JHO.
Maaga ako nagising ngayon kasi may training kami ng 6:30 AM. Syempre ginawa ko muna yung morning rituals ko tapos lumabas na sa kwarto ni Beatriz. Gusto ko kasi na gawan siya ng breakfast eh.
"Ay magandang umaga po ma'am Jhoana." Bati saakin ni Manang. Katulong nila Beatriz.
"Good morning din po!"
"Ang aga niyo po nagising ah, 5:00 AM pa lang."
"Manang gusto ko po kasi ipagluto si Beatriz eh. Tulungan niyo po ako please?"
Ngumiti naman siya. "Ikaw pa ba, tara na sa kusina."
After 20 minutes okay na rin. Buti hindi sunog yung bacon na niluto ko. Haha. Pancake, bacon, and egg lang niluto ko. Walang fried rice kasi masyado ng mabigat sa tiyan pag ganun. Haha. Syempre, nag-timpla ako ng coffee para kay Beatriz. Susunduin ko pa sana siya sa kwarto niya pero pababa na siya ng hagdan.
"Good morning, Beatriz!"
"Good morning, Jho! What's that smell? Nakakagutom."
"Luto ko yun syempre. Tara na bilis." Sabi ko at hinila siya papunta sa dining table nila.
Napangiti naman siya. "Wow, hindi sunog yung bacon." Napatingin naman siya kay Manang. "Hula ko, kayo po yung nag-luto."
"Ay hindi ma'am Bea ah.. Si Jho nag-luto lahat nyan, guide niya lang ako." -Manang
"See? Ako gumawa lahat nyan. Kumain ka na dali."
Natawa naman si Beatriz. "Nice bawi." Tapos naupo na siya at nag-simula ng kumain.
"Manang kain na rin po kayo." Sabi ko.
Umiling naman si Manang agad. "Hindi na, mamaya na siguro at madami pa akong gagawin."
"Sige po." Sabi ko at naupo na sa tabi ni Beatriz at sinabayan siya sa pagkain.
"Okay ba luto ko ha? Keri na?" Tanong ko sa kapre na katabi ko.
"Hmm.. pwede na."
Nag-pout naman ako. "Pwede na? Yun lang?"
"Oo eh. Kulang kasi bakit walang rice?"
Pinitik ko naman siya sa noo. "Anong bakit walang rice? Mamaya na yun after training. Ang takaw mo talaga."
"Joke lang, kahit naman ano basta luto mo perfect pa rin para sakin kahit minsan parang di siya edible."
"Ang sama mo talaga." Sabi ko at inirapan siya.
Naramdaman ko na lang na inakbayan niya ako. "Haay sarap, busog."
Inalis ko naman yung pagkakaakbay niya sakin. "Dun ka nga."
"Why?"
"Sabi mo di masarap luto ko."
"Wala akong sinabing ganun ah. Kung ano-ano nanaman iniisip mo."
"Ehhh.."
"Wag ka magpa-cute. Baka ano.."
"Baka ano?"
"Baka.." Napailing naman siya. "Baka mapitik ko noo mo."
"Edi pitikin mo."
"Sure ka?" Natatawang tanong niya.
"Oo, sanay ka naman manakit eh." Sabi ko at inirapan siya.
"Ikaw kaya yun."
Tinitigan ko naman siya. "Paanong ako? Kailan pa kita sinaktan ha?"
"Daming beses na." Sabi niya tapos ngumiti. "Pero ayos lang. Tara na nga, baka ma-late pa tayo sa training."
"Teka lang Beatriz yung pinagkainan natin.."
"Si Manang na bahala dyan.. alam naman niya may training tayo eh."
Wala na akong ibang nagawa kundi sumunod sa kanya. Pinauna na niya ako sa CR kasi matagal daw ako kumilos. Tch. Siya nga yun eh. Nagpapaganda pa kasi para sa mga manliligaw niya. Nako, yan si Beatriz? Kunwari lang yan na wala siyang type sa mga manliligaw niya eh. Alam ko naman may isa dun na umaagaw ng atensyon niya. Di pwedeng wala. Kainis lang kasi ayaw niya pa sabihin sakin kung sino, as if naman aawayin ko diba? Saka bakit ko naman aawayin? Ay ewan! After ko ayusin sarili ko lumabas na ako agad sa CR tapos nandun na rin agad si Beatriz.
"Ang bilis mo?!"
"Ang tagal mo kaya. 20 minutes ka."
"Edi sorry naman. Ano? Tara na?"
"Ikaw baka mag-aayos ka pa."
"Hindi na need kasi maganda na ako." Sabi ko sabay flip ng hair tapos nag-act naman siya na parang nasusuka.
"My gosh, Jho. Ang aga."
"Ang aga tapos ang ganda ko agad? Wala eh, Maraguinot bestfriend mo eh."
Napailing naman siya. "Let's go bago pa kita mahampas ng gym bag ko."
"HAHAHA! s*****a!" Sa dami ng kemerut namin sa buhay mga 6:10 na kami nakaalis sa bahay nila. Sana walang traffic kasi di kami pwede ma-late. Haaaaay.
