Chapter 32 ALiNA KATE POV AFTER KUNG KUMAIN AY naglinis naman ako ng buong bahay dahil may pasok pa ako mamaya sa school. May balak 'din akong puntahan mamaya ang mga kapatid ko. Sana lang ay wala ang bruha kung mama at ang boyfriend nito. Tapos na ako maglinis sa kwarto ni tito Conrad, kusina at sala's. Kaya naman ang kwarto ko naman ngayun ang nililinis ko. Malinis naman ang kwarto ko dahil hindi naman ako burarang babae. Minsan pa nga ay naiinis ako kay Tito Conrad dahil makalat siya sa bahay. Lalo nasa kwarto niya. Parang binagyo na ewan, kung saan saan nakalagay ang mga pinaghubaran niya na tila ahas. Kaya lang naman pala malinis ang bahay niya dahil may tagalinis siya noon. Ngayun ay ako naman kaya kita ko lahat ang mga kalat niya. Opposite kaming dalawa. Ako masinop, siya makala

