Chapter 4

1664 Words
JHO. Maaga akong nagising habang si Beatriz tulog pa dito sa tabi ko at nakayakap sa tiyan ko. Nag-twitter lang ako habang hinihintay siya magising since ayoko naman na istorbohin tulog niya. Nag-puyat kasi yan sa pag-buo ng lego collections niya.   Ewan ko kung ano sumagi sa isip ko para i-search yung jhobea na isinigaw ng fan namin kagabi. Feeling ko ship name yun eh. Nagulat ako sa dami ng tweets na related dun. Tapos puro picture namin ni Beatriz. Pinakamarami yung hinalikan niya ako sa noo. Ang daming tweets about us na kinikilig daw sila and that kami daw ang next AD.   Natatawa na lang ako sa ibang tweets eh. Kasi may bagong barko nanaman daw na lalayag this season. Ang cute nila!    Never ko pa na-imagine sarili ko na ishi-ship sa kapwa ko babae. Sila Jia sanay na dun eh. Lalo na etong mahimbing na natutulog sa tabi ko. Sanay na sanay eh. Ang daming shini-ship sa kanya. Pinakagusto niyang binabasa na tweets pag tungkol sa kanila ni EJ Laure. Tss. Kasi daw kahit magkaiba ng schools pinu-push pa din magkaroon ng ganaps. Weird ng Beatriz na yun!    *You know na may something the way Bea look at Jho eh. Layag guys!* Napansin ko yung tweet na yan tapos tinignan ko yung picture. Gusto ko sana mag-reply ng talaga ba kaso wag na lang. Hahahaha. Katamad eh. Oo nga noh, yung tingin ni Bea parang iba. Lol. Nahahawa na ba agad ako sa shippers? Bilis naman. Gumagana agad imahinasyon ko.   "Good morning, Jho!" Bati ni Beatriz sakin.   "Good morning din. Tignan mo 'to beh. May shippers tayo jusme."   "Aga naman para dyan. Sanay na ako."   Inirapan ko siya. "Sanay ka na? Edi ikaw na."   "First time mo kasi kaya natutuwa at nae-excite ka." Sabi niya.   "Swerte ko noh? Unang ship ko sayo pa. Sa hambog na tulad mo pa." Sarcastic na sabi ko.   Natawa naman siya. "You're lucky talaga."   "Selfie tayo dali. Para good yung morning ng shippers." Sabi ko.   "Kagigising ko pa lang, Jho!"   "Papi ka pa rin naman. Dalian mo na nga."   "Hays." Reklamo niya pero nag-smile din naman nung tinaas ko na phone ko. Keme. Arte mo de Leon!   "Ayan happy ka na?" Tanong niya.   "Ha ha ha." Inirapan ko na lang siya tapos pinost na yung picture. Wala pang 5 minutes ang dami na agad RT's and likes. Iba din eh.   "Grabe Beatriz tama nga si Jia magkakaroon talaga tayo ng shippers." Sabi ko.   "Bakit? Ayaw mo ba?" Tanong niya habang nakatitig sakin.   Leche talaga isang 'to. Alam naman niyang ayoko ng tinititigan niya ako ng ganyan eh. Nakaka-conscious kasi.    "Ayos lang naman. Ship lang naman eh. Hindi totoo." Nakangiting sabi ko sa kanya.   Nag-nod na lang siya. "Breakfast na tayo." Yaya niya sakin tapos naunang lumabas ng kwarto.   Tignan mo isang yun! Bilis mabago ng mood eh!  Iniwan ko phone ko sa kama niya tapos sinundan siya.    "Good morning, Jho!" Bati ni Tita Det and Tito Elmer.   "Good morning din po tito and tita!" Bati ko sa kanila tapos ay tumabi kay Beatriz na kumakain na agad. Di manlang kami hinintay ng parents niya.   "Bey, gutom na gutom lang? Di pa tayo nagp-pray." Puna ni Tita Det.   "Oh. Sorry." Sabi niya tapos tumigil sa pagkain.   Si Tita Det na yung nag-lead ng prayer. After nun kanya-kanya na kaming kuha ng pagkain.   "Beatriz, dahan-dahan naman grabe ka." Bulong ko sa kanya.   "I'm hungry eh."    "Nako, pag ikaw sumakit tiyan mo dahil sa biglang pagkain tsk."   "So what? May mas masakit pa nga dun." Bulong niya rin.    Hay nako! Ako binu-bwisit ng babaeng to! Napakasungit!   "Ano naman?" Tanong ko.   Lumingon siya sakin. "Something you'll never know." Tapos kumain ulit siya.   Ang arte talaga. Tss. Hinayaan ko na lang siya dahil tinotopak nanaman. Kumain na lang din ako ng madami ang sarap kasi ng luto ni Tita Det kaya nga gustong-gusto ko dito nags-stay sa kanila eh. Dami pagkain, hindi nawawalan eh. Plus masasarap pa. Hehe.   "Jho anak, kumain ka pa madami. Alam mo naman ayaw kong nagugutom ka." Sabi ni Tito Elmer sakin.   "Hala tito ang dami pa nga po ng nasa plato ko eh." Natatawang sabi ko.   "Alam ko naman pag naubos mo yan uulit ka pa." Biro ni Tito Elmer. "Saglit, kuha lang ako ng dessert." Sabi ni Tito Elmer. Ayaw niya kasi talaga inuutusan yung maids nila kapag mga simpleng bagay lang ang gagawin lalo pa't may oras siya.   Grabe, hindi pa ako gaano nag-tutubig kaya feeling ko di ako nabubusog. Wahaha. Ang saya talaga. Ang sarap kumain. Lalo na kapag badtrip yung nasa tabi mo. Tsk. Bahala ka dyan, Beatriz!   "I'm done. Excuse me." Biglang sabi netong nasa tabi ko tapos tumayo na..   "Bey ano ka ba? Manhid lang? You have bloodstains on your pajama." Puna ni Tita Det.   Napatingin tuloy ako kay Beatriz tapos nakakatawa lang... namumula siya!   "Pfft.... HAHAHAHA!" Hindi ko na napigilan tawa ko tapos sinamaan ako ni Beatriz ng tingin. Maski kasi si Tita Det natawa.   "Bey, hindi ka pa talaga pwede mag-boyfriend. Nako, go fix yourself sa taas bilis." Sabi ni Tita habang natatawa.   "Grabe Tita baka nagalit sakin si Beatriz." Natatawang sabi ko.   "Hay nako, kasalanan niya naman yun. Manhid."   Nakabalik naman si Tito Elmer. "Asan yung isa?"   "Ayun, napahiya." Said Tita.   "Nako, binu-bully niyo nanaman babygirl ko." Naiiling na sabi ni Tito.   "Nako Tito wala ako kinalaman dyan, si Tita talaga yun." Biro ko.   Natatawa pa rin ako. Kaya pala lakas mag-sungit ni ate gurl kasi meron siya. WAHAHA. Ang cute lang!   "Hay basta ang nalaman ko lang hindi pa talaga dapat mag-boyfriend si Bea." -Tita   "At bakit?" -Tito  "Nako, wala pang pake yung anak mo sa sarili niya kahit tinagusan na." Natatawang sabi ni Tita.    "Kaya nga nandyan si Jho para alagaan yung anak natin eh pag wala tayo. Diba, Jho?" Sabi ni Tito sabay tingin sakin. Halos masamid ako sa sinabi niya. Nakaka-pressure!   "Opo, aalagaan ko si Beatriz lagi. Careless kasi masyado yun eh."    "Pati yung mga nanliligaw sa kanya, Jho. Gusto ko binabantayan mo ah. Nag-iisang anak na babae ko lang yan si Bea ayoko na may mananakit dyan. Pag nagkataon kawawa samin ni Loel yung magpapaiyak sa kanya." -Tito   "Opo, tito. Ako po bahala. Saka wala nga po natitipuhan si Beatriz sa mga manliligaw niya eh." Sabi ko.   Nakita ko naman si Tita Det na tahimik lang habang kumakain ng dessert. Mukhang napansin din ni Tito.  "Det, are you okay?" Ngumiti naman ng pilit si Tita. "Of course. Nako, Jho. Kunwari lang yun si Bey na walang natitipuhan sa mga manliligaw niya. Baka nahihiya lang sayo sabihin. Basta Jho kapag nag-kwento si Bey sayo na inlove siya, tell me agad ah."   "Opo. Pag ako po una nakaalam syempre matic po na sa inyo ko agad sasabihin." Nakangiting sabi ko.   Nag-kwentuhan pa kaming tatlo. Hanggang sa na-open pa sa lovelife ko pero na di ko alam bat nasama sa kwentuhan eh wala naman akong lovelife. Lol. Crushlife lang talaga.  Natapos na kami kumain at sobrang busog ako. Syempre pahinga saglit tapos pinasunod na nila ako kay Beatriz. So pumunta na ako sa kwarto ng sungit na yun.  