Bigla naman tumunog phone ko kaya kinuha ko agad tapos tinignan at may text si Marci. Hala? Bakit naman nagte-text yun?
Good morning Jho :) goodluck sa training.
Nakakaloka ha. Anong meron?
"Beatriz tinext ako ni Marci."
"Oh? Ano sabi?"
"Good morning daw pati goodluck sa training. Ang weird naman diba? Bakit siya magte-text ng ganun sakin?"
"Baka crush ka."
Natawa naman ako. "Crush agad? Eh kahapon lang kami naging close eh."
"Malay mo type ka na niya dati pa."
"Siraulo. Ang dami mong issue." Sabi ko at nag-reply na kay Marci.
"Bakit? Possible naman yun ah."
"Eh bakit naman ako magugustuhan nun?" Tanong ko.
"Bakit naman hindi? Maganda ka."
Napangiti naman ako. "Weh? Maganda ako? Para sayo maganda ako?"
Diretso lang tingin niya sa kalsada. "Dami mong tanong, Jho."
"Eh bakit di mo pa kasi sagutin? Oo o hindi lang eh. Maganda ba ako para sayo? I-rate mo nga sa scale na 1-10."
"Edi tanungin mo si Marci bakit ako pa tinatanong mo?"
"Syempre ang high kaya ng standards mo. So pag maganda ako para sayo, ibig sabihin, totoo na maganda talaga ako."
"Saakin mo ibabase? Pano pag sinabi kong hindi ka maganda? Tingin mo hindi talaga?"
"Syempre kahit sabihin mo na di ako maganda, para sakin maganda pa rin ako. HAHAHA!"
"Leche. GGSS."
"Sagutin mo na!"
"Sige na nga, maganda ka na."
"Napilitan ka pa eh." Nagulat naman ako kasi bigla niya ginilid yung car niya tapos huminto kami.
"Ay? Bakit?" Tanong ko. Tinitigan naman niya ako. Kaya parang nagwawala na yung mga lamang loob ko. Nakakaloka talaga siya tumitig eh. Feeling ko kung sa isang fan niya gagawin 'to baka may mabalitaan na lang akong 'Fan ni Bea de Leon sinugod sa hospital matapos himatayin sa titig niya' WEW! Buti na lang kahit papano sanay na ako.
"Ano?" Tanong ko sa kanya. Nakatitig pa rin siya. "Tinutunaw mo ba ako ha?"
Tanong ko ulit.
"Hmm alam ko na sagot sa tanong mo."
"Ano?"
"Ay wait, di pa pala ako sure. Steady ka lang please."
"Huh? Ano nanaman? Bakit?" Seryosong-seryoso naman siyang nakatitig sakin.
"Wag ka gagalaw." Sabi niya tapos nilapit yung mukha niya sakin. "H-huy..." Ano ba ginagawa neto?!
"Alam ko na.." Sabi niya tapos lalo pang nilapit mukha niya sakin. To the point na onting galaw ko na lang siguro, mahahalikan na niya ako kaya sobrang steady lang talaga ako.
"Ang alin ba yun?"
"Ask me again."
"Ha?"
"Ask me again, Jho." Napalunok naman ako kasi grabe yung lapit ng mukha niya pati yung titig niya.
"M-maganda ba ako.. B-beatriz?" Bigla naman siyang ngumiti. Take note. Ang lapit pa rin ng mukha niya sakin.
"Sobra. Lalo na kapag ganito kalapit." Nakangiting sabi niya. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko napunta na sa mukha ko. Ang init ng mukha ko. Beatriz!!!!!!!!
"B-Beatriz.." Natatawang lumayo naman siya sakin tapos nag-drive ulit.
"Langya ka! Ang dami mong alam!" Sabi ko nang magising na mula sa kabaliwan niya.
"You should have seen your face, Jho. HAHAHA!"
"Bwisit ka you know? Ang lakas mo mang-trip!"
"Ano? Tatanong ka pa?" Pang-aasar niya.
"Hindi na! Leche ka!"
"Wag si Bea de Leon. Baka mahimatay ka sa kilig." Natatawang sabi niya.
"Aba! Asa ka naman kinilig ako sayo!" Sa totoo lang hindi ko na alam pinagkaiba ng kilig sa hiya pag si Beatriz kasama ko. Naghahalo kasi yun eh.
"Kaya pala nauutal ka."
"Syempre ganun ka ba naman kalapit!"
"Bakit? Si Trey naman ginaganun ko wala lang sa kanya." Napairap ako bigla.
"So ginagawa mo din yun sa iba? Di lang sakin?"
"Huh? Yung kanina sayo ko pa lang ginawa yun.."
"Liar. Kakasabi mo lang pati kay Trey."
"What I meant was yung ilalapit mukha yun yung ginagawa ko kay Trey minsan pag di niya ako pinapansin. Yung sayo naman, tch! Breezy moves ko lang yun."
Gusto ko pa sana mainis kaso natawa ako sa breezy moves. "Ikaw ha.. napaamin bigla eh. HAHAHA!"
"Kaya wag ako Jho. Madami akong breezy moves dito."
