. Alam ko rin na nag-aalala lang si uncle sa akin dahil may anak din siyang babae na katulad ko. Ganitong-ganito lang din talaga ang ugali ni si Sir David. Pag alam niyang mali, hindi niya hahayaan ito at pagbabayarin niya talaga ang may sala. I just need a witnessed na magpapatunay sa kaso.
Ayoko na sana pang abalahin si Luke dahil masyado nang nakakahiya pero siya lang naman ang kayang tumistigo sa nangyari. We need his statement dahil hindi rin binibigay ng manager ng bar ang buong cctv footage sa nangyari. Panay sabi nito na burado na ang footage at hindi nila alam kung sino ang nagbura.
Kagabi ko pa iniisip kung tatawagan ko ba si Luke o itetext para humingi ng pabor. Matapos kasi niya akong tawagan nung nakaraan ay hindi na ako naka-receive pa ng text o tawag sa kanya. Dahil ba ‘yun sa tumanggi ako sa alok niya na kumain o magkape kami sa labas? Hays! Bakit ba hindi na lang ako pumayag nang araw na ‘yon? Eh ‘di sana hindi ako nahihirapan i-approach siya ngayon. Tatlong araw na rin ang nakalipas nang ‘di siya nagpaparamdam. Siguro susubukan ko na lang siya tawagan mamaya.
Sumapit ang hapon at naisipan kong maglakad-lakad sa labas. May malaking park kasi malapit dito sa building kung nasaan ang condo ko.
Napadaan ako ngayon sa isang convenience store para bumili ng maiinom at makakain. Habang binabayaran ko ang pinamili ko, may narinig akong boses na pamilyar sa pandinig ko. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang isang lalaki na kausap ang cashier. Nakasuot ito ng denim short, black running shoes at puting t-shirt. Bakit parang pamilyar din sa akin ang pigura niya? Pinagmasdan ko siyang mabuti and hindi ako nagkakamali. It was Luke.
“Luke?” tawag ko.
Tumingin siya sa akin na may pagkamangha.
“Danica? Oh, it’s you. Ano’ng ginagawa mo rito?” sagot niya at hindi rin siya makapaniwala na makita ako.
Nanibago ako sa itsura niya ngayon dahil bagong gupit ang buhok niya, and in fairness, bumagay sa itsura niya ang new hairstyle niya na side parted short hair. Mas lalo siyang gumwapo. Kanina ko pa nga napapansin ang ibang babae sa convenience store na tingin ng tingin sa kanya eh. Sino ba namang hindi mapapatingin sa gwapong nilalang na nasa harap ko? Amoy na amoy ko rin ang pabango niya at parang hinihila ako no’n para mas lumapit pa sa kanya. Ang linis niya rin tignan. That’s why hindi na ako magtataka kung lapitin ‘to ng maraming babae.
“Napadaan lang ako para bumili ng meryenda. Ikaw?” sagot ko.
“Same. Day-off ko ngayong araw, and I take my dog for a walk. Hindi ko inaasahan na makikita kita rito. Do you live near here?”
“Uhm… Yes. I have my own condo in Vista Residence. ‘Yung building sa kabilang street,” sagot ko.
“Really? Actually, kakalipat ko lang ng condo do’n kahapon. Mas malapit kasi rito ang trabaho ko.”
“So does that mean we're neighbors?” Hindi makapaniwala na tanong ko.
“I guess? Ayaw mo ba?” He smiled.
“Hindi naman sa gano’n.” Natawa na lang kaming dalawa.
Matapos namin bayaran ang pinamili namin ay sabay kaming lumabas ng convenience store. Inaya na rin niya ako maglakad kasama ang aso niya.
“Meet my dog, Rafah. She’s a white pomeranian dog given to me by my parents last year on my birthday. One of the reason bakit ako lumipat ng condo is I want to live with her. Bawal kasi ang dogs sa dati kong condo. Buti na lang sa nabili kong condo rito they allowed pets to live with their owner. 6 months na rin nakatira si Rafah sa ate ko, and hindi na rin niya maasikaso kasi may mga big events siyang dadaluhan this month. So now I decided to take care of her.” Mahabang paliwanag niya. Ang daldal niya talaga kaya kahit sinong tao ang makakasama niya, tingin ko hindi mabo-bored kasama siya. He always has something to share.
“Oh… Hi, Rafah. I’m Danica. Nice to meet you,” nakangiting pagpapakilala ko sa aso niya. I pet her at agad naman niya akong dinilaan at tinatalon-talunan.
“She likes you.”
“I think so.”
“Me too,” bulong niya pero narinig ko pa rin.
Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka. “Me too? What do you mean?”
“I mean she likes me too! Yeah! Right, Rafah? You like me?”
“Aww! Aww!” Rafah barked as he naughtily spun in front of us.
“Malamang! She likes you. Aso mo ‘yan eh. Sabog ka ba?” natatawa kong sagot sa kanya. He laughed, and stared at me. ‘Yung tingin niya pakiramdam ko may kakaiba pero hindi ko na lang pinansin. Baka gano’n lang talaga siya tumingin.
