Chapter 57.1 Gio Rivera “Ano’ng sabi mo? Hindi ba’t ito ang pangarap namin para sa’yo, Gio? Napag-usapan na natin ‘to hindi ba? Ito ang gusto ng papa mo, ang mag pari ka at pagsilbihan ang diyos!” “Pero hindi ito ang gusto ko! Hindi ito, ma. Hindi ito!” Hindi tumigil ang pag bugso ng luha sa mga mata ko habang nakatitig sa mga mata ng aking ina. “Pero Gio!” “Ma… Sinubukan ko, okay? Sinubukan ko pilitin ang sarili ko sa bagay na hindi ko gusto. Hindi sa tinatalikuran ko ang diyos, ma. Alam mo kung gaano ako nagpapasalamat sa kanya dahil binigyan niya ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay, pero ma, pwede ko naman gawin ‘yon sa ibang paraan ‘di ba? Araw-araw naman akong nagpapasalamat at inaalala siya.” “Kaya ka ba nagkaganyan dahil sa babae, ha? May girlfriend ka na? Kaya ba na