"Akala ko ikaw yung bini-breezyhan yun pala ikaw ang nangb-breezy." Sabi ko.
"Pwede rin naman both eh." Natatawang sabi niya.
Minsan talaga napapaisip ako dito kay Beatriz eh. Pero hindi ko lang masyado pinapansin pati ayoko i-open sa kanya kasi baka mali lang ako tapos baka ma-offend ko pa siya. Minsan kasi naiisip ko na baka bisexual siya. Yung into girls tapos pwede ring into boys. Nakakapagtaka din kasi na sa dami ng manliligaw niya wala siyang ine-entertain. Tapos minsan pa kapag magkasama kami, tapos may mga magagandang babae na dumadaan napapatingin talaga siya. Di naman ako nanghuhusga pero baka appreciative lang siya? Ay ewan! Pero okay lang naman yun para saakin kung sakali. Hindi ko din alam pero kung tama man ako na bi siya, parang magiging mas masaya pa ako, mas okay pa. Lalo na kung magpapakatotoo na siya sa sarili niya. Bilang bestfriend niya, syempre tatanggapin ko siya.
"Huy, Jho!" Napatingin ako kay Beatriz. "Bakit?"
"Lutang ka nanaman eh. Nandito na tayo sa BEG." Nilibot ko paningin ko.
"Ay hehe oo nga noh."
"Lalim kasi ng iniisip eh."
"Baliw.. tara na." Sabay kaming pumasok sa BEG sakto pa na 6:30 kami dumating. Nkklk!
"Bessy!!!" Tawag sakin ni Jia tapos tumakbo pa palapit sakin at hinila ako palayo kay Bwatriz.
"Ano?! Aga-aga!! Harot!"
"Aga-aga din ang sungit mo. Bes kasi may super ganda akong news for you!"
"Siguraduhin mo super ganda ha, dapat kasing ganda ko."
"Charot na lang pala. Keme lang. Di na siya super pretty."
"Ano nga yun bes?" Tanong ko.
"Eh kasi bes oh my gosh like super omg lang. Kasi emegesh ng malala. Walang sagot sa tanong!"
"Ano nga?!"
"Walang sagot sa tanong kung bakit ang ganda ko!"
-_______-
"Yun na yon?"
"Joke lang. Kasi bes may gig ang SUD next friday. Love mo sila diba?" Nahampas ko naman siya ng madami beses.
"OMG! OMG! Kailan?" Nahampas niya rin ako.
"Bingi? Next friday nga."
"Weh? Tara na!"
"Anong tara na? Next friday pa gaga!"
"Nae-excite ako! Sino-sino tayo manunuod?"
"Ikaw bahala may gusto ka isama? Basta kasama ko forever baby Miguel ko. Ikaw?"
"Edi kaw na may lovelife. Bukod sa inyo, sino pa kasama?"
"Mich and her byubyu."
"Ate Ella?"
"Ayaw niya eh di naman siya mahilig don."
"Si Beatriz na lang isasama ko." Ngumiti naman si Jia na may halong something.
"Iba din eh. Bes paalala ko lang ha, puro mag-jowa din nandun kasi theme ng event nila ay para sa mga mag jowabels, my one and only ganorn."
"Ano naman? Parang jowa ko na rin naman si Beatriz eh. Hahahaha!" Pagbibiro ko.
"Girlfriend kita?" Shet. Napalingon ako sa likod ko. Beadel!!!
"Hehehe joke lang yun si Jia kasi eh."
"Ano? Ako nanaman!" -Jia sabay walk out.
"Eh kasi Beatriz may gig yung SUD, Jiaguel at Mich and her Byubyu kasama ko. Ayoko naman na mag-isa lang ako tapos sila mag-jowa. Ikaw na lang sumama sakin please? Please? Next friday pa naman yun. Please?"
Nag-nod naman siya. "Next friday? Ay wait, aalis yata kami nila Dad nun."
"Eh? Aalis kayo?"
"Wait." Nilabas niya phone niya tapos may tinignan siguro sa memo. Sana wala. Sana wala. Gusto ko makasama si Beatriz. Please.
"Sorry Jho, I can't go with you. Naka-sched na kasi yun na pupunta kami ng Cebu. May event si Kuya Loel tapos dun gaganapin."
"Ganun ba.. sige ayos lang."
"You know naman na gusto kita samahan pero di talaga pwede. Kung gusto mo kausa---"
"Okay lang Beatriz. Sumama ka sa family mo minsan lang kayo mag-bonding apat eh. Kaya ko naman sarili ko."
Huminga siya ng malalim. "Babawi na lang ako sayo."
Hinawakan ko naman yung kamay niya para maniwala siya na ayos lang ako. "Wag mo na isipin, promise ayos lang."
She smiled at me. "Okay. But still, babawi ako."
Ngumiti na lang ako tapos sabay kami naglakad papunta sa gitna ng gym para sa stretching. Di pwede si Beatriz. Ayoko naman maging fifth wheel sa mga mag-jojowa kong kaibigan. Huhu. Sino pa kaya pwedeng sumama sakin? Sana meron pa.