Chapter 50 ALiNA kATE POV HABANG NAGLILINIS AKO NG bahay ay nakasalang naman ang mga labahan sa washing machine. Araw araw ako naglalaba para hindi ako matambakan dahil mahirap maglaba lalo na kapag marami na. Dalawa lang naman kami dito sa bahay kaya araw araw ako naglalaba. Mahirap kasi kapag mano-mano. Balak ko sanang maglambing kay tito na magpabili ng automatic. Kaya lang nahihiya naman ako. Mamaya kasi isipin niya abusada ako kaya hindi na ako nagsasabi. Kaya naman nagtiyatiyaga na lang ako at araw araw ako naglalaba para hindi matambakan. Maya-maya'y nakarinig ako ng tunog ng doorbell kaya lumakad ako patungo sa pintuan pero naunahan na ako ni tito. Hindi ko alam kung sino ang nasa gate kaya hindi ako umalis sa pintuan saka sinilip kung sino ang nag-doorbell. Nagsalubong agad a