Pag-pasok ko nakita ko siya na ginagamit yung phone ko. Hinayaan ko na lang, ganun naman talaga kami eh.   "Grabe, sobrang busog ako!"    "Nag-chat sayo si Jia. Punta daw kayong bar." Sabi ni Beatriz sabay abot sakin ng phone ko.   "Hala? Ayaw ko! Kahit madami pogi dun ayaw ko."    "Punta ka ba sa dorm?" Tanong niya.   "Bakit? Pinapaalis mo na ba ako?"   Umiling siya. "Nagtatanong lang."   Lumapit ako sa kanya tapos niyakap siya mahigpit. "Sige lang sungitan mo lang ako ng bongga, alam ko naman rason bakit ka ganyan." Pang-aasar ko.   "Shut up, Jho."   "Sasama lang ako dun sa bar kapag sumama ka sa sakin." Sabi ko habang yakap pa rin siya.   "Wow, gusto mo mag-bar ako? Sure ka?"    Oo nga noh? Parang hinayaan ko na rin na magpakalasing siya buong magdamag pag ginawa ko yun.   "Oo sure ako pero asa ka naman na mag-iinom ka. Di ka aalis sa tabi ko. Pag umalis ka ibubuhos ko sayo lahat ng alak sa bar sige ka."   "Edi ang boring lang din nun."    "Ewan ko ba sa Jia na yun bakit niyaya din ako." Inis na sabi ko.   "Boring kasi ng life mo. Puro ka libro and the like. Try mo din kaya uminom noh?"    "Para saan pa? Para pag-gising ko masakit sobra yung ulo ko dahil sa hangover? Wag na lang noh. At ikaw, pwede ba bawas-bawasan mo yang pag-inom mo. Isa pa ingatan mo sarili mo. Laki mo na tinatagusan ka pa."    "Tch. Malay ko ba na meron ako?"   "Kaya bawal na bawal ka talaga mag-boyfriend eh."   "Sino ba nag-sabi na magbo-boyfriend ako?" Hindi ko masyado narinig yung bulong niya. Bang hina kasi!   "Ano? Ano nga ulit sinabi mo?"   "Wala. Sabi ko ikaw na lang mag-boyfriend kung gusto mo."   Umirap na lang ako. "Ayoko noh. Mas gusto pa kita alagaan kesa sa ibang tao. Pati pag nag-boyfriend ako, paano ka na?" Tanong ko tapos tinignan siya.   "Paano ako?" Balik tanong niya.   "Oo."   "I don't know too. Maybe, iinom malala?" Nabatukan ko naman siya.   "Anong inom malala? Tignan mo! Kaya ayoko talaga iwanan ka eh!"   Tumitig naman siya ulit sakin. "Di mo talaga ako iiwan?"   "Oo. Bestfriend kita. Priority kita."  Natawa naman siya pero parang pilit. "Kaya nga eh. Bestfriend."    "Ano problema?"   "Wala." Natatawang sabi niya.  "Alam mo baliw ka na talaga."   "Baliw agad?"   "Oo tumatawa ka sa seryosong usapan."   "Ganun talaga, Jho. Minsan pag wala ka ng magawa, tawa ka na lang."   "Bakit humugot ka? Inlove ka ba?"   "Yuck. Hindi ah. And, hugot ba yun?"   "Parang."   Ginulo naman niya buhok ko. Hinawakan ko yung kamay niya tapos hinarap siya.   "Eto seryoso na, Beatriz. Di ka pwede tumawa."   "Bakit? Ano yun?"   "Alam ko paulit-ulit na. Pero gusto ko, pag nainlove ka, ako una makakaalam ah?"   "Bakit?"   "Bestfriend mo ako eh."   "Ahh... hindi ba pwedeng ako muna makaalam bago ikaw?"   "Tss. Basta ako una sabihan mo!"   "Okay, ako rin Jho may sasabihin."   "Sige, ano?"   "Wag ka mai-inlove." Seryosong sabi niya.   Napakunot naman noo ko. "Huh? Imposible yun!"   "Wag ka mai-inlove sa taong sasaktan ka lang ulit. Piliin mo yung taong kahit parang mali, gagawing tama lahat para sayo." Seryosong sabi niya habang nakatitig pa rin sakin.   Hindi ko alam kung ano 'tong weird feeling na nasa tiyan ko ngayon. Nakakapanibago.  Nag-nod na lang ako sa kanya, hindi ko kasi alam yung sasabihin. Parang naubusan ako ng mga salita. Basta ang alam ko ngayon, nakatitig siya sakin, nakangiti. Tapos... Hinawi yung buhok ko at hinalikan ako sa noo. Sa ngayon, ito lang yung alam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD