JHO. "Sabi na nga ba eh!" Na-kwento ko kasi kay Jia yung sa pwersahan na panliligaw ni Ged kay Beatriz. Pareho kaming napipikon kay Ged. Gusto ko nga kausapin si Ged at pagsabihan pero ayaw naman ni Beatriz na gawin ko yon. Siya na raw bahala. Sinabi ko naman na may karapatan ako kausapin si Ged kasi kasama ko naman yon sa circle of friends ko pero ayaw lang talaga ni Bea sa ngayon na lumapit ako kay Ged. She is super uncomfortable kasi kay Ged. Baka raw mapano pa ako kasi di ko naman talaga super kilala yung tao kahit pa kaibigan ko yun. Ewan basta nakinig na lang ako kay Beatriz kasi ayoko rin naman dumagdag pa ko sa stress niya. Naaawa nga ko sa girlfriend ko. Parang naha-harass kasi... or harassment talaga yun? Biruin mo nagtanong pa lang kung pwede manligaw eh ni-basted na agad

