JHO. The moment na kinausap ako ni Bea kahapon, mas naramdaman kong di pa rin pala ako okay. May part pa rin sa akin na kulang at alam kong si Beatriz yun. I'm still healing. Siguro mas napapabilis lang dahil sa mga taong nakapaligid sa akin. Because of my family and friends. Lalo na dumating ulit yung childhood friend ko na si Nico. Eh parang kapatid na turing namin sa isa't isa nun. Kaya masaya ako kasi nakita ko siya ulit after ilang years. Isa pa, kahit ayaw ni Nico dahil may iba siyang pinopormahan, tinulungan niya akong magpanggap na dini-date ko siya. Katulad ng pagpopost namin ng pictures namin na mukha kaming nagdate or what. Part of the plan yun para matigil na yung mga shippers namin ni Bea. Lately kasi naging matunog yung about sa amin ni Bea na may nagbago na raw. Kaya ayu

