BEA. It's been two weeks simula nang manalo kami... nagkaroon pa ng kaliwa't kanang interview at guestings ang team. Ngayon na lang ulit naging maluwag ang schedule namin and finally makakapagrest na rin. Kamusta kami ni Jho? Ayun, syempre nagliligawan pa rin. Ang saya nang ganitong stage eh. Sinusulit namin. And this time kasi dinadahan-dahan lang namin ang mga bagay-bagay. Mahirap nang magmadali ulit, baka kasi mabilis lang din na mawala. Sobrang iniingatan ko na kasi yung chance at tiwala na binigay sa akin ni Jho this time. Seryosong hindi ko talaga mapapatawad sarili ko kapag nasaktan ko ulit siya tulad nang dati. Sobrang buting tao ni Jho. Deserve niyang mahalin nang buong puso. Kaya nga nung pumayag siyang ligawan ko ulit siya, nagpromise ako sa sarili kong I'll give her my best

