BEA. 2 months have passed... Masyadong maraming magandang nangyari nitong mga nakaraang buwan. Una dun ay tanggap na ako ni Mommy. Pangalawa, okay na kami ni Jho we're friends na ulit. Third, pasok kami sa finals. Parang bawing-bawi lahat ng mga malulungkot na nangyari sa akin dati. Ang sarap gumising na talagang maayos na ang lahat sa paligid mo. Oo, okay na kami pareho ni Jho. Wala na kaming anu mang hinanakit sa past namin. We're both healed na. Friends na nga ulit kami eh... yung nakaraan namin, tinatawanan na lang namin. Basta simula nung, pumunta siya sa birthday ni Lolo nun, gumaan na loob namin sa isa't isa at unti-unti na naming binabalik yung friendship namin. Hindi naman porket friends na kami ay matic magiging jowa ko ulit siya. Hindi pa sa ngayon... nirerespeto pa namin y