“Sabi ko nga eh. Do you also have a dog?” tanong niya. Nagsimula kaming maglakad-lakad habang hawak-hawak niya ang tali ng aso niya, and we started talking.
“Dati. But when he died, hindi na ako nag-alaga ulit. Na-trauma na ako sa pain nung nawala siya. Masakit pala mawalan ng pet. He’s the only one I have when no is there for me. Sabihin na natin na hayop lang sila but they really love us at sobrang faithful nila sa atin, and the only reason na iiwan lang nila tayo is when they need to run free from us. Until death, alam kong tayo pa rin ang laman ng puso’t-isip nila. That’s why, now I don’t have dogs. Hindi pa ako ready at masyado rin ako busy sa buhay at trabaho ko baka ‘di ko sila ma-alagaan ng maayos.”
“Kaya pala. Now that we’re neighbors, you can be friends with my dog, Rafah. We can visit you sometimes in your condo if you’re not busy.”
“I would love that.” I smiled. “Kakalipat mo lang ba rito?”
“Yes. Nung isang araw lang. Kaya hindi rin ako naka-contact sa’yo dahil busy ako sa paglipat. Matagal ko na rin nabili ang condo ko r’yan sa Vista Residence pero ngayon lang ako lumipat dahil ‘yun nga, sobrang busy ko sa dami rin ng project na hawak ko, and last week lang din natapos ang interior design na pinagawa ko sa condo ko kaya ayun.”
“Saang floor ka pala?”
“37th floor. Room 3705.” Nanlaki ang mata ko.
“Hindi naman siguro co-incidence to, right? 37th floor din ako, and I live in Room 3704. Kaya pala ang ingay ng kabilang kwarto. Condo mo pala ‘yung may ginagawa do’n?”
“Really? Magkatabi lang ang condo natin? I can’t believe this, and I’m really sorry if ang ingay ng mga gumagawa sa condo ko. I’m happy that my new friend is my neighbor.” Hindi makapaniwala na sabi niya. Hindi rin mawala ang ngiti sa labi niya at pagkamangha sa mga mata niya nang malaman niya ang bagay na ‘yon.
Hindi naman siguro niya sinasadyang lumipat sa building kung saan ako nakatira hindi ba? Sino ba naman ako para sundan niya? Pero grabe naman ‘yung co-incidence na kakakilala lang namin nung nakaraan then ngayon malalaman ko na magkapitbahay na kami? Seryoso ba talaga ‘to? Bakit parang ang weird ng feeling ko?
Matapos namin maglakad-lakad ay napag-isipan naming maupo muna sa bay walk at magpahinga. Palubog na rin ang araw, and we’re watching the sunset together habang kumakain ng ice cream at nagkukwentuhan.
“I want to share something with you. You know when I was a kid, I thought the sun was sleeping when I always watched the sunset. But then I realized when I studied science, umiikot lang pala ang earth sa araw kaya nawawala ito tuwing gabi. It's funny to think how innocent we were when we were kids.” He smirked as he watched the sunset.
“Wala ka sa akin. Nung bata ako, every time na tumatakbo ako tuwing gabi akala ko sinusundan ako ng buwan. ‘Yun pala hindi. Ako lang pala talaga ‘yung gumagalaw and it was just my illusion na sinusundan ako ng buwan.” I chuckled. “How I missed being an innocent kid with no worries and problems. Ngayon, ang hirap na mag-enjoy sa buhay lalo na ang daming problema at responsibility na naka-dikit sa’yo. Isama mo pa ‘yung mga pain, trauma and experiences in the past na hindi pa rin nagheheal hanggang ngayon.” Naging seryoso ang tono ng boses ko when I remembered how hard I faced my everyday life, alone. How hard I tried to be courageous to move forward to all the bad experiences I’ve been through.
Nawala rin ang ngiti sa labi ni Luke at nagsimula rin maging seryoso ang mukha niya. Kinuha niya si Rafah at pinahiga ito sa lap niya, and he started to pet her.
“You’re right. Habang tumatanda tayo nagiging malungkot ang mundong ginagalawan natin. When we’re kids, hindi naman nararanasan ‘to kasi wala naman tayong pinoproblema noon. But now, mas naiintindihan natin na hindi pala madali harapin ‘yung hamon ng buhay. " He stopped for a bit at huminga ng malalim.
"Hindi pala madaling humanap ng totoong kaibigan at totoong tao na magmamahal sa ‘tin ng totoo, but when I think of those things, lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko that those pains, betrayals, disappointments and heartaches I’ve been through is the reason why I’m trying so hard to strive to be a better man, to be a better person.”
“You’re so positive, Luke. I admire you,” sagot ko dahil bihira na lang ang taong katulad niya na laging positibo sa lahat ng bagay.
He smirked and stared at me. “Gano’n talaga siguro pag nasaktan ng sobra.”
