Jho.
"Inaantok ka na?" Tanong sa akin ni Beatriz. Mabilis akong umiling.
"You sure?"
"Opo nga, go na, buuin mo lang yang lego mo." Sabi ko at nginitian siya.
Nag-nod naman siya tapos seryosong binuo ulit lego niya. Nakadapa siya sa kama niya habang inaayos lego niya, ako naman nakahiga habang pinapanuod siya. Wala akong magawa eh. 11PM na at inaantok na ako pero gusto ko sabay kami matulog eh, ba't ba?
"Help me Jho if you want." Sabi niya.
"Jusko! Wala akong pasensya sa ganyan Beatriz. Yoko niyan."
Natawa naman siya. "Saan mo gusto pumunta bukas?"
"Dun sa pinuntahan namin ni Marci." Mabilis kong sagot. Hehehehe.
"Okay." Sabi niya at seryoso nanaman sa ginagawa niya.
Napahikab naman ako kaya napatingin siya. "Di raw inaantok. Tulog na Jhow. I'll sleep na lang after this."
"Ehhhhh. Ayoko, sabay tayo."
"Hahaha sige na nga. Tulog na tayo." Sabi niya tapos niligpit naman yung lego niya.
"Hala! Uy sige na tuloy mo lang Beatriz. Okay lang naman ako eh."
Natapos naman siya magligpit tapos nahiga sa kama at hinila ako palapit sa kanya. Niyakap niya ko habang nakahiga kami. Sobrang higpit ng yakap niya. Kinikilig tuloy ako.
"Bakit ka naman nangyayakap?" Natatawang tanong ko.
Hindi siya sumagot at mas niyakap pa ako.
"Clingy mo love ah." Sabi ko.
"Sana araw-araw ganito ka kalapit sa akin." Sabi niya na ikinatawa ko.
"Ganon? Hahahaha! Sige punta ako rito everyday parag laging ganto."
"I mean ganito sana tayo hanggang sa pagtanda natin."
Napangiti naman ako. "Hmm... ikaw, kung ako naman yung naiisip mong kasama habambuhay eh. Go lang."
"Kahit naman noon eh ikaw lang talaga." Sabi niya pa.
Napalo ko naman siya sa braso. Hehe. Kilig ako eh.
"Aray naman love." Reklamo niya.
"Eh pakilig ka kasi nang pakilig eh."
"Tss. Kasalanan ko pang inlove na inlove ka sakin ah."
"Mukha mo!"
"Magandang gwapo!"
"Talaga?"
"Oo!"
"Sabi ng Mama at Papa mo?"
"Sabi rin ng lola ko! Bewm! Wala ka na Maraguinot. Hahahaha!"
Napairap naman ako. "Epal mo."
"Pakiss nga mahal kong Jhoana." Sabi niya pa tapos kiniss ako sa lips. Napangiti na lang ako. Ang bilis kasi niya eh.
"Bilis mo talaga."
"Oh bakit? Gusto mo tagalan natin yung kiss?" Tanong niya.
"Che!"
Natawa naman siya. Magkaharap kami ngayon tapos nakatitig lang kami sa isa't isa. Hinawi naman niya yung hibla ng buhok kong napunta sa face ko. Napangiti ako sa ginawa niya.
"Sobrang ganda mo Jho. Di ako magsasawang titigan ka."
Waaaa! Iba talaga pag siya nagsabi. Feeling ko sobrang ganda ko talaga. Tipong mas maganda pa kay Liza Soberano. HAHAHAHAH. Charots.
"Telege be?" Pang-asar ko
"Pabebe! Hahahaha!"
"Bebe mo naman ako kaya okay lang." Sabi ko.
"Bebe? BEBEgyan ng anak?" Tanong niya.
"HAHAHA! Sira! Makakabuo ba?"
Natawa naman din siya. "Malay mo may miracle."
"HAHAHAHA! Ewan ko sayo!"
"Tara na nga. Tulog na tayo. Good night, love. I love you." Sabi niya.
Mas lumapit naman ako sa kanya para yakapin siya. Sarap sa feeling talaga kapag ganito kalapit si Beatriz tapos hug niya pa ako. Haha.
"Good night. I love you too." Sabi ko.
Napabalikwas nama siya kaya nagulat ako.
"What? Ano? Ulitin mo nga Jho!"
Kunot-noo ko siyang tinignan tas napaupo na rin.
"Ang alin? Bakit?"
"Did you say you love me?"
Natawa naman ako sa kanya. "Aba oo. Bingi ka?"
"Shet.... Does that mean official na tayo? Like...you're my girlfriend na?"
"Hmmm... Wait pag-isipan ko.... HMMM... SIGE."
