JHO. Papunta na kami ngayon ni Beatriz sa Alitagtag para bumisita kila Mama. Kahit kasi sabihin ni Beatriz na okay lang siya, nahihirapan akong maniwala. Alam kong sobrang sakit para sa kanya yung mga nangyayari ngayon. Sana sa pag-amin ko kay Mama, maging okay lahat. Kasi gusto kong maramdaman ni Beatriz yung pagtanggap ng isang ina. Gusto ko mai-share sa kanya yung ganon. Dahil maaga pa naman, after one hour nakarating na rin kami sa bahay. "Jho, sure ka na ba talaga?" Ilang beses na yang natatanong sa akin ni Beatriz. At paulit-ulit akong umu-oo sa kanya. Pumasok na agad kami ni Beatriz sa loob ng bahay. Saktong palabas si Mama kaya nagulat siya nang makita kami sa garahe. "Oh! Naku! Ano nangyari? Bakit nandito kayo? Wednesday pa lang ah." "Namiss kita Ma and may sasabihin po ako