“Is it about your ex-fiance na ikinuwento mo sa akin nung nakaraan?” tanong ko. Bigla siyang tumahimik, and I realized na masyado na sigurong personal ‘yung tanong ko kaya agad akong humingi ng paumanhin.
“I’m sorry. Hindi mo naman kailangan sagutin ‘yung tanong ko. Hindi ko intensyon na sabihin ‘yon. Sorry.”
“It’s okay. Tama ka naman. She was my recent heartache, my recent betrayal, my recent pain and disappointment. I already told you that she cheated on me? Well, yes, and the truth is, she was pregnant by my best friend a month before our wedding.”
“What? How could they do that?” Hindi makapaniwala na sabi ko.
“I don’t know. Until now, iniisip ko pa rin kung bakit niya nagawa sa akin ‘yon. I’m still healing from the pain she caused me. Alam mo ba na sobrang sakit nang malaman ko ‘yun? Handa na ako eh. I’m ready to settle everything. I’m ready to build a family with her. Handa na rin ‘yung kasal namin. The wedding gown, the ring, the church, the reception. Okay na sana lahat, pero hindi ko inaasahan na sa isang iglap masisira lahat ng plano namin sa isa’t-isa. Ginawa ko naman ang lahat ng gusto niya. Binigay ko lahat ng pagmamahal na kailangan niya.” He stopped, at napansin kong pinipigilan niyang pumatak ang luha sa mga mata niya. Hindi ko alam pero kusa na lamang gumalaw ang mga kamay ko at hinawakan ‘yon, just him to feel that I’m here—na nandito ako para sa kanya.
“Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. I gave her everything but I received nothing in return. Naubos ako eh nung mawala siya. Naubos ako nung malaman ko ‘yung panloloko niya. Dumating din ‘yung time na kinuwestiyon ko ‘yung sarili kong halaga kasi sobrang sakit eh. Like, I’m not worthy of love. It was painful lalo na pag-iisipin ko na ilang years na rin kami nagsama tapos mawawala na lang lahat ng parang bula. But I have no choice but to accept what happened. Patuloy pa rin naman iikot ang mundo ko kahit wala na siya sa buhay ko.” Huminga siya ng malalim matapos niyang ikuwento sa akin lahat ‘yon. Bakas na bakas sa mga mata niya na nasasaktan pa rin siya. His voice, damang-dama ko ‘yung nararamdaman niya. He didn’t deserve this. Lahat naman, hindi deserve ang pangyayaring ‘to.
“I’m sorry to know about what happened. Ang masasabi ko lang, napakatapang mong tao para harapin ‘yung matinding sakit na ibinato sa’yo ng tadhana. Don’t worry, I will pray for your healing. You deserve someone better than her. Makikita mo rin ‘yung babaeng para sa’yo—‘yung magmamahal sa’yo ng totoo.” I smiled, at hinigpitan ko ang paghawak ko sa kamay niya. Then I hugged him. Alam kong ‘yon ang kailangan niya. Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan niya ako na yakapin siya.
“Aww! Aww!” narinig namin si Rafah na tumahol.
“I think she also wants a hug.” Nakangiting sabi ni Luke, then we hugged her.
“Thank you, Danica. It was the first time I've been able to tell this story to a friend. Thank you for listening. I really appreciate you.”
“You’re welcome! Magkaibigan na tayo ‘di ba? So, huwag ka nang mahihiyang magkwento o maglabas ng sama ng loob sa akin. Don’t worry. Pag ako naman ang may problema, ikaw naman ang tatakbuhan ko. Kaya be ready palagi, okay ba?” I winked at him at sinubukan kong gayahin ang ginagawa niya sa akin pag inaasar niya ako.
And last, nakita ko muli siyang tumawa.
“Dahil malungkot ka ngayon, you and Rafah can come to my condo tonight. Pagluluto ko kayo ng dinner. Pa-welcome na rin para sa bago kong kapitbahay!” masayang sabi ko.
“We would love that!” sagot ni Luke. Tumahol din si Rafah while wagging her tail saying she loves it.
Matapos ‘yon ay dumiretso agad kami sa condo ko, at habang naglalakad kami pauwi, tinitignan ko si Luke, at bigla na lang ako napangiti nang makita ko na masaya siyang hawak-hawak si Rafah habang pinangigigilan niya ito. I admire him. I admire him for being brave to let go of the person he really loves the most. I admire him for being positive, and being happy sa kabila ng madilim niyang nakaraan sa taong minahal niya.
Sana ako rin. Sana kaya ko rin tanggapin na hindi na talaga babalik si Gio sa buhay ko. Sana kaya ko rin pakawalan ‘yung pagmamahal ko sa kanya na nakulong sa puso ko sa matagal na panahon. Sana makaya ko rin mag move on ng gano'n kadali katulad ni Luke. Pero ang hirap para sa akin eh. Kasi ngayon umaasa pa rin ako na balang araw babalik din siya sa akin.
Limang taon na, Danica. ‘Di ba dapat tama na?