Napatitig naman siya sa akin tapos ngiting-ngiti.
"Jho totoo nga?"
"Opo Beatriz ko. Totoo po. Ako at ikaw na. Tayo na. Girlfriend na natin isa't isa."
Napa-yes naman siya sa hangin tapos bigla ako niyakap nang mahigpit.
"I love you so much, Jho."
"I love you so much too, Beatriz kooo."
Hindi ko na patatagalin pa. Lumilipas ang oras. Ilang beses na rin namang napatunayan ni Beatriz sa akin na mahal niya ako. Oo ni-count ko yung times na magbespren pa lang kami. Basta, sobrang genuine ng nafifeel ko for Beatriz. Ayoko na patagalin pa. Basta official na kami.
**
Nandito kami ngayon ni Beatriz sa may sunflower garden kung saan ako dinala ni Marci. Natatawa nga ko kay Beatriz kasi alam kong bored na siya pero pinipilit niya pa rin na mag-enjoy kahit madalas ko siya pagtripan. Wahahaha. Medyo ayaw niya kasi sa pictures. Pero pinipilit ko siya. HAHAHA. Pinapa-pose ko siya ng kung anu na maisip ko tapos no choice siya. Hahaha. Cutie!
"Bei, ano naman.. uhm.. pose ka na naka-darna." Sabi ko.
"Jho naman eh. Wag na kasi. Dami ko na pictures eh."
"Dali na love please? Please? Last na yung naka-darna promise."
Napakamot naman siya sa pisngi. "Eh kanina pa yang last mo eh. Nakailang promise ka na rin."
"Dali na love. Please?" Pagpapacute ko.
"Haay. Oo na sige." Sabi niya tapos dumikit dun sa malaking sunflower tapos nilagay yung left hand niya sa bewang niya tapos yung right hand nakataas. Wahahaha! Darna!
"HAHAHAHAHA! ANG CUTE MO BEATRIZ!"
Umirap naman siya. "Saya mo eno? Bilis na. Picture-an mo na ko. Pinagtitinginan na ko eh."
HAHAHA cute niya talaga mainis at mapikon. Sarap i-kiss sa lips. Ay!! Harot ko!!
"1..2..3 *click* HAHAHAHA! Darna!" Pang-aasar ko habang nakatingin sa picture niya.
Ramdam kong lumapit siya tapos inakbayan ako. "Tss. Happy na?"
"Supeeer! Thanks Beatriz!" Sabi ko tapos kinurot pisngi niya. Hehe. Ang saya ko kasi masyado eh. Ang saya ko kay Beatriz. Huhu. Sobrang iba yung joy na dulot niya sa akin.
"Kahit ginawa mo kong tanga kanina eh ayos lang. Basta masaya ka." Nakangiting sabi niya sa akin. Yieeee!
"Masaya ka rin ba?" Tanong ko.
"Oo." Mabilis na sagot niya.
"Hmm... bakit?"
"Masaya ka eh." Sabi niya tapos hinawakan kamay ko and naglakad-lakad kami.
Hindi ko alam pero ang hirap huminga. Sobrang kilig ako. Sarap sa feeling mahalin ni Beatriz. Masaya siya kasi masaya ako. Putik. Sino bang hindi mata-touch dun? Aaaa! Nakakaloka na. Di ko napigilan. Huminto ako sa paglakad tapos niyakap siya mahigpit kahit maraming tao sa paligid namin. Wala akong pake.
"Uy.. bakit?" Natatawang tanong niya. Niyakap niya rin ako pabalik.
"Wala lang." Nakangiting sabi ko kahit hindi niya kita face ko.
"Hahaha! Ano nga?"
Humiwalay ako sa yakap tapos naupo kami sa isang bench.
"Masaya kasi ako Beatriz. Di ko alam paano mag thank you sayo eh. So hug na lang."
"Wala yun."
"Eh kasi palagi mo kong pinapasaya eh, pinapakilig ganon. Lagi mo pinaparamdam na special ako sayo. Eh ako naman di ko alam paano ipapakita yun eh kasi alam mo naman di ako showy at sadyang di ko alam kung paano. Kaya ayun, masaya lang ako and thankful sayo."
"Ganon talaga. Mahal kita eh."
"Kahit may mas better pa sa akin?"
"You're the best for me."
I smiled.
"Ikaw lang gusto ko makasama hanggang pagtanda." Pahabol niya pa.
"Sigurado ka?" Natatawang tanong ko.
"Oo. Sayo pa lang ako naging ganito ka-sigurado." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.
I love the feeling talaga. Nakakainlove. Ang sarap ma-inlove sa taong mas inlove sayo. Aaaaa! Sana ganito palagi kami ni Beatriz.